Chubby fist touch my heart

257 8 1
                                    

Love moves in mysterious way ika nga sa kanta. Si love medyo chumachansing na pala sayo ng hindi mo napapansin. Binobosohan ka ng hindi mo alam, parang hangin lang na akala mo dadaan pero tumambay na pala ung tingin niya sayo para pasukin ka sa loob ng damit at tuhugin ang puso mo. HAHAHA. Iniisip niyo siguro kung bakit ganito ang pagahahambing na ginamit ko sa katagang iyon. Hayaan niyong ibahagi ko ang buhay pag-ibig ko na gumapang at nagsimula mula sa hindi inaasahang kamanyakan. Sa laki ko ba namang to sinong nasa matinong pagiisip ang magnanais na lamasin at hipuan ang mga bilbil ko pati puso ko e dinamay. Hindi kayo nagkakamali ng basa. Hinayupak lang talaga yung lalaking yun at pati katulad ko e minamanyak. Silipan daw ba ang puso ko at piliting hipuan niya para mahalin ko siya. Bastusan at medyo nakakadiri ang estorya ko. Love story to at hindi suspense o horror ang binabasa niyo. ROMANCE. Pero babala lang, SPG to. Striktong patnubay ng Magulang ang kailangan. Hihihi, hindi dahil sinabi kong SPG e mageexpect na kayo ng kahalayan sa kwento kong to. Pero Oo, may kahalayan nga na naganap kaya nga ganyan ang pagkakaexplaine ko sa love story ko e. Para sakin, SPG na yan. HAHAHA.

Nga pala, ako si Janine, ang "Chubby" daw ng Southhill.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon