Chapter 24: Batman

550 10 0
                                    

Continuation of 19.1 Kath's part. Enjoy! =))
Kath's POV

Dear Ms. siKATH,

You seems so sad these past few days. Is this about that "accidentally kiss" with the campus oh so called "nerd"? Don't think about that too much. Just forget about it.

Smile ka na ha? :)

- Batman

Habang naglalakad ako papunta sa classroom eh hawak-hawak ko lang yung papel habang paulit-ulit itong binabasa. At parang tangang napapangiti ako habang paulit-ulit kong binabasa yung nakasulat. Ewan ko ba, sobrang lakas ng epekto nitong letter saken eh. Hindi naman ito ang unang beses na nakatanggap ako ng letter mula sa di kilalang tao. Pero ito pa lang ang unang beses na napangiti ako dahil lang sa isang letter. Dati kasi tinatapon ko iyon agad without reading it. Pero ngayon.. para bang may nag-uutos saken na basahin yun. Hay ew--

"Ateng maganda, may nagpapabigay nga po pala sayo nito." napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may biglang lumapit saken na grade 7 at may inabot na bouquet of roses.

"Pak--" bago ko pa matapos yung sasabihin ko eh tumakbo na siya papalayo. So ganun bastusan tayo?

Balak ko na sanang itapon yung bouquet ng may nahagip na letter yung mata ko.

You smile, I smile :)

- Batman

dugdug dugdug

Automatikong ngumiti yung mga labi ko after kong mabasa yung nakasulat. I really want to know who's this batman is. Masyadong malakas ang epekto niya saken. Lalo na sa puso ko. Eeww. Corny.

At dahil nga nalaman kong si Batman pala ang nagbigay nung bouquet eh hindi ko na siya tinapon. Instead, dala-dala ko siya papunta sa next class ko.

Nasa tapat na ako ng classroom ng biglang nagkagulo yung mga kaklase ko at nagbulungan.

"Girls, look! Si Kath may dala-dalang bouquet. Take note DALA-DALA! Hindi niya tinapon!" - Chismosa #1

"OMG! Is that for real?" Chismosa #2

"Its a miracle!" Chismosa #3

"Pre, mukhang tumatanggap na ng manliligaw si Kath ah. Ayos to!" Epal #4

Tanginis tong mga to ah! Oo na, oo na, first time to pero wag naman kayong OA masyado.

Diko na lang sila pinansin. MABAIT na nga kasi ako. *ehem* *ehem*

Pagkaupong-pagkaupo ko eh nagulat ako sa reaction ni Daniel a.k.a Ugly Nerd. Wanna know why? SOBRANG lapad lang naman ng ngiti niya! As in sobrang lapad!! And it gives me goosebumps.

"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Ha? Ah.. eh.. wala-wala"

"Umayos ka nga! Mukha kang tanga diyan eh." Tss, sabe ko goodgirl na ako eh. -_-

Nagulat ako ng mapansin kong absent yung tatlong bruha. Hmmm, may nangyari ba na hindi ko alam?

- - - - - -

After one week had passed nalaman ko na din kung bakit absent yung 3. Si yen, BH. Si Kiray, ayaw pumasok kasi hindi pa daw siya handa na makita si Ej na hindi naman pala talagang bakla. Si Julia naman, ayun nahihiya kay Diego dahil nalaman na niyang mahal siya nito. Sus, matagal ko na yung alam eh. I mean, napapansin pala.

At ako naman.. sa buong week na lumipas eh araw-araw akong takakatanggap ng kung ano-ano galing kay "Batman"

Masyado na akong naiintriga dito kay Batman. Una pa lang kasi eh iba na yung dating niya saken. Gustong-gusto ko na nga siyang makita at makilala. Kaso mukhang wala talaga siyang balak.

Hay monday nanaman. I really really hate mondays.

Maaga akong pumasok ngayon kasi may inutos saken si Daddy. Kainis, obligado tuloy akong gumising ng maaga. And Im fckn hate that!

I decided na ilagay muna sa locker yung mga gamit ko coz its kinda heavy. Malapit na ako sa locker ko nung may napansin akong guy na may hawak-hawak na bouquet of roses. Nakatalikod siya kaya I can't determine who he is. Nagulat ako nung nagstop siya sa tapat ng locker ko.

"Omg, he's Batman!" bulong ko sa sarili ko.

At mas lalo akong nagulat ng makita ko kung sino siya...

"DANIEL?!"

Holyshit, can I die now?

My Nerdy Boyfriend (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon