Chapter 7

10 0 0
                                    

"Uh...Sheena?" tanong ni Michael.

"A-ano?" Kagulat naman 'tong mokong na 'to. Dalawang linggo niya kong di pinansin tapos bigla-biglang magsasalita. >___<

"Pwede ba tayong mag-usap?" Pumayag ka!

"Ha? Nag-uusap na tayo di ba? Hahaha."

"Loko. May sasabihin lang akong importante..." Anak ng tokwa naman oh!

"Ano nga kasi yun? Sabihin mo na kasi. Uuwi na ko e. Dami ko pang hahabulin na school works."

"Gusto kita."

"EHHHHH?!!!!" Baliw talaga siya! Confirmed! -____- Medyo napalakas ang sigaw niya kaya nagtinginan yung iba nilang kaklase na palabas na ng klasrum para umuwi.

"Bakit Shee??? Anong nangyari??" tanong agad ni Grace.

"Hehehe..." tawa ni Michael.

"Ha? Ba't ka tumatawa Michael? Ano nga nangyari??" Ngayon ko lang nakitang ganito si Michael ah. o.O

"Sabi ko kasi kay Sheena gust---" tinakpan ni Sheena yung bibig niya.

"Wa-wala Grace! Di ba may meeting kayo ng club mo? Baka ma-late ka na." palusot ni Sheena.

"Ang tagal-tagal kasi ni Nathan kumilos!!" Pinaringgan ni Grace si Nathan na nag-aayos ng buhok.

"Eto na nga e! Siyempre kailangan presentable di ba? Hahaha."

"Tse! Magpapacute ka lang sa mga ka-club natin e!"

"Di ko na kailangan magpacute...gwapo na ko eh. Hahahahaha."

"K. Bahala ka na diyan. Mauuna na ko!" lumabas na si Grace sa room.

"HOY TABA! WAIT LANG! Oi bansot, sumama ka kay Michael pauwi ah! Ge." Hinabol agad ni Nathan si Grace.

Si Sheena saka si Michael na lang ang naiwan sa klasrum.

"Oh bakit tahimik ka? Hahahaha." tanong ni Michael.

"Wala....uuwi na ko! >___<"

"Aaaahhh. Nahihiya ka ba dahil sa sinabi ko kanina? JOKE lang yun! Di kita type 'no. Hahahahaha."

"Wa-what?! E bakit mo sinabi yun??"

"Ganda mo kasing kausap kanina e."

"E ano ba kasi yung sasabihin mo?"

"Sorry."

"ANO??" Nag-sosorry siya? Para saan??

"ANO BA! LAMPA KA NA TAPOS BINGI KA PA?"

"Uso kasi mag-explain! Para saan yang sorry mo??"

"Anak ng...wag na nga! Aalis na ko."

"Wait! Nagsosorry ka ba.....dahil nahulog ako sa hagdan dahil sayo?"

"ENGOT! Kasalanan ko bang mahulog ka sa hagdan? Tinulak ba kita??"

"Ahh so ganyan pala ang bagong way ng pagsosorry! Hmp! Aalis na ko. Wala kang kwentang kausap!" Kinuha na ni Sheena yung bag niya pero hinawakan ni Michael yung kamay niya.

"So-sorry." Nabigla rin si Michael sa nagawa niya. Inalis niya agad ang pagkakahawak sa kamay ni Sheena.

"Okay lang."

"Mag-usap nga kasi tayo!"

"Adik ka kasi e! Di ka makausap ng matino. -____-"

"Sorry sa mga nasabi ko dati. Hindi ko naman sinasadya yun e. Ang sarap mo kasing asarin."

"Ah ganon?" 

"Saka ano....di ko napigilan yung sarili ko na sabihin yung mga gusto kong sabihin sa....ex ko."

"Ohh.....okay." Hmmm..parang masakit din past nito ah.

"Okay ka na....agad?"

"Oo nga! Bakit parang ayaw mo?" Total pareho tayong </3.

"Wala lang. Nagulat lang ako. Akala ko mahirap ka kausap e. Katulad ng ibang babae."

"Yan na naman tayo e. Okay na talaga ako! Hahaha. Ay...thanks pala ah."

"Thanks saan?"

"Sa pagtulong sakin nung nahulog ako."

"Ahh! Di sapat yang thank you mo 'no! Halos magkabali-bali buto ko sa pagbubuhat sayo! Bigat mo! Hahahahaha."

"SINO BA KASING NAGSABI NA BUHATIN MO KO? ABER?"

"Hahahahaha. Ge na. Tama na nga. Baka awayin mo na naman ako e."

"Hahahaha ikaw kasi e. Friends?"

" Ge ge."

"AYY!! Kailangan ko nang umuwi! Dami ko pang gagawin. T__T"

"Tulungan kita, gusto mo? Matalino ata 'to!"

"Wehhh..yabang mo! Hahahaha. Wag na. Alam ko namang busy ka e."

"Drama mo!  Sure ka?"

"Yup! Hatid mo na lang ako."

"Ayos ah. Hahahaha. Tara."

.

..

...

....

.....

(tingin ka sa right. Si Nathan ♥)

"Oi bansot! Musta? :>" tanong ni Nathan. Kakauwi lang niya galing sa meeting. Hinatid muna niya si Grace bago siya umuwi.

"Ha? Anong musta?" Ano na naman trip nito? -___-

"Sus! Wala kang matatago sakin 'no. Musta na kayo ni Michael? Ayos na ba kayo?"

"Yup. Friends na kami. Close na nga kami e. Hahahaha."

"Nice joke. Hahahaha. So ano nga?"

"HINDI JOKE YUN! FRIENDS NA NGA KAMI!"

"Talaga? Paano....e..masungit yun sa mga babae e????"

"Baka hindi babae tingin niya sakin? Hahahahaha."

"Loko. Pero ibang klase ka! Napaamo mo si Michael! Hahahaha."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi naman kasi nag-eentertain si Michael ng mga babae sa paligid niya. Ikaw lang saka si Grace ang pinapansin nun e."

"Bakit?"

"Simula nung nakipagbreak sa kanya yung gf niya, ayun."

"Ano bang nangyari sa kanila? Ba't sila nagbreak? Mukha namang seryoso si Michael sa ex niya e."

"Hindi siya pinaglaban nung babae."

"Ha?"

"Tsk! Ayoko na nga. Sa kanya mo na lang itanong. Matutulog na ko. Good night bansot!" paalam ni Nathan habang pinipisil niya yung pisngi ni Sheena.

"DAYA MO BRO!! Ge na nga. Good night! :)"

Haaaayyy.....grabe rin pala yung nangyari kay Michael. Siguro mas masakit pa yung nararamdaman niya ngayon kesa sakin. Buhay pag-ibig nga naman oh. Eenjoyin ko na lang ang pagiging single.....forever.

end. 

Trying Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon