Everything Has Changed (One Shot Story)

219 3 0
                                    

Naranasan niyo na bang mag-assume?

Yung feeling na akala mo nagpapapansin yung crush mo sayo.

Yung feeling na akala mo crush ka din ng crush mo.

Oo, nakakakilig mag-assume.

Lalo na kung ang ina-assume mo ay totoo

Pero minsan, mas masakit pa sa inaakala mo ang mararamdaman mo.

Lalo na kung pinaniwalaan mo na yung maling akala.

___________________________________________________________

"Uy Cha, si Mark oh!" sabi sakin ni Tj, ang best friend ko. Napatingin ako kay Mark at napangiti habang naglalakad.

By the way, I'm Charlene Rezzo, sophomore student, hindi kagandahan, simpleng babae lamang.

Si Mark Barero, senior student, medyo sikat sa school, hindi ganun ka-gwapo pero gwapo, talented, magaling kumanta, magaling mag-guitar, magaling mag drums, magaling sa Math, basta lahat ng bagay, magaling siya. Siya ang aking inspirasyon, crush, idol, minamahal, hinahangaan, and many to mention. May crush siya sa isang babae na ka-batch ko pa. Pero kahit may gusto siyang iba, crush ko parin siya :D

"Cha, nakatingin nanaman sayo si Mariano oh." bulong sakin ni Tj.

Si Luke Mariano, ang palaging kasama ni Mark, nakatingin nanaman sakin. Natatakot talaga ako sa kanya, makatingin kasi parang nakapatay ako ng tao eh.

Pero feeling ko, kaya siguro siya nakatingin sakin, kasi baka nahahalata na nila na may crush ako kay Mark. Minsan kasi, kapag nasa mood ako, sinusundan namin sila Mark sa kung saan sila pumupunta, eh palaging napapatingin sakin si Mariano kapag nakatingin ako kay Mark at kinikilig. Minsan nga ay sinasadya naming dumaan sa gilid nila eh.

May isang beses, ay hindi maraming beses pala, kasi naglalakad kami ni Tj, nakita kong nakaupo sila sa bench, tapos habang nagk-kwentuhan kami, nag-stop kami sa tapat ng katabing bench nila. Ginagamit ko yung peripheral vision ko para tignan si Mark, pero nung paglingon ko sa kanila, si Luke nakatingin sakin, syempre biglang iwas ako ng tingin at umalis nalang.

Pagkauwi sa bahay, tinignan ko yung ask.fm ni Mark, may mga bagong tanong na sinagot niya.

(A/N: Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang ask.fm, yun ay isang website na pwede ka magtanong ng kahit ano anonymously)

Anonymous: Sinong crush ni Mariano?

Mark: secret. :))

Anonymous: Sige na Mark! Sino crush ni Mariano?

Mark: Bakit sakin mo tinatanong? Ask him, meron siyang ask.fm, ==> ask.fm/lukemariano

(A/N: Hindi totoong account yan. Pero baka pwedeng maging totoo kapag pinilit niyo ako :>)

NEXT DAY.......

Papunta kaming covered court nang madaanan namin sila Mark at Luke. Maya maya, narinig ko yung boses ni Mark at kinanta pa yung favorite song ko na Everything Has Changed. Lumingon ako sa likod at nakita ko silang dalawa, si Mark napatingin sakin, si Luke nakatingin habang nakangiti sakin. Okay, kinikilig talaga ako kay Mark! Putek! ASDFGHJKL!

Nakaupo kami sa bleachers habang sila Mark, nakaupo sa kabilang side na bleachers. Nang tumingin ako sa direksyon nila, bigla akong napaiwas ng tingin. Kasi naman, pagkatingin ko kay Mark, nakita ko si Luke na nakatingin ULIT sakin habang nagtatago sa gilid ni Mark. Ano bang problema ng Luke na yan sakin? Bakit ba siya tingin ng tingin? Wala naman akong matandaang nagawang masama sa kanya.

"Alam mo Cha, feeling ko, crush ka ni Mariano."

"ANO?!"

"Feeling lang naman! Kasi tignan mo oh, nakatingin nanaman sayo."

Everything Has Changed (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon