Chapter 5: Silently Mad at you

56 4 1
                                    

[Janine's POV]

“Bat nandito ka sa kwarto ko? Kelan kapa dumating? Bat hindi mo manlang sinabi sakin? Ha? Bakit?”

“Aba naman, isa isa lang ang tanong Mae” sabi ni Kuya Drew at humiga sa kama ko. Dinilaan siya ni Marshie at tawa tawa naman niyang nilayo ang mukha sa aso.

“Bat ka nga nandito? Ok na ba yung problema niyo sa America? Ok na ba yung problema? Ano?” pangungulit ko. E sa hindi sinasagot mga tanong ko e.

Umupo si kuya pag karinig sa mga sumunod kong tanong. Mukang hindi pa nasusolusyonan ang problema.

Bumuntung hiniga si Kuya at tumungin sa kawalan.

“Huy” tawag ko. Muka kasing nagsarili na siya sa ibang mundo.

“Tsk, hindi pa din Mae e. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalilito na talaga ako. Mas lalo pang gumulo ang lahat.” Seryosong sabi ni Kuya Drew. Napaka hirap talaga ng sitwasyon ni Drew. Miski ako ay hindi ko alam kung anong dapat gawin sa ganung problema.

“Hay, umuwi ka dito para makatakas sa problema mo dun sa Amerika, ganun ba?”

Tumango lang siya.

“Tsk, tara na. kulang lang yan sa gala. Punta tayong mall.” Aya ko sakanya. Para kahit papaano ay makalimot din siya.

“Akala ko ba hindi ka gala? Dati kapag inaaya kita ayaw mo tas ngayon ikaw na ang nagaaya.” Nakangiti na si Kuya Drew.

“Heh. Nagsasalita ka pa diyan! Labas na at magbibihis lang ako.” Tinulak ko na si Kuya palabas ng kwarto ko.

Tsk. Ano kayang nangyari?

Pagkabihis ko ay bumaba na agad ako, nakita ko si Kuya sa sala at nanonood ng T.V.

“Drew, tara na.” sabi ko habang inaayos ang sintas ng sapatos ko.

“Babe wait lang, after nito.” Sabi ni Kuya. Binato ko siya ng unan na nakalagay sa sofa. Namimihasa na siya sa kabaBabe niya sakin.

“Babe your face. Tara na.” umuna na ako sa may pinto. Narinig ko namang pinatay ni Kuya yung T.V at sumunod na sa akin.

Kotse ni Kuya yung ginamit namin papunta sa Mall at dahil kame lang ni Kuya yung nasa bahay ay hindi na kame nagpaalam. Nagtext nalang ako kay Mama na pupunta kame ni Kuya sa Mall kung may time e dadaanan namin siya sa resto niya dun.

Pagdating namin sa Mall nag lakad lakad lang kame pero ang pinaka pakay namin ay ang lumafang ng foods at maglaro ng arcade. Inuna namin ang maglaro kaya deretso kame sa Time Zone at dahil tambay na ako dito si kuya nalang ang pinapili ko ng laro kung saan ko siya tatalunin. Hehehe. Medyo master ko na mga laro dito.

“Dun tayo sa may sayaw sayaw  Mae.” Nakangising sabi ni Kuya. Tae naman e. alam naman ni Kuya na hindi ko hilig yan!

Sinapok ko si kuya bilang sagot sakanya umilag nga lang ang kulugo kong kuya. Asar. Babawi ako mamaya.

“Sorry na babe”

“Heh! Bwisit ka!” nag amba ako na susuntokin ko na siya pero hindi ko nagawa kasi naka akbay na siya sakin. Kainis ang laking tao nito -.-

“Jan?” Huh? Sino yun? Nakataas ang kilay na hinarap ko yung tungaw. Hehe. Sama ko :D

“ui. Kayo pala.” Tsk. Grupo nila Ric. Bat ba pakalat kalat tung mga to? Kairita.

Tinaasan lang ako ng mata ni Ric tas sila Marlo makatingin naman daw. Kaya tinaasan ko sila ng kilay, first time nila akong makita sa Mall? Kaloka.

“Babe kain muna tayo.” sabi ni Kuya tapos inamoy pa yung tenga ko. Sinamaan ko ng tingin si Kuya, e kadadating palang namin e.

“Kadadating palang natin, mamaya na” iyamot na sabi ko kay kuya. Tinignan ko sila RIc kasi parang ang tahimik nila hindi ako sanay.

Chubby fist touch my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon