Kath's POV
This is it! Ito na talaga yun. Ito na yung bunga ng kagagahan ko. Hayyyy Kath you're such an idiot. Palakad lakad lang ako dito sa loob ng kwarto ko. Minsan uupo, haharap sa salamin at maglalakad nanaman.
"Ahhhhhhhhh!!!!! Anong ginawa ko? Bakit? Bakit? Bakit ko siya niyayang makipagdate??!! Di kaya may sakit na ako sa utak? Oh no! This can't be happening!! Pero bakit di ko binawi yung sinabi ko?!! BAKIT HINAYAAN KO LANG??!! MY GOD!!" Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin and I can't believe na kinakausap ko yung sarili ko because of that.. U-ugly Nerd!!!
Napatingin ako sa orasan at parang gusto ko ng magpakain sa lupa ng makita kong 8:50 na ng umaga. Damn! 10 minutes to go at dadating na yung... grrr kadate ko. Di ko talaga maexplain kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko eh. Pero why not give him a chance di ba? BUT NO!! KATH NAMAN SI UGLY NERD YUN!! THE ONE AND ONLY CAMPUS NERD OF BERNARDO ACADEMY!! Ano na lang sasabihin ng ibang tao pag nalaman nila na makikipagdate ako sa isang nerd? Na cheap na ako? Na bumababa na standards ko? HELL NO!!
*Toktok
Napatigil ako sa pakikipagtalo sa sarili ko ng biglang may kumatok sa kwarto ko. Istorbo naman oh!
"What?" Mataray na sabi ko sa maid namen.
"May bisita po kayo sa baba." Shit! Napatingin ako sa orasan at nakita kong saktong 9 am na. Fuck! What will i doooo? Napapikit ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Lord, please give me a sign kung dapat ko bang bigyan ng chance si Ugly Nerd. Kayo na pong bahala. At pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko, yung letter na binigay ni Ugly Nerd saken ang una kong nakita. Hayyy fine.
"Paki sabi susunod na ako." At umalis na yung maid namen. Nagretouch lang ako saglit and I'm ready to go.
Nanginginig ako habang pababa ng hagdan. Yung thought pa lang na nandito si Ugly Nerd makes me want to shiver.
*inhale* *exhale*
At parang gusto ko ng tumakbo pabalik sa kwarto ko ng makita ko si Ugly Nerd. He's wearing his eye glasses, long sleeves and a fitted jeans with matching suspender pa!!! JUSMIYO! Gustong-gusto kong humagalpak ng tawa eh. Pffffft.
"Let's go?" Sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti.
Inalalayan niya ako habang patungo kame sa kotse niya. At pinagbuksan din ng pinto ng kotse niya. Ang gentleman lang. Shit stop it Kath! Nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Nakakabingi ang katahimikan at sobrang naaawkwardan ako.
"San tayo pupunta?" Di na ako nakatiis na di magsalita. Alangan namang ngumiti lang siya magdama diyan at magdrive na magdrive di ba?
"Basta. Promise you'll love the place." Sabay wink niya saken!!! PARANG GUSTO KONG PAHINTUIN YUNG SASAKYAN AT SUMUKA SA DAAN AT TUMAKBO NA PABALIK SAMEN!!
Daniel's POV
Pagkatapos ng ilang oras na biyahe eh nandito na kame. Buong biyahe lang naman natulog si Kath. Pagkatapos ng kakapiranggot na paguusap namen eh di na ulit siya nagsalita at natulog na. Di ko muna ginising si Kath, tinitigan ko kang siya at di ko napigilan na di haplusin yung mukha niya. Grabe ang ganda niya talaga, ang amo amo ng mukha na akala mo isa siyang anghel na bumaba sa lupa. Mapupulang labi na parang ang sarap halikan. Bigka ko tuloy naalala yung performance task namen sa Music. Iba talaga yung feeling na mahalikan siya. Partida aksidente pa yung halik na yun, pano pa kaya pag hindi? Bigla akong napangiti sa naisip ko. Takte ang bading ko nanaman!
Pinikit ko yung mata ko at unti-unting nilapit yung mukha ko kay Kath..
"HOY ANONG GINAGAWA MO?!" Tinulak ako ng malakas ni Kath at galit na galit saken. Shit patay!
"H-ha? W-wala.. wala ah! Tatanggalin ko lang kasi sana yug seatbelt mo at gigisingin ka." Napakamot ako sa batok ko dahil sa naisip kong palusot. Tae naman oh, sana naman tumalab.
"EH BAKIT NAKAPIKIT KA TAPOS NAKANGUSO PA??!! MAY BALAK KANG HALIKAN AKO NO? RARAYPIN MO AKO ANO??!! WAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!! NERD KA NA NGA MANYAKIS KA PA TAPOS RAPIST PA!!" Pinaghahampas ako ni Kath habang sigaw siya ng sigaw. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Ang cute niya talaga. Azarrr.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA wait lang tatawa lang ako ha? HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Sige lang, take your time." Nakasimangot siya at padabog na lumabas ng kotse ko. Patay na!
"OMG!!!!! AAAAAHHHHHHH!!!!! " Nagmamadali akong lumabas ng kotse ko kasi baka kung ano ng nangyari kay Kath.
"ANONG NANGYARI SAYO? HA? TELL ME!" Natataranta kong tanong kay Kath.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? I'm lovin' the place!!" At tinaas niya pa yung dalawang kamay niya at pumikit. Napangiti ako bigla. Salamat naman at nagustuhan niya tong place na to.
"Ganun ba? Akala ko kung ano ng nangyari sayo eh. Buti naman at nagustuhan mo tong place na to." Nagsasalita ako habang kinukuha yung mga gamit sa likod ng kotse ko. Linatag ko na yung sapin na dala ko at yung basket na dala ko din na puno ng pagkain.
"Di ka naman prepared niyan?" Sabi ni Kath na sinamahan niya pa ng tawa. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. At masaya ako kasi parte ako ng ngiti na yun.
"Alam mo ba kung bakit dito kita dinala?" Sabi ko sa kanya sabay abot ng sandwich na ako gumawa.
"Hmm.. para tayong dalawa lang ang tao?" Sabi naman niya habang kinakain na yung binigay ko na sandwich. Napatawa ako bigla sa sinabi niya.
"Nope. Pero isa yun sa mga rason. Ang ganda kasi ng tanawin dito, fresh air tapos kitang kita mo pa yung buong Manila. Nakakawala ng problema. Pero ang main reason kung bakit dito kita dinala ay dahil.. dito pinatay ang daddy ko." Nagiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayokong makita niya na nasasaktan ako. Kahit hirap ako ay pinagpatuloy ko pa din sa kanya ang pagkukwento. "I was just a 7 years old back then, isang politician si daddy. Kilala siya ng lahat dahil mabait siya at may malasakit sa kapwa. Everybody loves him. Pero bago dumating ang araw ng halalan, ang araw na sinusumpa ko, eh hinarang ang sinasakyan namin. Dito mismo sa lugar na to. Itong lugar na tahimik, na akala mo lahat payapa. Dito naganap ang isang pangyayaring kahit kelan di ko malilimutan. Ang araw na pinatay ang daddy ko. Nakatago ako noon, pero rinig na rinig ko at kitang kita ang pagmamakaawa ni mommy sa mga armadong lalaki na kumuha sa kanila. Pati si daddy, sa buong buhay ko dun ko lang nakita ang takot sa mga mata niya. Takot hindi para sa kanya kundi para samen ni mommy. Mga hayop sila Kath, sobrang hayop. Pinagsamantalahan nila si mommy sa harap mismo ni daddy! Binaboy nila ang mommy ko at walang awa na pinatay si daddy! Takot na takot kame nun ni mommy, iyak lang siya ng iyak sa harap ng bangkay ni daddy habang ako tulala. *hinawakan yung kamay ni Kath* Dinala kita dito kasi gusto ko ng makalimutan yung napakasamang bangungot na yun. Gusto kong palitan ng magagandang alaala tong magandang lugar na ito. Kaya sana Kath samahan ko akong gumawang magaganda at masasayang alaala dito." Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit gustong-gusto ng pumatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Oo Daniel, sasamahan kitang bumuo ng magaganda at masasayang alaala dito. At pangako, isang araw pag bumalik ka dito, wala na yung sakit ng nakaraan. Tutulungan kita. Pangako." Tinapik niya yung balikat ko at bigla akong niyakap. Napakasaya ko ngayon. Salamat Kath. Maraming Salamat.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Boyfriend (Kathniel)
FanfictionWho would that thought na ang isang Campus Queen ay maiinlove sa isang Nerd? Eww. Right? Pero anong magagawa mo kung ang Destiny na ang nagsabi na si Campus Queen ay para kay Campus Nerd?