CHAPTER 8: Man Hater

498 97 31
                                    

AN: Nagyayaan nalang sila na mag mall ng sama-sama. Kasi nga daw, past is Past. :)

(NIELLE'S POV)

"Ooh~ I Love that dress! Akin nalang yun!"  Tinuro nya yung dress na gusto nya.

Haay~ Andito kami sa mall ngaun sa Botique ko and namimili este, Nanghihingi nanaman ng mga clothes si Yan. Mata ako kay Yan eh.

 "Okie, Basta may kapalit"  Malulugi na ko nuh! Kaya kailangan ko ng kapalit.

"Ano? Don't tell me mahirap nanaman iyan? Lagi naman eh."  Inabot ni Yan yung dress sa cashier.

"Nope! Nope! Nope. Gusto ko ng-----"  Nilagay ko yung daliri ko sa may utak ko, Nag-iisip ako eh.

 "Ng?" Pinatong nya ulit yung isang damit naman sa counter.

"Wait, let me think..."  Ngayon, nasa baba ko naman yung daliri ko.

"Naku! Baka unicorn na tumatae ng butterflies nanaman ha?"  Nag rolleyes sya.

"Ayaw ko na nun..." Nag pout nalang ako. Wala pa ako maisip. Pretty Smart Nielle mag-isip ka.

"Oh baka naman gusto mo makalipad gamit ang Pixie dust ni Tinkerbell??" Si Wely habang tinitingnan yung damit na malapit samin.

"Bakit? Gusto mo rin? Samahan mo ko?"  Tumambling ako papunta sa kanya.

"Hahaha. No thanks my dear."  Sad naman ako nun.

"Awww. Samahan nyo na nga lang ako bukas, Ipapa groom ko si Poochie kasi kasama sya sa mga magmomodel ng bago kong designs.."  Clap clap ako ng hands. I'm so smart! cute pa!

"Ahh... Sus.. Yun lang pala, kinabahan tuloy ako. Akala ko kung ano nanaman ang gusto mo..."  Nagpatong ulit si Yan ng isa pang dress naman.

"Hihihihih.. Oo nga pala asan si Bruce, Wely??" Tinitingnan ko yung mga damit na nasa counter na gusto ni Yan. Ako mismo yung nagbabalot.

[A/N: Poochie is nielle's dog]

"Ah, bibili sya ng bagong watch" Napatigil ako sa ginagawa ko. Kakapunta palang nyang ibang bansa ah.

"Bakit? Eh kagagaling niya lang ng ibang bansa? Mas magaganda ang mga watch dun diba?" Tapos tinuloy ko na ulit yung pagbabalot ko ng mga damit na pinili ni Yan.

"Oo pero tanda mo ung napagkamalan mo syang magnanakaw? Tapos pinagpapalo mo sya ng walis? Nasira mo kasi yung relo niya.." Nahiya naman ako. Hihi. Inabot ko na kay Yan yung mga napili nya, naangal na agad eh.

"Ooppss Hihi." 

(BRUCE'S POV)

Andito ako ngayon sa mall at naghahanap ng relo para palitan ung nasira ni Nielle. Nasa Philip Stein Watches ako ngayun at tumitingin ng relo. Napansin ko na dalawang customers lang pala kame dito, ako at isang babae. After ng ilang minutes sa pag tingin-tingin ng mga relo, may isang relo na nakakuha ng atensyon ko at naka display ito sa gitna ng shop.

"Miss, i'll take this" Sabay naming sabi sa saleslady.

Napatingin kame sa isa't isa tapos biglang nagsalita yung saleslady  "Ay.. Maam, sir last piece na po namin iyan eh.."

"I'll take it!" Kinuha nung babae.

"Sorry miss pero ako ang nauna"  Inagaw ko sa kamay nya.

Pero parang walang narinig yung babae at sinabi pa sa saleslady na "Miss, i'll pay you DOUBLE" At hinigit nya pabalik sa kanya yung relo mula sa aking kamay at naglakad.

"Miss Parang unfair naman ata nun.. Ako una nakakita." Tumigil sya sa paglalakad at humarap sya sakin.

Tinaasan niya ako ng kilay at sinabing "So?"

Nainis ako kaya sinamaan ko siya ng tingin, Napansin iyon ng saleslady kaya bigla naman siyang sumingit.

Saleslady: "Uhmm.. Marami pa po kaming available na watch na pwede niyong magu----" 

"No!" Sabay nanaman naming sabi nung babae.

"Pwede ba!" Angal nung babae na mukhang surang-sura na sa akin.

"Diba may kasabihan tayo, early Bird gets the Worm. At ako ang nauna, kaya ako ang bibili nito. Pero kung gusto mo, totopik nalang tayo." Hinablot ko sa kamay nya yung relo kaya nagulat sya at kita sa mukha nya na lalo syang nainis.

"Hey. Look.. I. Don't . Even. Care! At hindi mo ba ako nakikilala?" Magkaharap kami, Nag papalitan ng masamang tingin ng bigla nyang sinabi yun.

"Nope, bakit? Sino ka ba? Ikaw ba si Darna? Ay mali.. Baka si Wonder Woman?" Ngumiti ako sa kanya ng alam kong kaiinisan nya at nag cross arms pa ako.

"No! Now, for your Information. I'm Louella Kandria Montez. Ako lang naman ang kaisa-isang Heiress ng isa sa pinakamalaking Communication Technology Company. At ako lang naman ang kaisa-isang anak ni Bernard Lee Montez. At yaang relo na iyan ay para sa Dad ko, so Shoo Shoo Ka na." Hinablot nya ulit yung relo. Yung saleslady, wala nang magawa sa amin. Kasi tuwing sasangat sya sa amin, binibigyan agad namin sya ng nakakamatay na tingin.

"Blablabla~ Eh Ako ba kilala mo?" Hindi ko inagaw yung relo, sige kunin na nya. Nakakaawa naman, baka mamatay pag hindi nya nabili yung relo. Gentleman naman ako eh.

"No"  Sigaw nung babae. May pagkataray sya nuh?

"Good" Sabay walk out ko.. May pa HAIRess HAIRless pa siyang nalalaman.. Nakakainis naman yung babae, di bale na marami pa namang ibang relo dyan..

"Tss.. Dami pang satsat, sakin din naman pala ang bagsak!" Nagparinig pa yung babae habang naglalakad na ako patalikod sa kanya.

Aba sumosobra na yung babaeng yun ah.. Kainis! Bruce, ikalma mo lang ang sarili mo ha? Okey? Okey. Kunwari wala kang narinig... Hindi ka bakla, tandaan mo iyan kaya wag kang papatol sa babaeng hairless na yun. Okey.. Lakad lang. Hmm.. Bakit kaya sya ganun? Halata naman sa Mukha nya na mabait at masayahing tao sya. Rinig ko nga din kung paano nya kinausap yung saleslady nung umpisa, ang bait bait. Pero bakit pagdating sa akin hindi na? Yung parang ang Cold nya masyado at parang kasama sya sa grupo ng Man hater.

Dumeretso na ako sa Botique ni Nielle. Nakita ko sila doon at si Yan nalang ang hindi. Hmmm.. Nasan kaya un? *Hanap* *Hanap* at BINGO! (Evil smile) Nag lakad ako ng dahan dahan sa likod niya at...

"Yan!" Gulat ko sa kanya habang nakatalikod.

"Kulangot na binilog na pinitik!" Natulak nya ako pagkaharap nya sakin.

"Ang bastos mo talaga Yan! bwahahahahaha!" Hinampas nya ako sa braso ng dalwang beses..

"Che! Bakit kailangan kasi sumigaw!" Tumalikod sya sakin, Nagtampo agad? Ambilis naman.

"Hahaha sige na sige na sorry na, bati na tayo ha?" Inuga ko sya para mapaharap sakin.

Sa huli ay nagyayaan nalang kaming umuwi pagkatapos naming mamili, mag-uli at kumain. Pero si Nielle, yun nagpaiwan.

-------

Thank you sa pagbabasa<3

Pero, bakit kaya nagpaiwan si Nielle? At ano nanaman kayang kababalaghan ang gagawin ni Nielle? Alamin sa Next Chapter. :) Promise. Smile kayo dito. :>

Vote, Comment, Add Twist Of Lovers to your RL if you like it. 

Twist of Lovers ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon