CHAPTER 21: Oh, Tawa na! Bwahaha!

210 38 2
                                    

A/N: Happy 8,197 reads sa atin. Sana basahin nyo pa lalo 'tong story na to. Maraming salamat. :) Hi! Ang drama nung last chapie nuh? Oh, hala. Eto para sainyo :) Tama na ang drama at tayo'y sabay-sabay na tatawa. Bwahahaha! Nielle's POV na to!!

-----------------------------------------------------------------------------

"GoodMorning, let the stress begin."

~Aviana Nielle Young

---------------

 (Nielle's POV)

Ang busy na namin magkakaibigan. Kaya, to the rescue ako! Inakit ko sila na mamasyal with me. Dyan lang oh sa tabi-tabi. Joke. Sa Park. Para fresh ang air. Habang naglalakad kami ni Yan at Wely, biglang may lumapit samin na mga Dwarfs ni Cinderella at nanlimos. Huh? Bakit nanlilimos sila?

"Ate ganda palimos po. Kahapon pa po kami ng mga kapatid ko hindi nakain. Gutom na gutom na po kami..." Pagmamakaawa nila. Kawawa naman. Feeling ko ako si Cinderella. Teka, Tama! Hindi kaya ako nga si Cinderella tapos sila yung dwarfs ko?

"Dopey?" Tinuro ko yung pinakadulo na dwarf.

"Happy?" Tinuro ko yung katabi ni Dopey.

"Sleepy?" Tinuro ko yung katabi ni Happy.

"Sneezy?" Tinuro ko yung Katabi ni Sleepy.

"Grumpy?" Tinuro ko yung katabi ni Sneezy.

"Doc?" Tinuro ko yung katabi ni Grumpy.

"Bashful?" Tinuro ko yung katabi ni Doc.

"Cinderella?" Tinuro ko yung sarili ko. Tapos bigla akong hinampas ni Wely sa ulo.

"Sira ka talaga, walang Dwarf si Cinderella. Si Sleeping Beauty ang meron." Nag nod ako. Biglang hinampas ni Yan si Wely sa ulo. Ano ba to, hampasan? Yehey I like it. Kaya hinampas ko si Yan sa ulo. Hinampas naman ni Yan si Wely. Tapos hinampas ako ni Wely kaya hinampas ko si Yan. Tapos naghampasan kami habang natawa at naiwas sa mga binibigay namin na hampas sa isa't-isa.

"Excuse me, can you please stop what you're doing pretty ladies? We're still here begging oh." Napanganga kami sa sinabi ni Dopey. As in wow. Nosebleed ako.

"Yeah right. I'm so hungry na. Just tell us if you're going to give us or not so we can alis alis na because our time is sayang." Sabi naman ni Happy.

"I agree. And I'm busy pa oh. I have schedule pa to attend." Sabi naman ni Sleepy. Kaya lalo kami napanganga nila Yan at Wely

"So can you make bilis?" Si Sneezy naman yung nagsalita. Grabe, nganga na nganga na kami dito. Malapit na mapuno ng langaw yung bunganga ko.

"S-sorry." Sabi ni Wely tapos agad na kumuha si Wely ng 100 pesos na buo at binigay ito kay Grumpy. Tiningnan muna ito ni Grumpy.

"Is this true? Not peke?" Tanong ni Grumpy. Nag nod lang si Wely. Pinasa ni Grumpy yung 100 pesos kay Doc at si Doc naman yung tumingin sa 100 pesos.

"Cheap. You're so kuripot." Sabi ni Doc tapos pinasa nya kay Bashful.

"Oh well, Thanks na din kahit cheap kayo. Siguro mapagtitiisan na namin kahit papano itong 100 pesos. Tsk. C'mon Boys. Let's Beg nalang sa iba. Yung rich at hindi kuripot." Parinig ni Bashful sa amin at umalis na habang kami, iniwan na nakanganga at hindi makapaniwala. Nanlilimos ba talaga yung mga yun? Bakit ang galing mag English? Ganun na ba talaga ngayon ang mga kabataan? 

Nagutom kami gawa nung Dwarfs kaya kumain kami sa Restaurant na malapit lang dito sa Park.

Pumasok na kami sa loob. Pinagbuksan kami ng Guard syempre naman. Tapos may sumundo samin at hinatid kami sa table namin. Umupo na si Wely at Yan, uupo palang ako ng bigla akong napadulas at napabagsak. Napatayo agad sila Yan.

Twist of Lovers ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon