Chapter 10

43K 1.1K 26
                                    

Esmeralda's POV

🎶 "I found a love for me...
darling just dive right in, follow my lead" 🎶

Maganda ang gising ko kahit pa napuyat ako kagabi. Napapangiti ako habang naaalala ang ginawang pagmasahe ko kay Dr. Arthur. Kinikilig ako na ewan. Para akong tanga. Parang may pakpak ang mga paa ko na lumilipad habang naglalakad. Hindi rin mabura ang nakapaskil kong mga ngiti. Inspiradong-inspirado ako. Feel na feel kong kumanta.

"I didn't know your voice sounds so lovely, Yaya," komento ni Ella habang nakaupo sa silyang malapit sa mesa at hinihintay ang mga kapatid at Daddy niya na bumaba para mag-agahan.


Napabungisngis ako. Actually ay mahilig akong kumanta ngunit nahihiya akong iparinig iyon sa iba. Hindi ako confident sa boses ko. At dahil sa komento ni Ella, pumalo na ang confidence ko.

Kumanta uli ako.
🎶 "Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms—"🎶

"Shut up, Emee!"


Napalingon ako sa nagsalita. Si Joey. Nakabusangot na naman ang mukha niya habang hinihila ang upuan upang umupo. Si Sookie ay tahimik lang na umupo habang nakatingin sa hawak na maliit na pink mirror.

"Good morning, Princesses!" nakangiting bati ko sa kanila.


"Did you fix my MacBook yet?" nakasimangot na tanong ni Joey.


"Opo, your majesty! Puwede na po nating gawin ang reports ninyo mamayang gabi," nakangiting sagot ko.


"Good," bulong niya habang kumukuha ng pagkain.

"Don't eat yet! Wait for Daddy!" saway ni Sookie kay Joey.


"I'm hungry! Why don't you wait for him instead?" masungit na sagot ni Joey.


Napatingin tuloy ako sa may hagdanan. Hindi pa rin bumababa si Dr. Arthur. Gising na kaya siya? Napuyat din siya kagabing katulad ko. Nang ilang minuto pa at hindi pa rin siya bumababa ay nagpasiya na akong puntahan siya sa kuwarto. Naghanda muna ako ng agahan sa isang tray upang dalhin iyon sa silid ni Dr. Arthur.

Breakfast in bed for the one I love.

Alas sais y media na, male-late na siya kung hindi pa siya gigising.


"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Joey sa akin habang nakatingin sa dala kong tray.


"In your Daddy's room," nakangiting sagot ko.


Nanlaki ang mga mata nila ni Sookie.

"You dare not enter the beast's den!" eksaheradong babala ni Joey.

"If I were you, Yaya Emee, just wait for Daddy to come down rather than waking him up. He hates people who invades his privacy. Daddy's scary when he's mad, sige ka!" pananakot ni Sookie.

Napangiti ako. I'm not afraid of him. I've seen his beast modes a thousand times!
"Hindi ba kayo nag-aalalang binangungot na siya roon kaya hindi siya nagising?"

Nagtinginan ang dalawa saka sabay na bumunghalit ng tawa.
"Gosh, Emee, you're such a weirdo. Nightmare wont kill Daddy. Baka nga takot pa ang nightmare sa kanya!" natatawang sabi ni Joey habang nakipag-high five kay Sookie.

Iiling-iling na lang ako sa kapilyahan ng dalawa at iniwan sila sa dining area. Umakyat na ako papunta sa Master's Bedroom.
Kinatok ko nang mahina ang pinto ng silid ni Dr. Arthur.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon