Eunice
"Eunice!"
Lumingon ako sa babaeng tumatawag sa pangalan ko.
"Oh, Jen!"
"Saan ka pupunta? Lunch na oh." Sabay tingin niya sa kanyang relo.
"Sa library. May isasauli lang akong libro."
"Sama ako." sabay yakap niya sa kanang braso ko.
"Jen mauna ka na lang sa caf para maka-kuha ka ng table agad para sa atin. Susunod ako sayo."
"Sure ka?"
"Yep. Sige na baka maubusan tayo ng upuan at mamumublema pa tayo kung saan kakain."
"Sige pero bilisan mo ah."
Tumango ako at saka ko siya tiningnan habang naglalakad siya papuntang caf. Nung hindi ko na siya makita ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang building A-2 para ibalik sa library 1 ang librong bitbit ko. Since nasa first floor lang ang library 1 kaya hindi ko na kinailangan pang maghagdan kaya nilampasan ko lang ito na parang langaw.
Nakadaan na ako sa Music room nang may narinig akong mga boses na nag-uusap sa kaliwang daanan. Doon makikita ang Study room. Actually hindi naman talaga ako chismosa kaya hindi ko na iyon pinansin at umikot pa-kanan kung saan matatagpuan ang Library 1. Pero napatigil ako nung narinig ko ang boses ni Blade.
"Kung totoo man yang sinasabi mo Alexus, nauubusan na tayo ng oras."
Nanggagaling ang boses niya sa Study room. Sa mga oras na ito ay sigurado ako na walang mga estudyante doon pero bakit naroon siya? And ang normal na tao hindi maririnig ang mga boses ng mga taong napakalayo sa kaniya. Tanggap ko na hindi ako normal pero for heaven's sake bigla bigla lang siya nago-off and on na para bang switch ng ilaw.
"Anong gagawin natin Blade? Paano natin siya mahahanap?" Isang boses ng babae ang kasunod ng kay Blade. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Bakit napaka-seryoso naman nila.
"Hindi ko pa alam sa ngayon Alexa kaya mag-iingat kayo. Hindi na tayo magiging maswerte sa oras na makita natin sila ulit."
"Buti na lang talaga at dala dala ko ang Imore dahil kung hindi malamang pati kami ni Alexus ay nakuha na rin nila."
"Siya'ng tunay Alexa." sabi nung Alexus na yun. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga sinasabi nila kaya nagsimula na ako'ng maglakad ulit pero napigilan ulit ako nung nagsalita ulit si Blade.
"Maghanap kayo ng mga impormasyon sa buong lungsod mamayang gabi at kami naman ni Calix ay mananatili dito sa eskwelahan upang magmasid. Upang masiguro ang inyong kaligtasan ay dalhin niyo ulit ang Imore at isama niyo na rin ang Lectria."
"Ngunit Blade ano ang magiging laban niyo kung sakaling kayo naman ang kanilang aatakihin?"
"Wag ka magalala Alexa, magkukubli kami ni Calix upang hindi nila kami matutunton."
"Ngunit--"
"Alexa, mas kakailanganin niyo iyan upang maging matagumpay ang inyong paghahanap ng mga sagot at iba pang bagay na kailangan niyong hanapin."
"Tama si Blade, Alexa. Sundin na lang natin siya."
"Hindi pa rin ako sang-ayon sa bagay na ito. Sigurado ako'ng kahit si Calix ay hindi magugustuhan ang iyong pinaguutos Blade."
"Tungkol kay Calix, bakit wala pa siya dito ngayon?"
"Hindi ko alam. Hindi ko pa siya nakikita mula kanina umaga."
![](https://img.wattpad.com/cover/62491788-288-k14657.jpg)
YOU ARE READING
Half Blooded
FantasySimula pagka bata pa lang, itinuring na ni Eunice na isang trahedya ang kaniyang buhay. She started to live a new life malayo sa lugar na puro masasakit na ala-ala ang naibibigay sa kaniya. Ngunit isang araw, habang namumuhay ng tahimik, sasabog ang...