CHAPTER 18: Yes Oh No!

339 74 16
                                    

"Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa ang naisipan kong tawagan kagabi, Eh alam ko namang wala kang masasagot na matino. Hahaha!" Andito kami ngayon sa Canteen. Break time kaya ayun, Pabusog muna.

"Haha! Aba! Taka ako sayo Wely. Alam mo namang may sapak parati yang si Nielle. Bwahahaha!" Wala akong katabi. Nasa tapat ko Si Nielle at Yan.

"Hoy! Hoy! Pinagtutulungan nyo nanaman ako! Baka nakakalimutan nyo, Top 1 lang naman ako sa mga subject ko." Tapos sumubo si Nielle nung pagkain nya.

"Wew. Rank lang yun! Hahah! Pero pag kinausap ka na sa personal, Hindi halatang Top 1 ka! bwahaha!" Hampas hampas ni Yan yung walang kamalay-malay na lamesa.

"Hahah-" "Excuse me?" Kasalukuyan namang nandito kami sa Canteen at nag uusap tungkol sa nangyari sakin kagabi nang biglang may sumangat sa usapan namin kaya napatingin kami sa nagsalita.

"Louella?"  Ha? Sino sya? Kilala ni Nielle. Hmm.. Maganda, Morena at siguro mga 5'4 ang height nya.

"Nielle? Nielle!" At dali-daling naglakad yung babae papunta sa pwesto ni Nielle, Si Nielle naman, Tumayo at nag embrace sila.

"Wui kamusta ka na? HB ka parin? " Sangat agad ni Nielle pagka kalas nila.

"HB?" Anung HB? Hindi ko din alam yun ah. Si Nielle talaga. Nakatayo parin yung Louella sa may tagiliran namin pero mas malapit kay Nielle.

"Heart Broken! Haha!"

"Hoy hindi na nuh! Naka move on na ko." Tapos Binelatan nya si Nielle.

"Sige.. Sabi mo eh." Si Nielle naman yung Bumelat.

"Ay! Nga pala, Ba't ka andito? May kailangan ka?"

"Tatanong ko sana kung pwede maki-share ng table. Wala na kasing bakante." Tinuro nya yung upuan na katabi ko.

"Sure!" Sabay naming sabi ni Yan.

Kwentuhan lang hanggang sa nakilala na namin sya. Nakwento din nya sa amin yung tngkol sa ex nya. Hay~ Ang sama ng ugali! At ang pangalan? RAINIEL! Sakto diba? Paano kaya kung yung Rainiel na tinutukoy nya ay yung Rainiel na kilala ko? Hay~ Ang sasama talaga ng ugali ng mga Rainiel ang pangalan. Hindi nya sinabi ang Fullname kaya hindi na namin sya pinilit, Privacy na din naman nya yun. Pagkatapos ko kumain, Nagpaalam na ako at nauna dahil baka malate pa ako. sa kabilang buildng pa naman yung next class ko. Ang pinaka ayaw kong subject, Ang P.E.! Magsasayaw nanaman ng Waltz!

------------

Naglalakad na ako papuntang Gym. Dun kasi kami mag pra-practice, Ng sakto namang nahulog yung mga libro ko kaya lumuhod ako at pinulot. Pagtanggal ko nung isang libro, May nakita akong sticker. Nakita ko yung Full name ko sa heart shape sticker na yun at kasunod ng sticker na yun ay mga arrow sticker. Arrow sticker na may mga totoong Petals ng Red Rose. Hindi ko alam kung saan patungo yun, Hindi ko nga din alam kung bakit ko sinusundan yung mga arrow na yun. Sumunod lang ako sa direksyon na tinuturo ng mga sticker hanggang sa nawala ang mga ito. Dun ko lang napansin na nasa isang Room na pala ako sa likod ng Covered Court. Inuli ko ang aking mga mata sa room, Ang daming tao. Puno ng Petals ang floor at may mga Balloons pa na nakasabit at nakalipad. Isang word lang kaya ko nang I-describe. EFFORT. At isang tanong lang din ang nasa isip ko, Sino naman ang malakas ang loob na gagawa nito para sa akin?

 Nagising nalang ako sa reality ng maramdaman kong bumigat yung left kong kamay. At pagtingin ko, May POSAS! Tiningnan ko ng dahan-dahan kung nasaan yung kabiyak, Kay.. RAINIEL! At nakangiti pa.

"Tanggalin mo to!" Gigil na sabi ko sa kanya habang kapit ko gamit ng right kong kamay yung Collar ng polo nya.

"Mahiya ka nga sa balat mo. Ang daming tao oh. Para kang Lesbian kung kumilos." Pagkatapos nyang sabihin yung mga yun, Ay agad ko syang sinuntok. Lesbian pala ha. At agad naman nyang  kinapitan yung parte kung saan ko sya sinuntok.

Twist of Lovers ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon