Chapter 30

45.7K 947 16
                                    

Esmeralda's POV

"Who are you?"

Natigilan ako nang mabungaran ang isang sopistikadang babae sa labas ng gate ng mansion habang hawak si Ella. Medyo late na ako upang sunduin si Ella dahil tinapos ko pa ang mga gawaing bahay bago nagpasiyang puntahan ang bata sa eskuwelahan. Kung kailan ako paalis ay sakto namang tumunog ang doorbell.

Sa pagkakatanda ko ay siya ang nakaalitan noon ni Dr. Arthur sa party na pinuntahan namin. Si Brenda, ang kapatid ni Margareth.
Napilitan akong maglahad ng kamay sa kanya.

"Ako po si Emee, yaya ni Ella."

Tinanggal niya ang suot na shades at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Are you sure you're a nanny?" taas kilay niyang tanong sa akin.

Tumango ako. "Opo. Yaya po ako ni Ella."

Nagdududang pinag-aralan niya ang aking mukha. Ngumiti siya na tila may ibig ipakahulugan.
"You don't look like a nanny. You can pass as a mistress."

Napatda ako sa walang pasintabi niyang bibig. Technically ay totoo ang sinabi niya, na mistress ako. Tanggap ko 'yon. Pero kung tatanungin si Dr. Arthur ay baka hindi niya ako itinuturing na mistress. At least ang mistress, may ine-invest na feelings ang lalaki sa babae. Samantalang ako ay hindi alam kung anong label ng relasyon namin, kung relasyon ngang matatawag iyon.
Pinili kong huwag sumagot bagkus ay kinuha si Ella mula sa pagkakahawak niya.

"Maraming salamat po sa pagsundo kay Ella. May kailangan pa po ba kayo?"

Ayaw kong magmukhang bastos pero hindi ako mapalagay sa kanya. Wala rin naman ang mga bata at si Dr. Arthur sa loob kaya hindi ko sigurado kung gusto niyang tumuloy.

Humalukipkip siya. "My, my, my...a nanny that is acting like a mistress—"

"What's a mistress, Tita Brenda?" sabat ni Ella.

Napilitan akong takpan ang dalawang tenga ni Ella. Alam kong huli na dahil narinig na ng bata pero hindi pa rin magandang nakikinig ang bata sa usapan ng matatanda.


"Please, Madam, kung wala na po kayong kailangan, makakaalis na po kayo."
Kabilin-bilinan ni Dr. Arthur sa akin na huwag magpapapasok nang kahit sino sa bahay lalo pa at hindi ko raw kilala. Hindi alam ni Brenda na kilala ko siya kaya puwede ko siyang paalisin.

"Pinapalayas mo ako sa mismong bahay ng kapatid ko? You've got some attitude, considering you're just a nanny. Kung nanny ka nga ba talaga," malditang sabi niya.


Siya nga itong may attitude.

"Yaya, she's my Tita Brenda, sister siya ng Mommy ko. She's nice naman, eh. Papasukin mo na siya," pakiusap sa akin ni Ella.

Alam ko, Baby, kaso hindi ako komportable sa kanya. Baka mabisto niya ako!

Napakagat labi ako. Napilitan akong luwangan ang pinto ng gate. Dire-diretso naman siyang pumasok na tila pag-aari ang bahay. Sumunod kami ni Ella. Napilitan akong samahan umakyat si Ella at patulugin sa taas.

Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ng tiyahin niya dito sa mansion. Baka kung ano-anong masasamang salita ang lumabas sa bibig niya at marinig pa ng bata. Matapos patulugin si Ella ay napilitan akong bumaba. Agad ko namang namataan si Brenda sa sala at prenteng nakaupo habang pinagmamasdan ang galaw ko.

My god! Napaka-intimidating niya!

Hindi ako basta-basta naiintimidate sa tao pero kay Brenda ay parang ganoon ang pakiramdam ko. Marahil nangangamba akong sa isang maling kilos ko lang ay baka mabisto niya ako. Ganoon yata 'yon. Mabuti pang iwasan ko na lang siya. Akmang lalagpasan ko siya papuntang kusina nang tawagin niya ako.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon