Noong unang panahon ay napakatahimik ng mga mundong nilikha ni ng pinaka-malakas at ang hari ng mga bathala na bathala na si Bathalang Adrastor kasama ang kaniyang napaka-gandang asawa na si Bathalumang Asharya. Ang mundo para sa mga natatanging nilalang na nilakha ng mga kasama nilang mga bathala, bathaluman, mga diwata at iba pang makapangyarihang mga diyos at mga diyosa na nakatira sa Myldea. Ang kanilang mundo ay tinawag nilang Eoelum.
Subalit dahil sa kasakiman ng iilang mga nilalang, nagkaroon ng madugong digmaan sa pagitan ng Kabutihan at Kasamaan. Nagpatuloy ang digmaan hanggang sa hindi na nakayanan ng mga bathala at bathalumang makita ang lahat na nagpapatayan. Napagdesyonan ng mga namamalagi sa Myldea na hatiin ang Eoelum sa dalawa. Ang kampon ng liwanag ay napunta sa kanang bahagi ng Eoelum at ang kanilang lugar ay tinawag nilang Alageah. Ang kampon ng dilim naman ay napunta sa kaliwang bahagi ng Eoelum at tinawag itong Savariex.
Upang hindi na rin madamay at mapahamak ang mga mortal ay ihiniwalay ang Eoelum sa Earth upang kailanman ay hindi na makakapasok ang mga masasamang loob sa Earth. Hindi lang Earth ang ihiniwalay ng mga Bathala at Bathaluman sa Eoelum, pati ang Myldea ay prinotektahan na nila laban sa mga taga Savariex sa pamamagitan ng paglikha ng malawak na kalawakan. (nilikha ng mga taga Myldea gamit ang pinagsanib na pwersa ng mga ito)
Simula sa mga panahong iyon ay hindi na muling nagkaroon ng digmaan, ngunit alam ni Bathalang Adrastor na gagawa at gagawa ng paraan ang kampon ng dilim upang maghimagsik na naman ulit ng gulo at ito ang pinaghahandaan ng mga taga Alageah.
AYOS NG MGA MUNDO
Myldea
Outerspace
Earth
Alageah
Savariex
Tartarus
Rheacropolis
Von da Mierr
(Photos from Google)
YOU ARE READING
Half Blooded
FantasySimula pagka bata pa lang, itinuring na ni Eunice na isang trahedya ang kaniyang buhay. She started to live a new life malayo sa lugar na puro masasakit na ala-ala ang naibibigay sa kaniya. Ngunit isang araw, habang namumuhay ng tahimik, sasabog ang...