Eunice
Lumipas ang ilang linggo matapos ang araw na iyon. Dalawang kakaibang pangyayari, dalawang magkaibang karanasan. Bumalik naman sa normal ang buhay ko at hindi na nasundan pa. Mas naging healthy na rin ako at patuloy pa rin sa paginom ng vitamins na binibigay sa akin ni Mom and to my surprise wala siyang naging side effect sa akin.
Kasalukuyan ako'ng nasa klase ngayon at nakikinig sa boring na lessons ng teacher. How i wish nasa club meeting ako ngayon tulad ni Jen. Lucky her! I wanna sleep! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaka-aral para sa quiz sa susunod na subject. Iidlip na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad ako'ng napa-upo ng maayos, baka naman nakakataas ng school na ito ang papasok para sa inspections. Pero laking gulat ko nung si Calix ang pumasok, yung bumangga sa akin sa cafeteria.
"Yes, what is it Mr. Alfonso?" napalingon si Sir kay Calix.
"Sorry for Interrupting your class sir, pero pwede ko po ba i-excuse si Ms. Arcillia para po sa meeting namin sa Volleyball team?" magalang na pagpapaalam ni Calix.
"Bakit naman biglaan yan? Anyway, Ms. Arcillia you may go." tumingin sa akin ang guro.
"Yes Sir." Agad naman ako'ng tumayo para sundan si Calix sa kung saan. Hindi ko mashado napansin pero kasali pala to'ng si Calix sa Men's Volleyball team at isa siya sa mga pinaka-maaasahan sa team kaya naman kampante ako'ng sumunod sa kaniya.
Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway at nakaramdam ako bigla ng awkwardness sa amin dalawa.
"Uhmm Calix--" hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil bigla na lang siya'ng nagsalita.
"Eunice right?"
"Yep"
"I'm sorry." Huminto siya sa paglalakad at idinuko ang kaniyang ulo.
"Err... Iniisip mo pa rin ba ang tungkol sa nangyari sa cafeteria? Calix, ok na ako doon. No big deal."
Humarap siya sa akin at nakita ko ang mukha niyang sobra pa sa guilty. Kulang na lang ay may lumabas na luha sa mga mata niya.
"Well, maliban doon may isa pa akong magiging kasalanan?"
"Wait... wha--" bigla na lang niya ako'ng tinulak sa isang silid at natumba. Narinig ko na ni-lock niya ang pintuan kaya agad akong bumangon kahit napakasakit ng pwet ko.
"Hoy Calix! Buksan mo nga to, ano ba'ng problema mo." sambit ko habang pinapalo ang pintuan.
"Pasensya na Eunice. Promise maiintindihan mo rin to." narinig ko na naglakad na siya paalis. Wtf!! "Teka Calix, bumalik ka dito at pakawalan mo ako. Hoy!"
"Hindi ka ba titigil sa kaka-daldal mo?"
Natigil ang pagpalo ko sa pinto at napalingon ako sa kinaroroonan ng boses na iyon.
"Blade?"
"Ay hindi si talim."
"Anong ginagawa mo dito?" Lumapit ako sa kinaroroonan niya at wala siya'ng imik na sumandal sa kung ano man. Medyo madilim sa silid na ito kahit tirik na tirik ang araw sa labas.
"Oh my gosh Blade! Okay ka lang ba?" Agad naman ako'ng napatakbo sa kaniya nung nasilyan ko ang tunay niya'ng kalagayan.
"Stupid question." Tipid niyang wika.
Halos hindi na makita ang napaka-gwapo at maamo niya'ng mukha dahil sa dugo na tumakip dito. May sugat siya sa ulo, chicken bananas! Sinuri ko ang iba pa niya'ng mga sugat. Ang iba ay gasgas at medyo malalaki at malalalim na sugat pero hindi kalala tulad ng sa ulo. Magsasalita na sana ako na dalhin siya sa clinic pero napansin ko'ng nakahawak siya sa kanang bahagi ng tagiliran niya.
YOU ARE READING
Half Blooded
FantasySimula pagka bata pa lang, itinuring na ni Eunice na isang trahedya ang kaniyang buhay. She started to live a new life malayo sa lugar na puro masasakit na ala-ala ang naibibigay sa kaniya. Ngunit isang araw, habang namumuhay ng tahimik, sasabog ang...