Chapter 7

14 1 0
                                    

Eunice

Lahat ng mga mata namin ay nakatingin sa iisang direksyon. Walang gumagalaw, walang gumagawa ng ingay, lahat naghihintay sa kung sino man ang nasa likod ng ingay na iyon. Nanginginig ako habang hinihintay ang mangyayari. Nakarinig ulit kami ng tunog, tunog ng isang bagay na tumama sa isang locker. Umatras ako ng kaunti at nahawakan ng kamay ko ang kamay ni Blade sa sahig. Agad ako lumingon sa gawi ni Blade at nakatingin lang siya sa akin. Wala akong nakikitang bahid ng takot, galit, kaba o kahit anong ekspresyon sa mga mata niya.

Nakarinig kami ulit ng parehong ingay pero this time mas malapit ito kaya agad ako tinayo ni Blade mula sa pagkaka-upo at itinago niya ako sa kaniyang likuran. Napansin ko na nasa posisyon na rin si Calix. Nakatingin pa rin kami sa direksyon ng mga tunog na iyon hanggang sa may nakita kaming lumiwanag na i assume nanggaling sa taong pumasok sa locker room. 

A normal person doesn't have the ability to see these kind of things kaya nagpanggap ako na hindi ito nakikita at nagtago sa likod ni Blade upang protektahan ang mga mata ko habang sina Calix at Blade ay tinakpan ng kaunti ang kanilang mga mata pero makikita mong aktibo pa rin silang nakamasid sa paligid. 

Nung nawala na ang mga ilaw ay may nakita kami'ng dalawang nilalang na naglalakad papunta sa amin. Yung isa babae at siya ay duguan na inaalalayan naman ng isang lalaki. Agad ko naman napansin na lumapit si Calix sa kanila at tinulunga ang dalawa. 

"Anong nangyari sa inyo Alexus?" Nagaalala ngunit kalmado pa rin ang boses ni Calix.

"Nakasalubong namin sila sa labas." sagot naman nung lalaki na i assume Alexus ang pangalan.

Nung medyo nakalapit na sila sa amin ni Blade ay agad naman ginamit ng gurlalu ang natitira niya'ng lakas para maglakad patungo kay Blade pero wala eh, talagang mahina na siya kaya muntik na siya'ng matumba, buti na lang at nasalo siya ni Blade. Ako naman, parang nawawalang bibe na hindi maunawaan ang nangyayari eh nakatunganga lang habang pinagmamasdan sila.

"B-blade, p-patawarin mo a-ako... I-i..." sinubukan magsalita nung gurl kaso pinigilan siya ni Blade.

"Walang kang dapat ihingi ng tawad Alexa."

"Hindi ko lang maintindihan bakit nagkaganito kayo kung nasa pangangalaga niyo ang Imore at Lectria." Frustrated si Calix pero kalmado pa rin siya. 

"Ayaw namin na malaman ng kaaway na pati ang Lectria ay nasa pangangalaga na rin namin. Kung malalaman nila iyon ay hindi sila magdadalawang isip na suguri kayo Blade." Pagpapaliwanag ni Alexus.

"P-pero..." hindi na napagpatuloy ni Calix ang gusto niyang sabihin dahil pinigilan na siya ni Blade.

"Mamaya na kayo magtalo, nangyari na ang lahat ng ito. Gamutin na lang muna natin si Alexa at umalis na tayo dito bago pa nila tayo matunton." wika ni Blade pero feel ko hah, hindi yun suggestion pero more like inutos niya iyon.

"Masusunod!" Agad naman lumapit si Alexus kila Blade at Alexa na ngayon ay nanghihina na ng todo while si Calix ay kinuha ang first aid kit sa kung saan saka siya lumapit kila Blade. Tiningnan naman nung Alexus si Calix with a "What-the-heck-is-that?" look.

"Ano yan?" Takang tanong ng lalake. Parang hindi pa to nakakita ng first aid kit. First time? Pers tym?!

Bago pa makapag salita si Alexus ay lumingon sa akin si Blade at kinausap ako.

"Gamutin mo muna si Alexa saka kita ihahatid sa inyo." Agad naman lumingon sa akin sina Alexus at Calix. Nahagilap rin ng mga mata ko ang pagbukas ng mga mata ni Alexa at ngayon ay nakatingin na rin siya sa akin.

Naglakad ako patungo sa kanila habang hawak ko ang mga kamay ko na para bang kinakabahan at naginginig. Nung nakalapit na ako sa kanila, agad naman iniabot sa akin ni Calix ang hawak niyang first aid kit saka ako lumuhod para mapantayan ko sila Blade at Alexa na naka-upo ngayon sa sahig. 

Half BloodedWhere stories live. Discover now