Eunice
"Bakit ka nasa school kanina?" Shit!! Sa tanong na to wala akong maisasagot ng matino. Halata naman sa boses niya na kanina pa siya nagtitimpi ng galit at pinapahaba na lang niya ang pasensya niya.
"Uhh a-ano kasi..."
"Kasi ano?!" And my guess, paubos na tong pasensya niya. Pero I'm the daughter of my mother for a reason (ano daw?), Ill use my reasoning powers to get through this crisis.
"May nangyari sa kapatid ni Jen, you know her? Of course you dont. She's my best friend. Well her brother, Ley, isinugod siya sa ospital dahil sa allergies niya then after nun--ahh, ano--...Yun nga, nagpanic attack ni Jen so ako rin nataranta umalis ako ng bahay. Teka, sinabi ko ba sayo na hindi kami nakatira sa isang bahay? Well nagovernight ako sa kanila. Wala lang miss na namin yung days na--"
"Diretsuhin mo na ang storya, pinapahaba mo pa eh!!"
"BUMILI AKO NG GAMOT SA PHARMACY KASO MAY NARINIG AKONG PUTUKAN SA SCHOOL KAYA AKO NAPUNTA DOON. OKAY KA NA?" Agad akong sumagot. Dahil sa pagpapanic ko ano ano ng nasasabi ko. Kung anong pumasok sa isip ko eh, yun ang ilalabas ng bibig ko. Sana nga lang maniwala tong lalakeng to.
"O asana na yung gamot na sinasabi mo?"
"Hindi ko nabili kasi nga diba, yung putok ng baril."
Napabuntong hininga si Blade. Hind ko alam kung anong iniisip neto basta ang importanteng bagay is makalusot ako sa kaniya.
"Ikaw lang ata ang kilala ko na pupunta sa lugar kung saan may putukan na nagaganap."
"Wala eh, curious ako."
Napabuntong hininga ulit si Blade sa sagot ko. Wala rin naman kasing kwenta yung sagot kong yun eh.
"Bibili pa ba tayo ng gamot para sa kaniya?"
Napaisip ako, kung dadaan kami sa pharmacy mas magmumukhang totoo ang scenario na ginawa ko. Pero sa kabilang ibayo ng utak ko, ayaw ko ng idelay pa ang pag-uwi dahil mas nagaalala ako kay Jen.
"No need, im sure she's fine now. I just really want to go back. Im worried about her."
Tumango naman si Blade at hindi na nagsalita muli. Nagfocus na lang siya sa pagdrive and silence filled the air inside his car. Awkward!! Ayaw ko mapunta sa ganitong klase ng sitwasyon kasi uhh, hindi mo alam yung gagawin. Buti nga tong isa may ginagawa which is driving eh ako wala, nakatunganga lang sa daan.
Kinuha ko na lang ang phone ko sa pocket. Maglalaro na lang ako tutal wala namang balak makipag-usap tong si Blade. Laking gulat ko nung may 3 text message si Mama sa phone ko. Natataranta akong buksan ang mga text ni Mama. Text pa lang to ah, halata bang takot talaga ako sa kaniya?
"Why? What's wrong?" Pagtatanong ni Blade.
Hindi ko siya sinagot at sinimulang basahin ang mga text.
From: Mom
Kamusta diyan kila Jen? Send my regards to her parents. Iloveyou! (7:14 pm)
Nak anong oras ka uuwi bukas? Nga pala I just made a new dish, you should try it! (8:26 pm)
YOU ARE READING
Half Blooded
FantasiSimula pagka bata pa lang, itinuring na ni Eunice na isang trahedya ang kaniyang buhay. She started to live a new life malayo sa lugar na puro masasakit na ala-ala ang naibibigay sa kaniya. Ngunit isang araw, habang namumuhay ng tahimik, sasabog ang...