PROLOGUE

91.7K 1.6K 16
                                    

❗️This story po ay first person point of view. Iba ito sa nakasanayan kong 3rd person POV na way sa pagsusulat. Anyway, enjoy reading!

▪️Again, kung may maling grammars, punctuation, spellings, loopholes, wrong informations please paki comment po sa baba. Thank you po!
▪️◼️▪️◼️▪️◼️▪️◼️▪️◼️▪️◼️▪️◼️▪️◼️▪️

Arthur's POV

"Art, it's too early to hit home! The party is still on! C'mon, Man!"

Natigil ako sa pagbubukas ng kotse nang marinig ang pagtawag sa akin ng kaibigan kong si Leo. Nasa isang Club House ang aming buong barkada. Umiinom, nagpapa-cute sa mga chicks at gumo-goodtime—typical na trip ng mga teenagers.

Alas onse na ng gabi. Ang isang dise sais años na binatilyong katulad ko, menor de edad, ay hindi dapat tumatambay sa isang Club House. Mangilan-ngilan lamg sa amin, lalo na iyong lider ng fraternity na sinalihan ko, ang nasa tamang edad. Sila ang kumuntsaba at nag-tip sa mga security guards upang makapasok kami sa Club House. Halos lahat kami ay nanggaling sa kilalang pamilya kaya malalakas ang loob naming manuhol o manindak ng mga security guards.

Hindi rin naman halata sa hitsura ko na menor de edad pa lamang ako. Malaki at matangkad akong binata, mga nasa 5'8. Tatangkad pa daw ako lalo kapag tumuntong na ako sa tamang edad. Hindi rin ako baby face kagaya ng iba sa amin. Matapang ang hitsura ko at mukhang aristocrat kagaya ng aking Papa.

"Brod, pasensiya na. I really need to go. Baka masabon na naman ako ni erpats!" dahilan ko, kamot ang ulo.

"Ano ka ba naman, Art? Ilang beses mo nang ginawa 'to! Umuwi ka na nga nang lasing sa mansyon ninyo at nahuli ng ermats mong nakipag-s*x sa girlfriend mo, 'di ba? Ngayon ka pa ba matatakot?"

Napabuntong hininga ako. Mahirap ipaliwanag kay Leo na binigyan na ako ng ultimatum ni Papa. Last week kasi ay napasubo kami ng barkada sa gulo at nahuli ng mga pulis. Galit na galit ang Papa ko nang malaman niya ang nangyari. Ayaw pa nga niya akong piyensahan para daw magtanda ako. Kung hindi sa pagmamakaawa ng aking Mama ay hindi ako mapipiyensahan.

Nakakahiya raw ako sabi ng aking Papa. Kinaladkad ko raw sa putik ang malinis nilang pangalan. Kilala kasi sa bayan namin ang aking mga magulang. Ang Papa kong si Don Agustos Alarcon ay isang kilalang business tycoon. Ang aking Mama naman na si Armanda Alarcon ay isang doktor. Nagmamay-ari ang pamilya ko ng isang napakalaking Tertiary Hospital.

At hindi lang basta-bastang ospital iyon. Isa iyong Medical City kung saan limang ospital ang bumubuo ng isang napakalaking pagamutan. At ang inaasahang magmamana ng lahat ng iyon ay ako at ang apat ko pang mga nakababatang kapatid. Hindi itinatago ng Papa ko ang pagkadismaya sa ipinapakita kong katigasan ng ulo at pagbabarkada. Ako raw ang inaasahan niyang papalit sa posisyon niya lalo pa at ako ang panganay.

Ayos lang naman sa akin magmana ng kung anong gusto n'yang ipamana, kaso masyadong mataas ang standards ng mga magulang ko. Matataas ang marka ko sa Unibersidad na pinapasukan ngunt hindi pa kontento si Papa. Gusto niya ay ako ang manguna sa buong eskuwelahan at magagawa ko lang daw iyon kapag pumirmi ako lagi sa bahay at mag-aral.
Napakimposible naman n'on! Buti sana kung tatay ko si Einstein!

Hindi ako bobo, sadyang napakatamad lang mag-aral. Kahit ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig, isa pa rin akong typical na teenager na sakit ng ulo ng mga magulang. Nasa stage ako ngayon ng buhay ko kung saan kasagsagan ng aking curiosity at pagiging adventurous. Ayaw kong sumunod sa mga letcheng rules!

Nakahiligan ko na ang gumala tuwing gabi upang sumama sa barkada. Kaliwa't kanan ang mga girlfriends ko at natuto ako nang iba't ibang mga bisyo, except drugs. Malimit ko ring sinusuway ang mga teachers ko kaya lagi akong napapatawag sa Principal's Office. Ngunit noong isang araw, nakaramdam na ako ng takot nang marinig ang ultimatom sa akin ni Papa.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon