Chapter 3: Something I don't remember

78 3 0
                                    

[Nimpha’s POV]

Hinahanap ko ngayon si Janine. Hinahabol ko kasi siya kanina pero hindi ko naabutan kasi paliko liko, baka wala nanaman sa sarili yun at kung anong gawin. Tsk, naiinis talaga ako kay Enrique, alam naman niya yung sapak ni Jan pag bagong gising tapos ginanon pa. hay naku.

“Mars, san ang punta mo?” sila Meg. Pabalik na ata sila sa classroom.

“hinahanap ko si Jan. Sinipa ni Ric yung lamesa ni Jan tas nagising, walang reaksyon si Jan pero nakakabother. Dumugo pa yung noo niya. Baka Makita niya yun tas mahimatay, walang magbubuhat sakanay nu.” Habang nagsasalita ako e naglalakad na kame. Baka Makita namin sa gilid gilid yun.

“Mars, try naten sa canteen”

“ok sige”

Pag dating namen sa canteen, himalang  walang dun si Jan. Naman! Asan na yun? Malapit ng mag time. Tsk!

[Concencia’s POV]

Parang timang na naglalakad si Janine sa kawalan. Hindi niya napansin na nasa garden na siya ng school. Walang may alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Para siyang matabang zombie na naglalakad. Kasi naman, medyo gulo pa yung buhok niya, tas meron pa siyang          namuong dugo sa noo niya dahil nga sa ginawa ng impaktitong si Ric. Nag ala Hulk si kuya. HAHAHA.

Umupo si Jan sa kalapit na bench. Tulala padin siya mga te. Kawawa naman si friendship.

“AJ..”

Ala ka! Si Jan nagsasalitang magisa. Uno! Anong ginawa ni Ric dito? Baka nakalog ang utak.

Hindi namalayan ni Jan na naiyak na siya. Naka tulala lang siya at nagsasalita ng “AJ” ng paulit ulit.

Baka nagtataka kayo kung sino si AJ. Well, siya lang naman po ang sa tingin ko e, first love netong aking Friendster. Bakit niya kaya sinasabi ang pangalan ni AJ ngayon? Minulto ba siya? Antagal na nun ah?

“oh” hindi ko napansin na may lumapit na pala kay Jan na lalaki. Binibigyan siya ng chocolate. Mars pa mga friend. Alam niyo yung chocolate na yun? Uhhh. Talap talap. Kuhain mo na Jan!

Inangat ni Jan ung muka niya para makita niya kung sinong yung lalaki sa harap niya. Bumuntong hininga ito.

“Bakit?” pagtataray ni Jan at pasimpleng pinahid ang luha. hmp! If I know, gusto na niyang kainin yung chocolate.

“oh” pangungulit ni kuya.

“baka expired na yan” sabi ni Jan pero kinuha niya padin yung chocolate. Sabi ko sainyo e, hindi din makakatiis to. Libre kaya! :D

“HAHAHA. Hindi nu. Binili ko yan kaninang lunch sa cafeteria.” Sabi ni kuya tas tumabi siya kay Jan. Si Jan naman nilantakan na yung chocolate, hindi manlang nagthank you.

Nabulunan ni Jan. HAHAHAHA.

“t-thank you pala” sabi ni Jan nung makabawi. Hihi, narinig ako >.<

“wala yun. Ako naman ang may kasalanan kaya ka ginanun ni Enriq.”

“huh? Alin?” takang tanong ni g*ga.

“sinipa ka ni Enriq kanina diba? Dahil sakin yun. Inatake kasi ako ng hika e sabi nila mamamatay nalang daw ako pero tulog ka padin”

(*O*) NGANGA. Ganyan si Jan ngayon.

“Hoy, bakit?”

Lumunok muna si Jan bago sumagot kay Fernan.

“G-ganun ba? Naku, dapat pala ako pa ang magsorry sayo. Naku, sorry. Hindi ko alam.”

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon