Thirteen

93 0 0
                                    

Pride and Pain

"Kailangan kong dumistansya sayo."

Paulit ulit niyang naririnig ang mga salitang iyon na sinabi ni Benj sa kanya. Alam niyang tama ang nararamdaman niya noong una pa lang, pero pinipilit niyang mali ang iniisip niya.

But she knew that she was right all along when he said that he was avoiding her.

Hindi niya napigilan ang magtanong. Bakit niya kailangang gawin iyon? Anong dahilan? Hindi ko maintindihan. Gusto kong magtanong. Pero ayokong mukhang naghahabol para sa atensyon niya.

Hindi ko akalaing masasaktan ako sa ginawa niyang ito.

Nagtipa siya sa ng message para sa kaibigang si Anne.

Me : Girl. Anong ibig sabihin kapag sinabi sayo na dumidistansya lang siya?

Anne : Bakit? Sinong nagsabi sayo?

Me : Si Benj kasi.

Anne : Bakit, anong sinabi ni Benj?

Me : Kasi, sabi niya dumidistansya siya sa kin.

Anne : Hindi ko rin alam, baka kailangan nya lang gawin yon kaya sinabi niya sayo. Kilala natin si Benj. Hindi niya kayang magsinungaling.

Me : Pero, bakit? Anong rason?

Anne : Hindi ko rin alam kung anong dahilan. Sa kanya mo dapat malaman yan.

Me : Naiiyak ako.

Anne : Ifocus mo ang attention mo sa ibang bagay. I will hug you later.

Me : Thanks. I need you.

Anne : You're welcome. At wag mong ipakita na affected ka.

Me : Yes.

Nakatingin siya sa pc niya at sumilip siya sa kabilang parte ng station niya. Nagtama ang paningin nila ni Anne. Ngumiti ito sa kanya at ngumiti siya pabalik para ipakitang ayos lang siya.

Pero alam nitong hindi totoo ang ngiting iginawad niya rito at para lang na hindi mahalata ng mga tao sa paligid ang nangyayari sa kanila ni Benj.

She looked at Anne one last time and she felt that tears were threatening to fall down from her eyes.

Huminga siya ng malalim para mapigilan ang pagpatak ng luha at ibinaling niya ang paningin sa pc na nasa harap niya.

She hit the "enter" key on her keyboard pagkatapos niyang masagutan ang lahat ng mga tanong sa questionnaire.

Bahala na kung pumasa ako o hindi. Tutal naman balak ko nang umalis dito.

She waited for the result to come out. A few seconds more passed when a pop up message appeared. She checked it when the result came out as passed.

Seryoso?

Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang concentration niya para matapos ito.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon