Eunice
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o gusto ko lang talaga ipahamak ang sarili ko pero kahit ako ay hindi makapaniwala na nasa tapat ako ng gate ng Sylleon University. Kung saan nakarinig ako ng mga putok ng baril.
Pero ngayon ko lang narealize na hindi pala talaga ako makakapasok sa loob dahil sa tangkad ng gate. Paano na? Tutunganga na lang ba ako sa harapan ng gate? Ginulo ko ng kaunti ang buhok ko gamit ang kanang kamay ko. Now what? Ano plano mo Eunice? Lumingon lingon ako sa paligid para makahanap ng ibang entrance maliban sa dambuhalang gate na to. Nahagilap ng mga mata ko ang lumiliwanag na footsteps. No, more like a sparkling footsteps. Iba't ibang kulay eh pero malalaman mo na pang dalawang tao ang mga footsteps na yun dahl may sari-sarili silang kulay na kumikinang.
W-wait?! Kumikinang?! Iba't ibang kulay?! Footsteps?! Ano to?! Pumikit at ako at binuksan ang mga mata ko, ginawa ko to ng paulit-ulit, malay niyo naman guni guni lang naman to. Pero hindi talaga nawawala eh. Ah! I know what this is. A new ability activated!! Umiling na lang ako at sinundan ang mga footsteps. Pakiramdam ko super hero na ako sa mga ailidad ko'ng to at isa pa sanay na ako sa mga abnormal na pangyayari sa buhay ko.
Dinala ako ng mga footsteps sa likuran ng school and take note napakahabang lakaran po ang naganap dahil sa laki ng school na to. Tumigil ako sa paglalakad dahil ang huling footsteps na nakita ko ay nasa tapat ng pader na may mga dahon, vines at halaman na nakatakip dito. For the first time, pinagloloko ako ng ability kong to. Akala ko nagaactivate lang to kapag tinutulungan ako yun pala pag bored din sila.
Ginulo ko na naman ang buhok ko. Nagsayang lang ako ng oras kakalakad at kakasunod sa mga footsteps na to. Umupo ako sa ilalim ng puno malapit sa pader at nagisip ng paraan para makapasok sa school. Tiningnan ko ang pader na may mga vines at ang unang pumasok sa isip ko ay umakyat gamit ang mga iyon.
"No Eunice!" Sabi ko sabay sampal ng beri beri light sa mga pisngi ko. Tinitigan ko na lang ang wall at inilagay ang ulo ko sa mga palad ko habang nagiisip pero wala na talagang pumapasok na kahit anong idea sa utak ko ngayon.
"Ugh!! I've got no other choice." Tumayo ako at lumapit sa wall. Hinawakan ko ang vines gamit ang dalawang kamay ko at huminga ng malalim bago nagsimulang akyatin ang wall.
Nung nangangalahati na ako sa pag-aakyat sa pagkataas-taas na pader na ito ay naputol yung vines na hinahawakan ko.
"Ugh!! Ghad that hurts so bad!" Nung akmang tatayo na sana ako ay may nakita akong kumikinang sa mga nakatakip na mga dahon. Sumilip ako ng sumilip sa kumikinang na bagay.
Sinubukan ko ito hawakan kaso wala akong nahawakang pader. Lumusot lang ang kamay ko sa mga dahon. Tumayo ako at hinawi ang mga dahon at halaman. There's a hole! Ang butas na ito ay kaya pasukan ng tao kung yuyuko ka lamang.
I knew it! Hindi talaga ako pagtritripan ng super powers kong to. Charla! Parang kanina lang kinaiinisan ko pa to. Agad akong pumasok sa butas at heto ako ngayon, nasa loob na ng Sylleon University.
YOU ARE READING
Half Blooded
FantasySimula pagka bata pa lang, itinuring na ni Eunice na isang trahedya ang kaniyang buhay. She started to live a new life malayo sa lugar na puro masasakit na ala-ala ang naibibigay sa kaniya. Ngunit isang araw, habang namumuhay ng tahimik, sasabog ang...