Eight

69 0 0
                                    

Team Building





Friday na ng linggong iyon at gaya ng dati ay sabay sabay silang pauwing tatlo nina Benj at Daddy Robert. At siyempre dahil iba ang way ni Daddy Robert sa kanila ay humihiwalay ito sa kanila pagdating sa ground floor. Naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep at nakita sila ng mga kasamahan nilang nakatambay sila sa harap ng Family Mart. Nandoon pala ang mga iyon dahil nagyoyosi ang mga ito pagkatapos ng shift.





"Uwi na kayo?"





"Oo, eh."





At dahil silang dalawa na naman ang magkasama, pinagtinginan na naman sila ng mga ka-team mates nila.





Mukhang may balak na naman silang mang asar, naisip niya. Palibhasa ay isa sila sa mga natutuksong "loveteam" daw sa training katulad nina Lucas at Anne, at si Alain at Nicka, kaya ganoon na rin ang tukso sa kanila.





Makikipagkuwentuhan pa sana siya sa mga ito pero dahil nararamdaman niya ang balak na pang aasar ng mga kasamahan ay mas gusto na niyang umuwi.





"Sige, guys. Uwi na kami," paalam niya sa mga ito. Nakita na niyang nakangiti at nagtitinginan na ang mga ito.





Talaga naman. Expect mo nang may pang aasar sayo in three..





Two..





One..





"Oy, Benj, ingatan mo yang si Loui, ah."





Okay, Loui. There you go. Yan na ang inaantay mo kanina pa!





"Guys, kayo talaga. Friends lang kami."





"Sus. Friends. Doon din ang punta nyan! Di ba, Benj?"





Ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya dahil sa pinaghalong hiya at kilig na nararamdaman. Kilig? Hindi ko pwedeng maramdaman ito. Kaibigan ko lang siya! Hindi ako pwedeng lumagpas pa doon! I don't want another Nathan. Tapos na ko roon.





Tiningnan niya ang mukha ng binata. Hindi ito nagsalita ngunit nakangiti ito sa kanya at tumango lang ito sa mga kasama.





"Uuy...Si Benj talaga o,"





Panay na ang kantiyaw sa kanila sa barkada. "Sige na. Uuwi na kami,"





She waved her hand dismissively at them and started to walk away from them kasama si Benj. Sinilip niya ang mukha nito at nakangiti pa rin ito, like he's enjoying a private joke by himself.





Parang nag eenjoy pa siyang asarin kami.





Tahimik silang naglakad hanggang makarating sila sa di-kalayuang jeepney stop kung saan sumasakay si Benj ng jeep pauwi sa kanila. Siya naman ay tatawid pa ng kabilang kalsada para naman makasakay ng bus pauwi sa Cavite. Naisip niyang tanungin ito tungkol sa team building at outing nila kinabukasan.





"Sasama ka ba bukas?"





"Hindi ko alam e, kasi ang alam ko, may activity kami sa church e."





UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon