Chapter 3

28 1 0
                                    

Eunice

"Anak, gising na."

Tinapik tapik ako ni mama at sinusubukan niya ako gisingin. Gumalaw ako ng kaunti at dinilat ang aking mga mata.

"Mom? Bakit po?"

"Bumaba ka muna sandali. Hihintayin kita sa baba."

Tumango ako at lumabas na ng kwarto ko si mama. Bumangon ako at napahawak sa ulo ko dahil medyo nahihilo ako. Baka gutom lang to, hindi pa kasi ako nakakain simula kagabi. Teka nga, anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan sa table malapit sa kama ko. 4:34 am na pala, kaya naman pala gutom na gutom na ako. Tumayo na ako agad at dali daling bumaba sa hagdan.

Nang maka baba na ako, nakita kong nakabukas ang tv sa sala, baka kanina pa gising si mama at nanonood lang pampalipas ng oras. Aalis na sana ako para pumunta na ng kusina pero tumigil muna ako ng sandali nung biglang pinalabas sa tv ang news. 

"Magandang umaga po sa inyo, kahapon isang malagim na trahedya ang sumapit sa isang paaralan. Nagkaroon po ng malaking sunog doon na kumitil sa buhay ng isang estudyante." Napatakip ako ng bibig, may namatay sa sunog at wala man lang ako nagawa kundi ang tumunganga. "Nasira din halos lahat ng establisyamento at mga pag-aari meron ang nasabing paaralan. Ang apoy ay tuluyang napatay matapos ako anim na oras at kasalukuyan ngayon binuburol ang namatay na estudyante sa kanilang probinsya. Ako po si Kara Natividad, nagbabalita."

May naramdaman akong naghihimas ng likod ko. "Wag mo sisihin ang sarili mo anak, hindi mo kasalanan ang nangyari. Narinig mo lang iyon hindi mo naman alam na talaga alam na nangyayari yun sa kung saan."

"Ma paano niyo po nalaman?"

"Kinuwento sa akin ni Jen kahapon." sabi ni mama

Pumunta si mama sa kusina at nagsimula ng maglabas ng mga gulay at meat sa ref.

"Naniniwala po kayo sa akin ma?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta ng kusina. 

"Kailan ba ako hindi naniwala sayo?" Humarap siya sa akin at ngumiti. Ngumiti naman din ako.

"Bakit po pala ang aga niyo po nagising ma? May problema po ba sa restaurant?" Pagpapalit ko ng topic. Tama si mama, hindi ko yun kasalanan. Hindi ko alam na mangyayari talaga iyon at kung alam ko na totoo ang mga naririnig ko sana may nagawa ako pero kailangan ko to tanggapin. 

"Wala naman. Kailangan lang natin magluto ng marami."

"Natin?" tanong ko

Tumingin sa akin si mama at inilagay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bewang.

"Syempre, para saan pala ang pag-gising ko sayo?"

Kinamot ko naman ang ulo ko at nagsimula na rin gumalaw.

"Ano ano po ba ang lulutuin natin ngayon ma?"

"Mga paboritong pagkain ng kuya mo."

Napalingon naman ako kay mama. Bakit naman naisipan lutuin iyon ni mama? Tumakbo ako papunta sa calendaryo namin malapit sa ref.  Tama nga ako,  birthday ngayon ni kuya. 

"Happy birthday kuya! I hope na na masaya ka kung saan man kayo ni daddy." Pagbati ko sa kuya ko. 

Miss na miss ko na siya.  Parati niya ako pinoprotektahan at kahit na naiinis ako parati dati sa kaniya kasi pinagtritripan niya ako sa mga biro niya, sobrang mapagmahal siya. Nagluto lang kami ni mama ng tatlong potahe at natapos kami ng 6:30 sa umaga. 

Ipinarada namin ang mga pagkain sa table saka pa nilabas ni mama ang cake sa ref, inilapag din ito sa table malapit sa picture frame ni kuya.  Sinindihan ko ang cake saka kami upo at nagdasal ng mataimtim. Ngayon kami magcecelebrate kasi madalas ay madaming inaasikaso si Mama sa restaurant.

Half BloodedWhere stories live. Discover now