"Date? Gusto mong makipagdate ako sayo sa valentines day??" Nabigla si Grace sa sinabi ng 3rd year student na stalker niya.
"O-oo! W-wala ka namang b-boyfriend di ba??"
"E ano naman kung wala? Hinding-hindi kita ide-date! Kadiri ka! Gosh. Mas gugustuhin ko pang mag-isa lang sa valentines kesa makipagdate sayo 'no. Eww. Kaya pwede ba lubayan mo na ko."
Pumasok si Grace sa room nila. Galing kasi siya sa canteen para ibili ng pagkain si Sheena na masama ang pakiramdam.
"O kumain ka na. Ano bang nangyari sayo? Kahapon ang saya-saya mo--"
"Ha? Paano mo nalaman na masaya ako kahapon?"
"Hindi bansot! May pagka-madam auring lang talaga si taba. Hahaha." sabat ni Nathan.
"Hmp! Oi Shee kumain ka na ha." Iniwan ni Grace yung magkapatid tapos palihim na tumabi kay Michael.
"Pst..Michael."
"Oh?"
"Nag-away ba kayo ni Shee?"
"Ha? Hindi naman. Bakit?"
"Wala lang. Para kasing wala siya sa mood ngayon e."
"Hmm.." Dahil kaya sa sinabi ko kagabi? E may gagawin naman talaga ako bukas. -____- "Grace, pwede favor?"
"S-sure!"
.
..
...
....
.....
Huh? Hindi ba niya ko ihahatid pauwi? Kulang pa ba ang hindi niya pagpansin sa akin buong araw?? Bakit parang ako pa ang masama? Hmp. Bahala siya!
"Grace, sabay tayo uwi ha." sabi ni Sheena habang nag-aayos ng gamit.
"Ha? May gagawin ako Shee. Pasama ka na lang sa kuya mo. Sorry talaga.. :<"
"Ayy ganon. Sige okay lang. Basta text-text na lang tayo later ha?"
"Sure, Shee. Sige mauna na ko. Mwah!" Nagmadaling umalis si Grace.
.
..
...
....
.....
"Hmm...bro?" tanong ni Sheena kay Nathan na busy kumain habang nanonood ng movie sa sala nila.
"Ow?" Tuloy pa rin siya sa pagkain.
"Nililigawan mo ba bestfriend ko?"
"ANO?!" Nabuga niya yung kinain niya.
"Ba't ganyan ka makareact? Hahaha. Nagtatanong lang naman e."
"Yung tanong mo kasi e. Medyo kadiri lang."
"Sus. Alam ko namang may gusto ka kay Grace e. Wala kang maitatago sakin bro! Hahahaha."
"Aba..may lahi ka palang manghuhula? Hahaha. Oo na,gusto ko nga siya. Matagal na." Pinatay niya yung TV tapos sinenyasan si Sheena na umupo sa tabi niya.
"So nanliligaw ka nga? Kaya pala super close kayo ngayon e!"
"Oi hindi bansot. Magkaibigan lang kami nun.."
"WEH?? E bakit di mo sabihin sa kanya na gusto mo siya?" Sumimangot si Sheena. Alam niya kasing gusto na ng kuya niya si Grace mula nung bata pa sila.
"Tss. May ibang gusto yun e. Saka mas kailangan niya ko bilang kaibigan, bansot. Okay na sakin yun."
"Ano ba yan! Gusto mo ilakad kita?"
BINABASA MO ANG
Trying Not to Love You
Teen FictionAno ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Masaya? Masarap? E paano kung puro kalungkutan na lang ang dinudulot sayo ng tinatawag mong LOVE? Ipaglalaban mo pa ba ito? O isusuko mo na lang?