Chapter 7

54 5 0
                                    

“Bunso, gising na.” Narinig kong sabi ni Kuya sakin. Pero ayaw ko pa talagang gumising. Napasarap ang panonood ko ng movie kagabi kaya late na ako nakatulog.

“5” sagot ko habang naka subsob pa ang ulo sa unan. Lalo ko pang niyakap ang paborito kong hotdog.

“No, aalis na kase ako. Sabay tayong magbreakfast. Dali na bunso.”

Dahil sa sinabi ni kuya napabangon ako ng wala sa oras.

“kadadating mo palang aalis kana agad?” busangot na sabi ko.

“Sorry Bunso, after kasi nating magusap kahapon nagpabook na agad ako ng flight pabalik sa America. Alam mo naman kung bakit diba?” mahinahon na sabi sakin ni Drew.

“Hay, Ok. I understand. Wait lang, magprepare lang ako.” sagot ko kay Drew. Maghihiwalay nanaman kame L

Walang ganang umalis ako sa kama at papunta na dapat sa banyo ng higitin ako ni Drew at yakapin.

“Bunso.. Sorry na.. Please wag ka namang ganyan.” Hay kahit kailan talaga napakalambing ng Kuya kong to.

“Kuya, naiintindihan naman kita e. Ok? No worries.” Nakangiting sabi ko sakanya. Ayoko din naman na mas mahirapan pa siya sa problema niya at maging dagdag pa ako dun.

“Thanks Babe” sabi sakin ni kuya sabay halik sa pisngi. “Baba ka kaagad, ipaghahanda kita ng breakfast” sabi pa nito at umalis na sa kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Nang nakapag ayos na ako ay dumeretso na ako sa kusina para silipin si Kuya. Nakita ko naman itong katatapos lang magprito ng bacon.

“Bango nga” nakangiting sabi ko. Parehas naming hilig ni kuya ang pagluluto dahil parehas kameng mahilig ding kumain.

Nagangat naman si kuya ng tingin at ngumiti ng malawak.

“syempre luto ko e. pumunta kana dun sa lamesa ng makakain.”

Dumeretso naman ako sa dining area. Andun na si Janice at Papa.

“Good Morning.” Bati ko sakanila.

“hmmm.” Si Janice yan. Tamad poreber

“Good Morning Baby” yak. Si Papa yan.

“Kadiri ka Papa, Baby daw. Baby damulag. HAHAHA” si Janice. Inunahan ako -.-

“HEH” sagot ko sabay upo sa right side kng saan wala pang nakaupo.

“saan si Mama?”

“nauna sa resto, meron kaseng magoocupy ng resto. Alam mo naman ang mama mo, so hands on.” Sagot ni Papa habang binababa ang newspaper.

Tumango nalang ako at tinignan ang hinandang pagkain ni Kuya.

Typical na breakfast lang naman. Ang iniba e ang garlic fried rice na paburito ko. Pancakes, hotdog, bacon and ham ang breakfast.

Pagdating ni kuya ay sabay sabay na kaming kumain. Katabi ko si Kuya.

“nga pala, ako maghahatid sainyo ngayon.” Sabi kuya pagkatapos ay isinubo ang pagkain.

Ok lang naman sakin na si kuya ang maghatid samin. Mas mapapaaga pa nga kase mabilis magmaneho to.

“Nga pala, Nanliligaw ba sayo ung Valdez na nakatira dyan sa tawid kalsada?” nabulunan ako nang walang ano ano’y isingit ni Kuya ang topic na ito.

“May manliligaw na si Janine?” tuwang tuwang tanong ni papa kay Kuya. Busit. Sinamaan ko ng tingin si Kuya nung tumingin ito ng nakakaloko sakin.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon