Michael Lopez. Bestfriend ni Nathan :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Michael.
LOVE?
Napakalaking kalokohan niyan.
Kapag mahal ka raw ng isang tao, lahat nang tungkol sayo ay tanggap niya.
Kaya niyong tiisin ang bawat problema.
Walang iwanan.
Tss.
Paano ako maniniwala dito?
E iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko.
Lahat binigay ko sa kanya.
Kaso wala akong napala.
KULANG PA RAW ANG PAGMAMAHAL KO.
THE HELL!!!
Ano pa bang kulang??
Bitter ako?
OO. Di ko tinatanggi yun. Badtrip naman kasi. Kung kailan ka seryoso, kung kailan ka pa unang "nagmahal" e dun ka pa niloko at iniwan.....ng walang dahilan.
AYOKO NA NG COMMITMENT.
Oi. Hindi ako takot magmahal ulit.
Ayoko lang na may isa na namang babae na masaktan dahil sa PAGKUKULANG ko.
BINABASA MO ANG
Trying Not to Love You
Teen FictionAno ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Masaya? Masarap? E paano kung puro kalungkutan na lang ang dinudulot sayo ng tinatawag mong LOVE? Ipaglalaban mo pa ba ito? O isusuko mo na lang?