"Nakakainis! Wala akong maisip kung anong ipipinta ko. Badtrip naman kasi. Di ko matanggihan si ma'am."
"Hmmm. Ah!" May naisip na naman siyang idea.
Walang pang 5mins. ay..
"Argh! Hindi hindi. May mali dito! Ang panget!"
Tinigil na naman niya ang pagpipinta niya. 12:45am na. Wala pa rin siyang nauumpisahan.
Dinadalaw na siya ng antok.
Hindi niya namalayan na naka-idlip na siya.
"Huh? Nasan ako?" sabi ni Michael.
"Ang dilim naman! Pero parang alam ko 'tong lugar na 'to e."
Naglakad-lakad siya. Kahit na madilim ay alam niya kung saan siya papunta. Napatigil siya ng may nakita siyang liwanag. Tumakbo siya papunta doon.
"Ah." Grabeng liwanag. Sakit sa mata. T_T
Nang medyo nakakakita na siya. Nagulat siya.
Sa kabilang dulo ng kwartong kinaroroonan niya ay may isang babaeng nakatalikod.
At kumakanta.
" When two different worlds collide~~~~~"
"Ang ganda ng boses....." @_@
Napatigil sa pagkanta yung babaeng nakatalikod.
Sheesh. Nagulat ko ba siya? Teka..horror ba 'to? -______-
Kinabahan lalo si Michael ng lumingon ang babae.
Wala itong mukha.
.
..
....
......
........
.............
"GAAAAAAAAAAHHH!" Napabangon mula sa pagkakahiga si Michael.
" Ano bang klaseng panaginip yun? Pamatay."
" Hmmm. E ano kaya kung 'yon ang ipinta ko?"
Inumpisahan niya na ang pagpipinta.........ng babae sa panaginip niya.
"Hoy pare!" tawag sa kanya ni Nathan.
"A-ano?" Medyo nagulat si Michael. Iniisip pa rin niya kasi ang panaginip niya.
"Tapos mo na ba yung painting? Mukha kang nalugi ah."
" Oo tapos ko na. Hindi pa nga ko masyadong nakapag-review e. Badtrip kasing panaginip yun."
"Anong panaginip?"
" Wala wala."
Pumasok na si Mrs. Sanchez, adviser nila, at pinamigay na ang test papers. Ngayon kasi ang exam nila.
" Ge pre, good luck! Oi mamaya ah. Uuwi na kapatid ko."
" Ge lang. Pero papasa ko muna kay ma'am yung painting ko."
" Okay okay. Samahan ka na rin namin ni Grace---"
"Mr. Lopez and Mr. Cruz!! Wala ba kayong balak mag-exam?"
" Sorry po ma'am." pareho nilang sagot. -_______-
"Okay. Start answering now."
@#$%$%. Ano 'tong mga 'to?! Tinuro ba 'to ni mamaw? Hirap na hirap sa pagsagot si Nathan. Pangalan pa lang kasi ang nalalagay niya sa papel niya. Wala siyang masagot. As in wala.
Teka nga. Hingi ako ng tulong kay Taba.
"Pst.......ta-baaaaa~"
Aba. Ayaw lumingon. Kay Michael na nga lang.
" Pre....."
"Ano?"
"Anong sagot sa 1?"
"Tsk. Robert Gagne.Okay na? Wag ka nang manggulo." Seryoso na si Michael.
"Mamats. Wait last na. E sa 2..........3..........4?"
"^_____^"
"Tss. Damot!" For sure bagsak na naman ako dito. T_T
.
..
...
"Okay! Stop answering. Ipasa niyo na mga papel niyo."
"Opo."
"Grabe pre! Lamog na lamog na utak ko! >.< "
" Di ka kasi nag-aral pre. Hahaha."
"Na-mental block lang pre. Hoho."
"Talaga ba? E ang dali-dali na nga ng exam. Bopols ka lang." Asar ni Grace.
"Shut up taba! >.<"
Tapos na kasi ang klase nila. Sabay-sabay silang tatlong pumunta sa office ni Ma'am Len.
"Ma'am." Sabi ni Michael.
" Oh yes, Mr. Lopez?"
" Tapos na po ako sa painting. Ito na po."
"Wow! Ang bilis mo naman. Well, what's new. Haha." Tinignan niya ang painting ni Michael. Medyo kumunot ang noo niya. Napansin ito ni Michael.
" Ayaw....niyo po ba?"
"Di naman sa ayaw, pero hindi ito ang ineexpect ko. Masyadong dark e. Saka bakit walang mukha 'tong nasa painting mo?"
@#$%. Bakit ba kasi yan pa ang napili ko? Napahiya pa ko. -_____-
"Babaguhin ko na lang po Ma'am. Sa Wednesday ko na lang po ulit isa-submit."
"Sige, kung yan ang gusto mo. ^_____^"
.
..
...
"Ano pre? Rejected?!" Sabi ni Nathan.
" Hindi naman sa rejected. Di lang trip ni Ma'am e."
" E bakit ba kasi ganyan ang painting mo? Nakakatakot kaya!" Sambit ni Grace.
Nakakatakot?? Ano bang alam niya sa pagpe-painting?!
Napansin ni Nathan na medyo naasar si Michael sa sinabi ni Grace.
"Umm..tara na nga! Kanina pa tayo inaantay sa bahay namin. Baka nga nandoon na kapatid ko e."
"Oh sure! Makikita ko na rin sa wakas si Sheena. Ano na kayang itsura niya 'no?" Excited na si Grace. 8 years na kasi niyang hindi nakikita si Sheena. Tandang-tanda pa niya kung gaano sila ka-close noon.
"Siyempre maganda. Kanino pa ba magmamana? E di sa kuya niyang gwapo. Hahahaha!"
"Kapal mo rin e no! Hahaha. Tara na Mike-- i mean Michael~!"
.
..
....
......
........
...........
.............
"Wew. Ang dami ng kotse sa labas. Huli na ata tayo e." Reklamo ni Nathan.
"Pwede ba wag ka nang mag-inarte diyan? E ano naman kung mahuli ka? E bahay mo naman 'to?Hahaha." Asar ni Grace.
Tahimik lang si Michael. Pinagmamasdan niya nang maigi yung bahay ni Nathan.
Ito ata yung haunted house sa panaginip ko e? -______-
"Ayy Sir Nate! Tara po. Pasok po kayo. Kanina pa po kayo inaantay ng mga bisita." Sabi ng katulong nila Nathan. Siya ang nagbukas sa main gate.
" Ah sige po Manang. ^____^."
"Tara guys!" At pumasok na sila sa bahay.
end.
BINABASA MO ANG
Trying Not to Love You
Teen FictionAno ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Masaya? Masarap? E paano kung puro kalungkutan na lang ang dinudulot sayo ng tinatawag mong LOVE? Ipaglalaban mo pa ba ito? O isusuko mo na lang?