Chapter 6: Been there done that

50 2 0
                                    

“Drew, ano nang plano natin ngayon? San na tayo?” katatapos lang naming kumain ni Drew dito sa food court. Nakateng-ga lang kame ngayon.

“Puntahan na natin si Mama sa Resto. You want?” sabi ni Kuya. Hmm. Not a good idea.

“Ayoko. Maglalaro pa ako sa arcade. Mauna kana dun at paniguradong sabon ka dun. HAHAHA.” Pangasar ko kay Drew. Pasaway kase si Drew, makaalis ng wala pasabe tas uuwi din ng walang pasabe. Sure ako gulpe to kay Mama at ayokong makita yun at baka madamay din ako. Mahirap na :D

“Tsk. Oo na, ge alis na ako.” Akmang tatayo na si Drew ng hilahin ko yung laylayan ng T-shirt nya.

“Bakit?” tanong niya sakin.

Nilahad ko ang kamay ko. “pengeng pera. Aba. Hindi na ako sasabay sainyo paguwi. Magcocommute nalang ako. Penge”

Poker face namang kinuha ni Drew yung wallet niya. Parang biglang nagkinang ang mata ko. HOHOHO. Mukang pera lang. badtrip.

Napalunok ako nung binibilang ni Drew yung paper bills niya. Syet. Ilan kaya ibibigay saken. Hohoho.

“Oh.” Sabot sakin ni Drew.

Ang lapad ng ngiti ko nung inabot ko yung binigay niya. Pag tingin ko sa pera, sinamaan ko agad siya ng tingin. Tangna! 20 pesos! E kanina nakita kong mga 1000 bills lang yung pera niya. Alota!

“Ano ba naman to!” sabi ko sabay tapon nung bente sa kung saan. Humagalpak naman ng tawa si Drew. Bweset! Yumukod ito at kinuha ang binato kong pera. Tatawa tawa pa ito habang hinahalukay uli ung wallet niya. Hindi ko na tinignan. Mababadtrip lang ako. Bibili pamandin ako ng sundae mamaya bago umuwi! -.-

“HAHAHAHA. Mukang pera kase. Oh, ito na. Wag masyadong pagabe ha?” inabutan ako ni Drew ng isang libo. Whahaha. Ansaya. Bumalik ang ngiti ko. HOHOHO.

“Opo Kuya.” Sabi ko ng nakangiti. inirapan lang ako ni Drew tas umalis na.

Syempre hindi naman ako matitiis niyang si Kuya Drew. Minsan ko lang siyang tawaging Kuya, miski nga si Janice. HAHAHA. Walang galang lang :D

Bumalik ako sa archade at nagkinang ang mata ko ng makita ko ang paborito kong guitar hero. Eto talaga ang dinadayo ko dito. I beat my own record. Competitive lang :D Hindi talaga ako marunong mag guitar, dito lang sa laro. Paburits ko kasi yun aside sa piano J

Agad agad akong pumunta dun, wala namang naglalaro kaya ako na ang reyna dito. WHAHAHA. Swipe agad ako ng card. VIP card na ang gamit  ko dahil sa dalas ko dito, tropa na nga kame ng mga nagbabantay dito e. LOL

Damang dama ko na ang nilalaro, malapit ng matapos ibig sabihin nasa climax na ako ng tugtog. Shet! Malapit ko ng mataasan yung score ko! Unti nalang…

“TANG NAMAN OH!.. WALA NA!” sigaw ko. Aba! Badtrip naman kase kasi bigla nalang may tumusok sa bilbil ko.

Sinamaan ko ng tingin si Enrique. Pucha. Pag ganitong badtrip ako e wag siyang tatawa tawa. Ngali ngali ko ng ihampas sakanya yung guitar. Tatawa tawa naman nitong inabot ang guitar saken.

“Papantuy ka! Badtrip e!” Inis na inis na sabi ko. Aba high score yun men! Badtrip!

DAMA KONG UMUUSOK ANG ILONG KO SA INIS!

“sorry na..” sabi ni Ric. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko yung bag ko para umalis na. buset na impakto to. Suntukin ko to e!

“Wait lang.. Sorry na.. Mamu.. Sorry na..” sabi ni Ric saken. Hinablot niya yung bag ko tas hinawakan ang braso ko.

“Mag tigil ka! Ang baho mo!” inis na sabe ko. Pilit ko namang kinukuha yung braso ko sakanya.

“Sorry na kase, lilibre nalang kita. Sorry na Mamu..” nagpanting agad ang tenga ko. OPKORS, LIBRE TO MEN! Napatigil ako. Hinalukipkip ko ang braso ko tas tinaas ko yung isang kilay ko. Drama effect lang ng nagtataray :D

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon