Prologue

120 9 0
                                    

Halos lahat na lang ng nababasa kong libro na Romance e mga perpekto ung mga characters.

Maganda

Makinis ang balat, sabihin na din nating maputi

Mayaman dapat

Higit sa lahat dapat sexy.

Taena! Paano naman ako?

Paano naman ung tulad ko?

Hindi naman ako mahirap kasi kung mahirap ako edi sana pumayat na ako

Medyo sapat lang yung balat ko, minsan may tutubong an-an pero mawawala din kasi sa puti ko nagkaron siya ng identity crisis kaya minabuti nalang nilang umalis

Maganda naman ako, ilang beses ko na yang narinig mula kay Mama, mula kay Mama, mula kay Mama.

Pero ang hindi ako pasok e yung katawan.

Hindi ako sexy na katawang coca-cola daw.

Mataba kasi ako.

E sa masarap kumain e, try nyo maaadik din kayo

At yun ang problema.

Paano naman ako?

Wala na ba akong karapatang mag mahal at mahalin dahil sa katawan ko?

Aba teka.

Pero ganun nga siguro ang buhay,

Kahit anong panget mo.

Kahit gaano kapa kaitim

Basta sexy ka,

Nakakapag suot ka ng magaganda at labasan ang mga balat

Keri ka.

Ganun talaga e.

Kahit sabihin nating paulit ulit na “don’t judge the book by its cover” ang una parin kasi nating nakikita e yung cover ng libro. May mga libro pa na hindi mo pa pwedeng basahin yung loob kasi may plastic na naka cover pa sakanya. Bibilhin mo muna siya bago mo mabasa.

Mag ririsk ka bang bayaran ang isang librong hindi mo alam ang laman?

Malimit hindi.

Hehehe.

Nakakatawang isipin pero totoo yun.

Yun ang realidad ng buhay.

Pero wag naman nating lahatin,

Meron parin namang mga nagtatry.

Meron parin namang nagririsk.

Nakakakita din ako, pero gaya nga ng sabi ko kanina.

Madalang lang.

Parang one in a million.

Pangarap ko din naman na magkaron ng love story

Hindi yung maimaimagine lang ako galing sa nababasa ko sa mga libro

Sana may maligaw na bilhin ang libro ko kahit doble doble pa yung plastic

Wag sana akong dumating sa time na napagod na ako kahahantay

Na sasabihin ko sa sarili ko, “naku, wala na to. Huling biyahe na yun e”

Na makukuntento na ako na magisa lang ako sa buhay

Me, Myself and I.

Wag naman sana.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon