CHAPTER 23: Trip to Satan.

89 8 1
                                    

(Rainiel's POV)

Bigla nalang akong nagising ng may maramdaman akong basa sa may Balikat ko. At ng malaman ko kung ano yun, pinunasan ko 'to agad. Kadiri eh, kahit naman ako'y lalaki, malinis parin ako sa katawan nuh at kahit sino naman sigurong tuluan ng laway mandidiri. Tama, laway na nga yung naramdaman kong basa sa balikat ko. Laway ng natutulog na Wely. Sya na nga nauna natulog sa aming dalawa pero ako pa ang naunang nagising. Ganun ba talaga kapag batugan? Nakita ko bigla si Melvin at pinalapit ko sakin. Unti-unti akong tumayo at pinaupo ko si Melvin. Bakla naman yun kaya walang malisya. Pinagbantay ko muna sya kay Wely. Ilang minuto lang, ginising ko na si Wely dahil nakarating na kami. Inutusan ko si Melvin na gisingin si Wely.

"Girl wake up, I'm nangangalay na. My shoulder is broken na. Me want to jinggle pa. If Papa Rainiel no gwapo lang I'm going not accept his favor. " Nakakahilo ang grammar ng baklang 'to at ang conyo conyo.. Nag mulat na si Wely at si Melvin na Melissa sa gabi ang una nyang nakita.

"Aswang!" Sigaw ni Wely kaya naitulak nya si Melvin sa bintana. Dahilan para mauntog ito.

"Melvs? Sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi nanggugulat ka."

"Bakla ako pero hindi aswang. Grabe ka girl. Look my hair." Tumayo na si Melvin at naglakad na. Pagtingin ko kay Wely, ayun, bumalik sa posisyon.

"Baba na." Utos ko sa kanya. Hindi parin kasi bumababa, hindi pa nga din tumatayo mula sa kinauupuan. Pumwesto pa ng maganda.

"Ikaw na, iwan mo na 'ko dito. Inaantok pa 'ko." Tapos nagtaklob pa sya ng jacket sa mukha nya. Dahil mabait ako, hindi ko sya pinagbigyan. Hinigit ko sya patayo mula sa kinauupuan nya. Umangal ulit sya at nagtaray sakin kahit naka-pikit habang nagkakamot ng kili-kili.

"Gusto mo ma-rape? Sige dito ka lang huh? Baka kasi hindi mo napapansin, tayong dalawa nalang ang nandito pati yung driver. Ano, sige tulog pa. Alis na 'ko." Napamulat agad sya sa sinabi 'kong yun at bigla hinigit yung malaki nyang bag at yung kanyang maleta at inunahan ako maglakad.

"Ano, titingnan mo lang ako? Tara na. Tsaka dahil Boyfriend kita, maging gentleman ka naman kahit ngayon lang. Oh, maleta ko. Ikaw na bahala huh? Thanks babe." Nag flying kiss pa tapos dumeretso na pababa ng bus. Napangiti at napailing lang ako. Wala din akong choice kundi kunin at buhatin yung maleta nya.

"Sya Maam ang may kasalanan kung bakit ngayon lang kami nakarating dito. Ayaw po kasing bumangon, ang tamad tamad." Pagkarating na pagkarating ko, tinuro agad ako ni Wely kay Maam at teka, tama ba narinig ko? Wow ako pa pinagbintangan huh. Hindi ba't sarili nya tinutukoy nya? Tiningnan ko si Wely ng masama at napansin ata ito ni Maam.

"Don't give her that kind of look Mr. Blitzer. Respect her as a Lady." Pagalit pa sakin si Maam, pasimple namang tumawa si Wely. Hinayaan ko na sya, her laugh can't kill me.

Hmm.. Puno, lupa, bato, damo, bulaklak, langit, ulap.. Wala na ba talagang iba? I mean, eto lang? Tsk. Mga zombie ba nakatira dito? Wala din signal. Paano ako mabubuhay dito ng Dalwang araw? Napatingin ako kay Wely, napansin ko lang kasi na nakangiti sya habang nakapikit.

"Anong meron? At anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nakapikit parin kasi sya, hindi ba sya nangangalay tumayo? Ako kasi nangangalay na.

"Shh.." Yun lang sinabi nya tapos tinuro nya tenga nya. Hanggang ngayon nakapiit parin sya. Ano bang meron sa tenga nya?

"Gayahin mo nalang ako." Ginaya ko sya, sabi nya eh. Pumikit din ako. Wala ako makita, natural nakapikit ako diba. Naririnig ko yung mga huni ng ibon, yung sarili kong paghinga, pati na din yung mga paggalaw ng puno. I can't say It's rock. Like, what I use to do but it seems relaxing kaya napangiti na din ako. Pagmulat ko, wala na si Wely sa tabi ko. Asan na sya? Pagtalikod ko, nakita ko sya nagtatayo ng tent nya. Iniwan ba naman ako. Nilapitan ko nalang sya at tinulungan mag-ayos ng tent nya. Pagkatapos, tent ko naman ang pinagtulungan naming itayo.

Twist of Lovers ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon