Chapter 23

44.5K 1K 11
                                    

Esmeralda's POV

Nakapagpasiya akong umalis kahit masakit sa loob ko pero kakausapin ko siyang maghanap muna ng kapalit ko dahil kawawa ang mga bata kapag walang mag-aasikaso sa kanila. Lalo na si Ella. Masyadong sinaktan ni Dr. Arthur ang damdamin ko at hindi ko na kakayanin pang makita o makasama siya sa iisang bubong dahil lalo lamang akong mahihirapan.

Nag-eempake na ako ng mga gamit at nakipag-usap na ako kay Karla sa cellphone upang magkita kami kinabukasan. Panay ang hingi niya ng paumanhin sa akin kahit hindi naman siya ang may kasalanan. Ang may kasalanan ay walang iba kundi ako...dahil desisyon ko ang lahat ng iyon, hindi ni Karla, hindi ni Dr. Arthur.

Mahal ko pa rin ang manggagamot, hindi naman agad mawawala iyon kahit sinaktan niya ako. Nagising lang ako sa katotohanang bato siya at wala nang pag-asang magbago pa. Matigas ang loob ni Dr. Arthur, walang makakapagbago ng desisyon niya. At isa sa mga desisyong iyon ay dispatsahin ako matapos niyang magpaka ligaya sa katawan ko.

Nang-maisara ko ang zipper ng aking maleta ay nakarinig ako ng katok sa may pintuan. Tumayo ako at binuksan iyon. Natigilan ako nang makita sa labas ng pintuan si Dr. Arthur habang nakapamulsa. Tumingin siya sa mga mata ko pagkatapos ay idinako sa aking likuran. Kapagkuwan ay ibinalik niya ang mga tingin sa akin.


"So, you decided to leave," seryoso niyang saad. Malamang ay nakita niya ang maleta sa loob ng kuwarto dahil nahulaan niya agad ang aking desisyon.


"Oo. P-pero hindi pa sa ngayon. H-hihintayin kong makahanap ka ng ibang yaya b-bago ako umalis. K-kawawa ang mga bata kapag walang nag-asikaso sa kanila."
Nasurpresa ako dahil bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harapan niya.

Matagal niya akong tinitigan. Naghatid na naman iyon nang malakas na kabog sa aking puso. Hindi na kailanman yata mawawala ang epekto ng manggagamot sa akin kahit ilang beses niya akong saktan.
Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.

"Thanks for the concern with the...kids. I'll double your salar—"

"Hindi na kailangan," mabilis kong putol sa sasabihin niya. Hindi ko pinapabayaran ang dangal at serbisyo ko. Lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob ko sa kanya. Ano ba tingin niya sa akin, mukhang pera?

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Kumunot ang kanyang noo.
"Why are you so arrogant, Emee? We both know you came here for money," sarkastikong sabi niya.

Pera? Kung puwede ko lang isampal sa 'yo ang kayamanan ko, ginawa ko na! Pero hindi ako ganoong klaseng tao.

Nagtimpi na naman ako. Pinakalama ko ang aking sarili. Nagpasiya akong sundin na lang gusto niya dahil hindi siya magpapatalo. Hahaba pa ang diskusyon.

"Bahala kayo. Gawin n'yo ang gusto n'yo..." lumabas ako ng pintuan na siyang nagpaatras sa kanya, "Maiwan ko na kayo, aasikasuhin ko pa po ang mga anak n'yo," sabi ko bago siya nilampasan at nagtuloy-tuloy na naglakad pababa ng hagdanan.

Mabilis kong inayos ang mesa at naghain ng agahan para sa mga bata. Walang ideya ang mga ito sa nangyayari sa amin ng kanilang ama. Si Ella ay tahimik lang na kumakain samantalang sina Joey at Sookie ay palihim na tinitingnan ako. Palagay ko'y may balak sabihin sa akin ang dalawang bata kaso mukhang nag-aalangan.

Tatanungin ko sana sila ngunit sakto namang nakababa ang kanilang ama at lumapit na sa hapag. Hindi na ako nag-usisa pa at nagpatuloy lang sa pag-aasikaso kay Ella.
Si Dr. Arthur ay tahimik at seryosong umupo sa upuan at kumain. Nangangalahati na sila sa agahan nang biglang magsalita si Joey.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon