Chapter 11

6 0 0
                                    

Halos 1 month nang nanliligaw si Michael kay Sheena. 1 month na ring pinapahirapan ni Sheena si Michael.

"Anong gusto mo?" tanong ni Michael kay Sheena. Nasa loob sila ng isang fastfood chain.

"Hmmm....cheeseburger, hotdog sandwich, strawberry sundae saka milk tea!"

"Ang dami naman! Kaya ka tumataba e. -________-"

"Aba? Excuse me. Lemme remind you. Ikaw nag-aya lumabas di ba? Hmp."

"Wew. Ibang klase ka talaga e no. Yung mga kaklase nating babae nagda-diet para sa prom. Ikaw hindi. Mamumulubi ako sayo e."

"Tsk. Bakit kailangan ko pang magdiet e may nahulog na sa hotness ko? Hahahaha!"

"Asa!--"

"Um..sir? ma'am? Oorder po ba kayo? Nakaka-abala na po kasi kayo sa mga customers e."

"Ayy oo nga! Dali Mike. Orderin mo na yung mga gusto ko. ^_____^"

"Ano pa nga ba. -____-"

.

..

...

....

.....

"Oh ano na? Anong pinapakain niya sa kapatid ko??" tanong ni Nathan kay Grace.

"Wag kang maingay! Two tables lang pagitan natin sa kanila oh." suway ni Grace habang kumukuha ng fries ni Nathan. "Tama ba 'tong ginagawa natin? Para kasing mali e. Hayaan na lang kaya natin sila?"

"Sus! Kunwari ka pa. Alam ko namang gusto mo rin 'tong ginagawa natin. Hahahaha. Saka kailangan ko talagang bantayan yung kapatid ko. Marami akong tinanggihan na dates para lang dito."

"Wag kang magyabang, please? Bulag lang ang papatol sayo 'no! Hahahaha."

"Ah ganon? Kung makapagsalita ka parang perpekto ka ah?" Pinisil niya yung mga pisngi ni Grace.

"Aray! Tama na! T__T" Hinawi niya yung mga kamay ni Nathan.

"Hahahahaha. Hmmm naisip ko lang.....nagde-date ba tayo?" tanong ni Nathan habang naka-ngiti.

"W-what?! Of course not!" Kapal talaga nito.

"Ano bang tawag sa ginagawa natin ngayon?"

"Umm...kumakain? Hahahaha. :P Ui yuko. Paalis na sila..."

"Opo boss." Kumakain.....lang? T_T

.

..

...

....

.....

"Wew kapagod! Ang saya mo talagang ka-date. Lahat libre! Hahahaha." asar ni Sheena habang binubuksan ang main door ng bahay nila. Gabi na ng makarating sila sa bahay.

"Oo nga e. Simot yung laman ng wallet ko. -_____-"

"LOL. Ayy, saan mo ko dadalhin sa valentines? pang-asar na tanong ni Sheena.

"Ha? Kailangan pa ba yun? May pasok kaya tayo. Hassle."

"WHAAATT? Kailngan yun siyempre! Lahat ng babae excited sa valentines! >.<"

"Wew. May pasok nga kasi tayo saka may pupuntahan pa kong event. -____-"

"Event?? Wala naman ako nababalitaan sa school ah! Baka may date ka 'no??"

"May pupuntahan nga akong event!"

"Ang manhid mo! Nakakainis! Diyan ka na nga!" Pinagsaraduhan niya ng pinto si Michael.

Mahal niya ba talaga ako? Bakit di niya maramdaman na gusto ko lang naman na makasama siya sa valentines? Haaayyss. </3

.

..

...

....

.....

"Thanks mokong. Hinatid mo pa ko. :)" pasalamat ni Grace kay Nathan.

"Wala yun. Hmm..pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga e. Engot. Hahahaha. Ano yun?"

"May ano ka na..ano..." !@#$. Napakatorpe ko talaga pagdating kay taba. >___<

"Ano? Dali nilalamok na ko dito oh."

"Date.."

"Date?"

"Wala! Slow. Ge pumasok ka na baka ma-dengue ka pa. Hahahaha."

"Hmp....sige." Ano kaya yung sinabi niya? Date? Tama ba narinig ko? Kaso anong date?

end.

Trying Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon