Chapter 10

64 5 3
                                    

Dedicated kay honelyn para sa kanyang pag follow, Salamat po.

[A/N: Sorry po at naging pabayang Author ako. hehe. tinatapos ko na po yung Chapter 11. baka bukas po mapost ko na or later this evening. Salamat po sa pagbabasa :) Happy New Year! ]

“Mars. What’s with you and Fernan ba? Yung totoo?” si Meg. Kasalukuyan kameng nasa bahay ko. Wow. Bahay ko lang? hahaha. Sa bahay namin. Once a month merong sleep over sa isang bahay ng mars. Kumpleto kameng lahat. Mga naka pantulog na kahit 8 pm palang naman. Nakagawian na namin to lalo na itong circle of eklush. Kung saan, ilalabas namin lahat ng saloobin namin sa bawat isa.

At hotseat ako ngayon.well, balak ko naman nang sabihin talaga sakanila yung totoo. Ayokong naglilihim sakanila.

“Ok? Anong klaseng tanong yan? Malamang we’re friends. But, we’re best friends.” Wala lang na sabi ko. Kaya lang pagtingin ko sakanila. Para silang nalugi. Ewan ko ba. Ay! Alam ko na!

“Ano guys, sorry, e kasi naman. Gusto niyang maging best friends kame. Ang lakas magtampo nun, daig pa si Ric. Sorry talaga guys, tska, meron akong instant na taga libre, instant ano..hmm.., ganun... Sorry guys. Alam ko na, alam niyo na ayaw kong magbest friend. Kaya lang nakakaawa naman kase e. tska--”

“Mars, ok lang sakin. Pramis.” singitni Meg.

“Sakin din, ok lang. kaya lang akala ko more than friends kayo.” Sabi ni Nympha. Napatingin naman ako kay Soniana nakayuko. Patay, kailangang kumambyo. Walang preno tong si Nympha alam namang selosa si Sonia.

“Ano kaba!Hindi magkakagusto sakin yun nu? Tska, feel ko naman mahal pa nun yung ex niya, tska--”

“Akala ko din kayo na.” Badtrip! Hindi na nila ako pinatapos magsalita!

“Naman! Hindi niyo na ko pinatapos..huh?” napaharap ako kay Sonia. Siya kasi yung sumingit.

“Sabi ko, akala ko kayo na. feel ko nga kayo na e. Umamin ka na” nakangiting sabi nito.

“Uh. Hmmm. Huh?” medyo hindi pa nakakarecover yung utak ko. Slow pa siya. Tama ba ako na ok na kay Sonia na close kame ni Fernan? Pero why? Kahapon lang e..

“Oh? Kayo na?” tuso pa nito sakin.

“Hindi.Hindi. Ano lang, ok na sayo na close kame ni Fernan? Hindi kaba nagseselos?”

“Hmmm. Ano..Oo, nung una, nagseselos ako. Kaya lang kasi nung sa resto kagabi napagtanto ko na bagay kayo. Sino ba naman ako diba?” mahinang sabi ni Sonia.

“Hindi.Hindi kame. Tska, hindi kame bagay nu. Tao kame. Please. Tska magtigil na nga kayo. Kahit, oo naka move on na ako kay AJ, hindi padin tama na agad kong ipalit si Fernan kasi alam ko mahal niya pa yung ex niya. Ayoko nang masaktan ulit.” Haba nung sinabi ko, pansin ko lang.

Mahabang katahimikan.

“hmmm. Mga mars, may sasabihin din pala ako sainyo. Kasi, ano, hmmm.Kagabi, kasi ano.hmm. Kasi paguwi ko sa bahay, hmmm. Shocks.” Bumuga pa siya ng hangin, tas nagpaypay sa sarili niya gamit ang may niya. Malakas naman aircon dito sa kwarto ko ah.” Kame na ni Jayson” huh?

Katahimikan ulit.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” sabay sabay na tili nila. Nagtatalon pa habang ako ay natatawa lang sakanila.  Iritan sila tapos nagsigulong sa kutson tapos nagtatalon talon pa. Nagantay lang akong mapagod sila.

“Ok, upo na.” hinihingal na nagsiupuan naman sila dito sa kutson. Malaki to kasya kameng apat kahit magpagulong gulong kame.

“ikwento mo.” sabi ko nang makabawi na sila ng hangin. Hindi naman nagalinlangan na nagkwento si Sonia.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon