Chapter 1

59 1 0
                                    

Eunice

Simpleng buhay lamang ang mayroon ako at ang aking mama. Simula nung namatay ang papa ko, si mama na ang nagtaguyod saakin, tumayo siya bilang nanay at tatay ko. Nagiisa na lang niya akong anak, dahil kasabay ng pagkamatay ng papa ko ay ang pagpanaw din ni kuya. Magkasama sila noong gabing iyon at naaksidente sila sa may tulay pero ang masaklap hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman ang dahilan ng pagkamatay nilang dalawa. Hindi na rin pinagpatuloy ni Mommy ang pagpapaimbestiga pa dahil masasaktan lang daw kami. Hindi ko maintindihan ang rason niya pero nirespeto ko na lang ito.

 Oo, masakit dahil wala na sila at hindi na namin sila makakasama pa muli pero sampung taon na ang nakalipas at alam kong gusto nila na magmove on na kami ni mama at maging masaya sa buhay namin ngayon, alam ko rin na andyan lang sila at nagbabantay lamang kaya naman panatag na ang loob ko.

*kriiiinnnggg~kriiiinnggg*

Ano ba yan. Natutulog pa ang tao. Pinatay ko ang alarm clock at bumangon na. Isang panibagong araw na naman. Panibagong paaralan at panibagong buhay bilang college student. Course ko? Nursing sa Sylleon University. Isa iyong prestigious school dito saamin at puro mayayaman lang ang nag-aaral dito, well except sa mga scholars na tulad ko.

Kaya mo yan Eunice! Fighting!

Agad na akong pumasok sa banyo dahil ayoko malate noh, dinalian ko na ang pag ligo pero syempre hindi mawawal ang paborito kong part, ang kumanta. Wala kasi akong lakas ng loob na kumanta sa harap ng madla, baka naman mahimatay ako di pa ako nagsisimulang kumanta. nagtoothbrush na rin at lumabas na rin sa banyo, nagbihis na ako at dali daling bumaba.

"Mom, aalis na po ako." Halos pasigaw ko itong sinambit habang pababa sa hagdanan ng bahay namin.

"Kumain ka na muna dito anak."

"Okay na po ako ma, malalate na rin ako sa school."

Agad na man kinuha ni mama ang plato sa lamesa at isinubo ang pandesal na may itlog sa gitna. "You have to eat bago umalis, breakfast is the most important meal of the day." ngumuya ako ng ngumuya hanggang naubos ako yung isang pandesal. Agad nilapag ni mama ang plato at kinuha ang gatas ko,  "Here, drink this." kinuha ko ang baso at agad iyong ininom. Binigay ko kay mama ang baso nung nainom ko na ang kalahati ng gatas pero ayaw tanggapin ni mama. "Ubusin mo, dali." No choice ang beauty ko, inubos ko ang gatas ako agad kinuha ni mama ang baso, at pinunasan ang mga labi ko sabay halik niya sa pisngi ko.

"Magiingat ka sa daan anak ah, kaya mo iyan. Lavya!" Ngumiting sinabi ni mama saakin.

Hinalikan ko din siya sa pisngi at umalis na rin. Magbabus ako papuntang school since mahal ang taxi. Nang dumating ako sa may bus stop agad namang dumating ang bus kaya nakasakay ako agad. Naka pang nurse ako, pormal ang polo ko na short sleeves at ang skirt ko na katulad sa mga nurse na hanggang sa taas ng knees ko ang haba at white stockings with matching white shoes. Ang ID ko naman ay naka pin sa may left side ng chest ko kasabay ng seal ng Sylleon University. Ang buhok ko ay naka poto na may nurse cap. Ito ang uniform ng mga estudyan sa Sylleon na ang course ay nursing, tulad ko. Feeling ko tuloy ganap na nurse na ako sa uniform ko kahit 1st year college pa lang ako.

Habang nasa byahe, may napansin akong, magandang babae na nakauniform din ng... Sylleon?! Parang pang business na medyo kikay yung suot. Siguro nasa Business department siya. Tahimik siya at naka earphones, at ang ganda niya kahit side view lang ang maaninag ko sa mukha niya. Para siya'ng diyosa habang naka tingin sa tanawin na nasa labas ng bintana at may wind effects pa. Napapasayaw tuloy sa hangin ang kanyang mahaba at medyo dark brown na hindi rin light brown niya'ng straight hair. Grabe, sobrang straight naman nung buhok niya at mukhang may highlights pa ang buhok dahil hindi ko alam ang color ng buhok niya. Parang galing sa mamahaling salon. Teka nga?! Si Megan Lorraine Vallse ba yun?! Yung sikat na estudyante sa school.

Half BloodedWhere stories live. Discover now