Ten

113 0 0
                                    

Deny no more

Nagising siya ng umagang iyon sa sakit ng ulo. Nag inuman sila ng barkada buong gabi at naubos pa ang dalang lambanog ni Anne, at idagdag na halos wala siyang tulog sa pagshoot ng video para sa tribal welcome nila buong maghapon ay iyon ang resulta. Mabuti na nga lang at natapos na nila ito.

Habang paupo siya ay parang binibiyak sa sakit ang ulo niya. Hinilot niya ang sentido niya para maibsan ang sakit kahit kaunti.

Ayan, Loui. Sige, inom pa. Kung bakit naman kasi inubos nyo pa yung dalang lambanog ni Anne. Ganoon mo na ba na miss ang alak para uminom ka ng ganoon ka-rami?

Inikot niya ang tingin niya sa buong paligid at napansin niyang tulog pa ang lahat ng nasa loob ng kuwarto. Isa, dalawa, tatlo..iilan lang ang nandoon. Siguro nasa labas na yung iba.

Napadako naman ang tingin niya sa relong nasa side table para makita ang oras. 6:05. Maaga pa, sabi niya sa sarili, kaya napatingin naman siya sa bag niyang nakalapag sa sahig.

Nakauwi na kaya si Benj? Sinabi ko palang sasabay ako sa kanila nila Daddy pagbalik nila ng Manila. Tumayo siya at inabot ang bag niyang nasa malapit. Siguro, hindi pa naman siya uuwi ng hindi nagsasabi sa akin. Lalo pang nagbilin ako na sa kanila kahapon, at sana, hindi niya nakalimutan.

Gumuhit ang ngiti sa mukha niya nang nakapa niya ang pamilyar na paper bag na nasa bulas ng bag niya. Toothbrush at gamot iyon ni Benj na ipinatago sa kanya nito kahapon.

Goodjob, nandito pa siya. Nasa akin pa ang toothbrush at gamot niya e. That means hindi pa sila nakakaalis. Maliligo na lang ako para kung mag aya man silang umuwi ay ready na ako.

Pumasok siya sa banyo at naligo. Katatapos niya lang magbihis at nagpapatuyo na siya ng buhok nang makarinig siya ng sunod sunod na katok sa pinto ng kuwarto.

"Pasok,"

Umikot ang seradura at sunod sunod na pumasok sina Sarah, Jaycee at Alex. And speaking of Benj ay kasunod na nito ang mga iyon, at agad nang natawag nito ang atensyon niya.

Ang ganda naman po ng pa-good morning nito, Lord. Ang cute po ng kaharap ko!

Habang lumalapit ito sa kanya ay hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Her eyes met his, and he looked so intense that she felt that he is trying to tell her something but somehow can't put into words.

She felt her insides tumble when she looked at him and tried to smile to stop whatever it is happening inside her. Pero kabaliktaran ata ang nangyari nang ngumiti ito pabalik, na lalong nagpawala sa sistema niya.

Damn it, Loui! Umayos ka!

"Good morning,"

"Good morning, din. Uuwi na kayo?"

Nagtatakang tumingin ito sa kanya. "Hindi ka ba sasabay sa amin?"

"Uh, hindi pa muna siguro. Parang gusto ko pang mag stay dito kasi,"

Tumango ito. "Ah. Okay. Sigurado ka?"

"Yup." Okay, bakit naman naisip mong hindi sumabay sa kanila?

Okay lang naman siguro na hindi ako sumama. Siguro kasi, kailangan ko lang makapag isip isip. Inaagiw na kasi naman ata ang utak ko.

"Akala ko kasi, sasabay ka. Uuwi kami ng maaga dahil may serve ako sa church ng 10am."

"Ah, oo nga pala. Sunday nga pala ngayon."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon