Chapter 2: Half Awake

90 5 4
                                    

Sobrang sakit ng mata ko ngayon kasi ginising ako ni Mama ng maaga. Madaling araw ko na natapos yung binasabasa ko sa wattpad na story tas mugto pa yung mata ko kasi hindi sila nagkatuluyan. Iritang irita ako kaya iyak ako ng iyak. Hindi naman ako galit dun sa writer, naiinis lang talaga ako sa ending kasi hindi sila nung gusto ko yung nagkatuluyan. Huhu T.T kahit hanggang ngayon naiiyak padin ako. Bakit author?!!? Bhaaakiiiit??!!

“aray!.. ano ba? ” hinimas ko yung ulo kong binatukan ni Janice. Ate ko nga pala. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse, ihahatid kame sa Southhill Academy. Fourth year college na siya dun ako naman 4th year high school.

“ano ba yang dinadrama drama mo diyan? Arte mo ha? Akala ko ba hindi mo na ipopursue yan dream mong maging actress. Arte arte.” Inirapan ako ni Janice.

“hindi ko pinangarap maging artista, timang! E kasi naman si Tyrone yung nakatuluyan ni Ann, hindi si Carlo!! Sila dapat ang sa isat isa hindi si Tyrone!! Hindi siya!! Huhu.. aray” binatukan uli ako ni Janice. Isa pa, kumokota na tong bruhang to.

“wala kang pake sa author, gusto niya yun e. nagbabasa ka lang kaya shut up!” sinimangutan ko nalang si Janice. Wala siyang alam sa nararamdaman ni Carlo. Tinatake for granted lang siya kasi alam ni Ann na mahal siya. Bwisit! Nakakarelate ako kay Calo T.T bakit ang HARD ni LIFE??!!

Ang drama ko kainis. Hay naku. Bad Vibes talaga. Sinumulan kasi ako ng Monday which is kahapon -.-

Kadradrama ko andito na pala kame sa SouthHill.

“hoy! lukreng, una na ako” sabi ni Janice. Tinanguan ko nalang at tumuloy sa high school department. Kahit sabihing nasa iisang academy kame, hiwalay ang program ng high school sa college(malamang). Ang magkaparehas lang e yung high school at elementary pero magkahiwalay padin ng buildings. Malaking school kasi tong Southhill Academy. Madami kasi sponsor at madaming nahuhuthutan ng pera yung maya ari ng school na to. Bat ang sama ko? L

Umakyat na ako papunta sa classroom namen. Nahahati nga pala kame sa tatlong section per year. Random ang hatian dito. First come first serve ang peg ng sistema dito sa SA High. Nasa first section ako. Hehehe. Medyo masipag magulang kong magenroll sakin pati sila Nimpha ganun din. And speaking of Nimpha, ang bruhang yun, kilig na kilig sa pag kekwento niya sakin kagabi kasi inakbayan daw siya ni Ric, as if naman hindi ko nakita. E sinabi ko pa nga sainyo yun diba? Hahaha. Hindi daw niya makaklimutan yung araw na yun. Tas sinabi din niya sakin na nagkausap daw sila ni Ric kung bakit daw sa tagal nilang magkaklase e hindi sila ganung kaclose. Nagbigayan nga daw sila ng number. E kakabigay ko nga lang diba ng number ni Ric kay Nimpha. Hmph, walang silbi. Tapos eto pa chika ko sainyo, si Sean. Tanda niyo? Yung isa sa bagong salta? Aba ang playboy e hiningi ang number ni Megan, well lagi namang ganun. Ang daming nagkakagusto kay Megan kasi maapeal daw sa mga lalaki ung itsura niya. Pag ganun naman e hindi ko pinapakealaman ung mga yun, tska ayokong makialam. Mahirap na nu.

Andito na nga pala ako sa classroom namen. Sasabihin ko kay Mama na palagyan na nila ng elevator dito. Wale! Nasa third floor ung classroom namen ngayon, yan tuloy lahat ng cholesterol na inipon ko mula pagkasilang e naglalabasan. Kainis. Pawis na pawis na ako e. ayoko na! lilipat na ako ng school!

“huy”

“ay kabayo!.. ano ba!” takte, tinusok yung bilbil ko. Sino ba to? Tinignan ko ng maigi. Tsk. Ang dakilang manyak. Ngayon nga pala ang first day nila dito sa school.

“bakit? Masakit ba?”

“isipin mo” -.-

~.~

“auugghhhh!!!!” Tang na juice! Hinipuan nanaman ako ng manyak na to!! Alam niyo ba ang ginawa ng walang hiya? Hinipuan ung bilbil ko tas pinisil pisil pa. huhu T.T manyak poreber.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon