Eighteen

142 0 0
                                    

Decisions

"Bye, guys." paalam niya sa mga kasama nang nakalabas sila sa production floor. Sumabay siya sa mga ito dahil hindi naman pumasok si Daddy Robert, Benj at ganoon din si Anne.

"Hindi ka sasabay pauwi, Loui?" tanong ni Peter sa kanya.

Umiling siya. "Hindi, muna. Dito ako magstay sa office ngayon hanggang Martes. Sayang kasi ang pamasahe."

"Ah, sige. So saan ka ngayon nyan tatambay? Wag mong sabihing matutulog ka kaagad."

"Hindi. Mag church ako ngayon. Sunday, eh."

Nang aasar na tumingin sa kanya si Lucas. "Mag church ka, o may sisipatin ka lang doon?"

Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya sa sinabi nito. "Hindi, ah."

"Sus. Tatanggi pa. Don't deny it. We understand you."

Ang mga ito talaga. Magsisimba naman ako at mabuti kung makita ko si Benj doon. Hindi nga pumasok yung tao.

"We'll go ahead." ani uli ni Lucas.

"Sige, ingat kayo."

Nagtungo na siya sa locker room at kinuha niya ang mga gamit para makapagpalit. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na siya kaagad ng building at agad naman siyang nakasakay ng jeep.

Pagkarating niya sa simbahang iyon ay umikot ang tingin niya sa paligid. Tahimik at wala masyadong tao sa loob nito kaya pumasok siya at naupo malapit sa unahan.

Nasaan kaya siya? Hindi ko siya nakita maghapon dahil hindi siya pumasok. Kung nagtext man siya ay hindi ko malalaman dahil wala akong cellphone.

Hindi nagtagal ay nagsimula nang dumami ang tao sa loob ng simbahan, at ilang minutp lang ay nagsimula na ang misa. Hay naku, Louise. Mamaya mo na siya isipin. Mag concentrate ka muna sa misa, sermon niya sa sarili. Sorry na po, Lord. Eto na po, mag-focus na po ako.

Natapos ang misa at lumabas na siya nang kaunti na lang ang tao. Nasa pathwalk na siya nang makita niya ang isang pamilyar na bulto at malakas ang pakiramdam niyang si Benj ang nakita niya. Ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya habang binibilsan niya ang lakad niya para abutan ito.

"Benj!"

Lumingon ito. See! I was right. Siya nga yung nakita ko. Bumungad naman ang ngiti sa mukha nito nang nakita siya. "Oh, nandito ka pala, Loui. Nagsimba ka?"

"Oo, eh." Napalingon siya sa batang kasama nito. Kagaya ni Benj ay nakaputing t-shirt ito at may at may bitbit na uniporme na sa tingin niya ay pang-sakristan.

"Uuwi ka na?"

"Oo. Alam mo na, may pasok bukas. Teka, ba't ka nga pala absent?"

"Ah. May event kasi dito sa church. E hindi pwedeng umabsent doon,"

Napatango siya. "Ah, ganoon ba? Eh, kailan ka papasok?"

"Bukas. Pero kapag hindi, huwag mo na lang sasabihin sa kanila, ha?"

Marunong ding magtago ang isang ito. Napangiti siya. "Oo, ba."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon