Si Grace yung nasa right. :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hoy Shee! Okay ka lang ba? Tagal mo namang magbihis?!" sigaw ni Grace. Halos isang oras na kasing nasa banyo si Sheena.
"Mauna na kayo! Mag-iipon muna ako ng confidence bago lumabas!" Grabe naman kasi. Nakakahiya naman isuot 'tong swimsuit! Dapat pala nagdala na lang ako ng extra shirt saka shorts. Kuyaaaaa. Help! T____T Saka anong gagawin ko pag nakita ko si Michael? Gosh. Nakakahiya talaga. Seryoso ba talaga yun? Di tuloy ako nakatulog ng maayos dahil dun! >____<
"Hahahaha! Okay bilisin mo ah. Magha-hunt pa tayo ng mga boys!" sabi ng isa nilang kaklase bago lumabas.
Paglabas pa lang e pinagtinginan na si Grace. Nagbubulungan yung mga lalakeng taga-ibang school.
"Pare, hingin natin yung number nun oh."
"Eeeh. Nakakahiya."
"Sabi sayo e. Mabenta talaga ang beauty mo girl! Hahahaha." sabi ng kaklase ni Grace.
"Ano ba..di naman. Hahahaha. Tara puntahan natin yung mga klasmeyts nating lalake." yaya ni Grace.
"HELLOOOO BOYS!" sigaw nila sa mga kaklase nila.
"Wooooooot~~~. Mga chikas natin! Di na pala natin kailangang magpapansin sa mga taga-ibang school e! Hahahaha." sabi ni Eric.
"Hahahahaha! Nasaan sila Michael?" tanong agad ni Grace.
"Ayun oh. Nasa lilim kasama si Nathan. Mukhang seryoso pinag-uusapan e."
"Okay, thanks!" pumunta si Grace kina Nathan. Bakit kaya mukhang seryoso 'tong dalawa?
"Hey!" tawag ni Grace.
Nagulat silang dalawa. Si Nathan hindi maalis ang titig kay Grace.
"HOY TABA! ANG HOOOOOOOOOOOOTTT MO AH!" sabi ni Nathan.
"I know right! Kaya wag mo na akong tawaging taba, okay? Hahahaha. Kanina pa nga ako pinagtitinginan e."
"WEHH?" Lumingon si Nathan sa paligid. Nakatingin nga kay Grace yung mga lalake. Anak ng....ano ba yan! Nakakainis na. Grabe sila makatingin kay taba a. >____<
"See? Hahahaha. Michael, bagay ba sakin?"
"Oo..si Sheena?"
"Nasa kwarto pa..."
"Ah sige. Salamat." umalis si Michael.
Paano ko ba 'to sasabihin kay taba? Paano pag nalaman niyang gusto ni Michael yung kapatid ko? Ayoko siyang masaktan....ayoko.
"Taba! Tara ice cream tayo. Libre ko!"
"Ayoko nga. Masisira diet ko. Sige alis na rin ako." Tumakbo si Grace papunta sa mga kaklase nila.
Tsk! Kailangan kong bantayan si taba. Mahirap na. Baka mapagtripan pa siya.
"Teka, sasama ako! Hahahaha." Sumunod siya kay Grace.
.
..
...
....
.....
"Game! Pakapalan na ng mukha 'to!" sabi ni Sheena bago lumabas ng kwarto. Hala! Nasaan sila? Baka maligaw akooooooooooo. T____T Huh? Sino yun?
"Mi-michael??"
"Yo."
"Bakit ka nandito sa labas ng kwarto namin? Don't tell me, sinisilipan mo ko? HAHAHA."Pantanggal kaba. >___<
"Kapal mo! Anong sisilipin ko? Wala ka namang ipagmamalaki sa katawan mong yan e!" Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Sheena. HOT.
"Bakit ganyan ka makatingin? Hahahahaha." Gosh. Tinitignan niya ko. Ano ba itsura ko? Maayos ba tignan o masagwa? Teka nga....nagpapacute ba ko sa kanya?! WTH SHEENA. WTH!! >____<
"Tae. Tara na nga."
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"Di ba sabi mo mag-uusap tayo?"
"Ahhh yun ba.....ano kasi e..."
"Ano?"
"Hindi ko alam ang sasabihin ko.....nabigla ako e.."
"Ahh. Sabi na nga ba e. Ge okay lang. Kung gusto mo, wag mo na lang sagutin yung tanong ko."
"W-wait! Pag-iisipan ko muna."
"LOL. Gusto mo rin ba ko?"
"Ha???? EWAN!" Tumakbo siya palayo. Ano ba SHEENA!!! Umayos ka please!! Manliligaw lang naman siya di ba??? Pwede mo namang subukan kung okay siya e. Ba't ka ba natatakot?! Alam kong gusto mo rin siyaaaaaaaaaaaaa. >_____<
"Hi miss! Cute mo naman." sabi ng lalaking nasa harapan niya. May kasama itong dalawa pang lalaki.
Mga taga-ibang school. Tsk. Wag mong papansinin Sheena. Wag!
Di niya pinansin yung mga lalake. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero sinusundan pa rin siya ng mga ito.
"Sungit mo naman! Pahingi naman ng number mo oh!"
"Sexy back~~~"
"HAHAHA. Nice body!! Wooooot~"
Grrrr. Di na ako makapagtimpi!!!
"HOY ANG BABASTOS NIYO AH! AKALA NIYO NAMAN GWAPO KAYO? E MUKHA NGA KAYONG MGA WANTED E!"
"!@#$ mo! Akala mo kagandahan ka? Ano? Kaya mo bang lumaban samin??" Hinawakan siya ng mahigpit sa kamay ng lalaki. Pinagitnaan siya ng mga tropa nito. Walang katao-tao sa lugar na 'yon dahil dulo na yun ng beach. May concert pa kaya hindi rin siya maririnig kung sisigaw siya.
"BITIWAN MO KO!! FREAK!!" Sinampal niya ng malakas yung lalaki.
"!@#$%!!!" Niyakap siya ng lalaki tapos nilalapit yung mukha niya kay Sheena para halikan. Tumatawa lang yung mga tropa nito.
"Waaaaa!! Tulong!! TULOOOONNNGGG!!!" Wala siyang magawa. Babae siya. Lalaki sila. Isa lang siya. Tatlo sila. Naiiyak na siya.
BLAAAAAGG!
"!@#$ mo!!" sigaw ni Michael. Napalakas ang suntok niya sa lalaki kaya bumagsak ito.
"Ayy @#$%!!" galit na galit na sigaw nung lalaki. Binawian siya ng sapak nito. Pati yung mga tropa niya sumali rin.
Tsk. Hindi ako makakalaban. Nandito si Sheena...baka mapahamak pa' to. Hinawakan ni Michael yung kamay ni Sheena tapos tumakbo sila palayo. Rinig na rinig ni Michael na umiiyak si Sheena habang tumatakbo. Huminto sila sa likod ng isang malaking bato. Medyo malayo na rin naman ang natakbo nila kaya hindi sila nasundan.
"Ayos ka lang ba Sheena??"
Hindi sumagot si Sheena. Patuloy lang ito sa pag-iyak.
"Sheena...." Niyakap ni Michael si Sheena. "Ito suotin mo 'tong shirt ko..." Hinubad niya yung shirt niya tapos inabot kay Sheena. Sinuot naman agad ito ni Sheena.
"Salamat ah....sa pagtulong mo...di ako alam kung anong mangyayari kung---"
"Shhh. Wag ka ng magsalita. Tapos na. Nandito na ko."
"Po-protektahan mo ba ko lagi?" Umiiyak pa rin siya.
"Oo." mabilis na seryosong sagot ni Michael. Araw-araw kitang poprotektahan...
"Mamahalin mo ba ko ng totoo? Hindi dahil sa katawan o mukha ko?"
"Nagawa ko na."
"Sige pumapayag na ko..."
"Saan?"
"Magpapaligaw na ko sayo!"
"Se-seryoso ka??"
"Ayaw mo?"
"Gusto. Kaso baka nabigla ka lang sa nangyari kanina kaya--"
"Hindi ah...gusto na kita dati pa. Ngayon ko lang natanggap yung nararamdaman ko para sayo..."
"Gusto mo rin ako?"
end.
BINABASA MO ANG
Trying Not to Love You
Teen FictionAno ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Masaya? Masarap? E paano kung puro kalungkutan na lang ang dinudulot sayo ng tinatawag mong LOVE? Ipaglalaban mo pa ba ito? O isusuko mo na lang?