Seven

97 1 0
                                    

Growing Feelings



Lunes at pangatlong linggo na ng training nila. Pinalipat na sila ng training room at dahil wala naman silang seating arrangement ay malaya silang maghanap ng upuan.



"Saan ka, Dad?" tanong niya kay Daddy Robert.



"Dito na lang ako," sabi ni Daddy Robert na naupo sa silyang nasa tabi niya. Nasa tabi naman nito si Peter.



"Saan kayo?" tanong naman ni Mommy Jane. "Tabi tabi na lang tayo,"



Umupo na ito sa tabi niya. Bumaling naman ito kay Benj na kararating lang. "O, san ka uupo?"



"Sa tabi nyo na lang po, 'My," sabi nito sabay lapag ng bag nito sa upuan. Sa kabilang side naman nito ay umupo si Sarah.



Pinagmasdan niya ang loob ng room. Nakita niyang sa tapat ng upuan ni Daddy ay nandoon si Lucas at katabi nito si Anne. Sa tabi naman ni Anne ay sina Jaycee at Cyril, at ang nasa pinaka dulo ay si Alain at Nicka. Magkatabi silang nakaupo ng sandaling iyon nang makabalik sila galing break at may spare time para magkwentuhan gaya ng lagi nilang ginagawa.



"So, ano yan, may turo ka pa mamaya after ng shift natin. Hindi ka ba mapapagod?"



"Hindi naman, lagi ko naman kasing ginagawa ito. Sanay na ako,"



Tumango tango ang dalaga sa sinabi ni Benj. Ang sipag talaga niya, at ang bait pa.



"Kamusta naman ang mga estudyante mo? Hindi ba sila makukulit?"



"Medyo, lalo pa mga teenager at nasa high school ang tinuturuan ko. Kailangang maging mabait, pero nagiging strict din ako lalo kung hindi sila masaway,"



Akalain mo yun, may strict na side din pala siya. Parang ako din. Hindi halata sa itsura niya, ha. Napangiti siya sa iniisip at napansin naman ito ng binata.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon