Chapter 8: Mood swing

60 3 0
                                    

for my first ever follower. >///<

Chapter 8: Mood swing

Napakabilis lumipas ng araw. Akalain niyo yun? Graduation na namin??!! HAHAHA. De. Joke Lang. Halos isang buwan din ang nilipas after nung one week ng first day of school. Sobrang dami ng nangyari nun. Yung kay Drew, ung paglipat nila FVj dito at yung naging malaki ang barkada ko. After nung weekend namin kila Sonia, nasundan pa un ng nasundan pero paiba iba naman ng bahay. Rotation daw. Mas naging close kameng lahat sa loob lang ng halos isang buwan at meron pa kameng 9 months na pwede pa naming sulitin na magkakasama.

Dahil July ngayon, pinagdiriwang ang Nutrition Month. Diniriwang ito ng Southhill Academy sa loob ng tatlong araw dahil sa mga echos na pacontest. Merong dalawang contest na highlight pag ganitong Nutrition Month. Ang una ay Dance Contest. Meron Year level division kung saan per section ang maglalaban laban tapos kung alin ang mananalo, yun naman ang lalaban sa 1-4 year. Dito ay required na kasali ang lahat ng studyante. Last year ang defending champion ay ang 4th year. Lagi naman -.- 2nd runner up lang kame last year dahil sa ung mga magagaling na dancer e hindi nakasayaw dahil sa mga injury at nagkasakit. Naiwan tuloy kame nila Nimpha na parehas kaliwa ang paa. HAHAHA. Pero ayos lang. enjoy naman e.

Ang sunod na contest, which is kame ang defending champion. Ito ay ang Cooking contest. Sa last day to ginaganap kasabay ng last showdown of champions sa sayawan. Dito naman, per section nalang ang labanan. Iba iba kase ng concept per year kaya hindi na appropriate na ilaban pa sa ibang year level. Eto ang pinaka paburito kong part ng contest. Alam niyo naman kung bakit diba?

Yung iba naman na hindi masyadong highlight ng Nutrition Month ay yung per section na magbebenta ng kahit na ano basta related sa Nutrition kaya malimit pagkain ang binebenta dito. Pwede kasing pumunta mga outsider dahil nga 3 days event siya. Kung anong section ang may pinakamadaming benta, yun ang panalo. Ang bentahan ay nagaganap tuwing hapon dahil may Dance contest sa umaga.

Kasalukuyan kaming nagprapraktis ng sayaw. Dalwang linggo nalang mula ngayon ay Nutrition Month na kaya puspos SILA sa praktis -.- nasa likod ako kaya hindi ako pansin. Yung mga kasama sa dance troop at cheering squad yung nasa unahan. Si Ric nasa unahan siya. Dancer din yun e kaya nga lalong nainlab si Mare dun e. HAHAHA. Basta makasabay ka sa sayaw e hindi naman masyadong pinapansin. Kasama ko nga pala dito sa likod na part sila Greg, Fernando at Nimpha. Matatangkad kase sila e ako naman nagrequest nalang na sa likod nalang kung gusto nilang Manalo kame. Pumayag naman. HAHAHA. Mga conmpetitive dre.

Thursday ngayon at tapos na ang klase. Andito kame sa dance studio nila Sonia. Sabi sainyo e. rich kid talaga yan. Diba nga dancer din kase siya kaya pinagawan siya ng dad niya ng Dance studio niya na nakakatulong naman samin para maBoom Panes sila sa araw ng Contest. HAHAHA. Pasuspense din nu. Para hindi makopya yung steps e hindi pa mandin pwedeng magseek ng tulong from professional dancers. Sa estudyante at adviser lang ang concept and props. Of course, dapat related sa Nutrition ang concept. Ngayon, medyo hinaluan nila ng skit ang choreo. Yung parang may kwento yung sayaw. Ang bida ay si Ric (opkors) at si Joey. Ang idea ay healthy lifestyle. Hehehe. Amsorry, hindi ko kase iniintindi yung concept. Actually, props man lang kame dito tas backup dancer ganun. Hahaha :D it means, wa wents. Hindi naman. Magaling silang sumayaw pramis. HEHEHE. Actually, ang premyo dito ay ang hindi nawawalang tarpulin na ibabalandra sa quadrangle tska sa gym tska cash na 5K but don’t forget the trophy. sabi ni Sir, galingan daw namin para sa christamas party e may pondo kame. Gusto daw ni sir magbora. HAHAHA. Toinks lang e :D

Yung sa cooking contest naman, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko. Ako kase ang toka dun, which lagi naman dahil alam nila na mahilig akong magluto at dahil yun sa aking mahal na ina J Dahil Filipino Dish ang toka sa 4th year, Kakanin ang sinaggest kong iprepare ng section namin. Sabi naman nila maganda naman daw yun, sinegundahan naman ni Sir na yung mga Traditional Filipino Desserts daw. Para mas malawak yung concept at hindi lang kame magstick sa kakanin. Pwede din daw na magsorbetes. Actually, hindi ko na muna yun inaalala. Dahil pwede yung iplano ng mga a week before ng contest para mas drained na yung idea.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon