Chapter 11

42.1K 1K 6
                                    

Esmeralda's POV

"I don't like your template design! It looks so colorful and lively!"

Napapakamot na lang ako ng ulo kay Joey habang ginagawa namin ang kanyang report. Isang Power Point presentation pala ang gusto niyang gawin kaya nag-download ako ng template design sa internet. Ilang beses kami nagpalit ng templates dahil marami siyang ayaw.

Kesyo ayaw niya ng pink na background o may design. Para sa akin, importanteng pagandahin ang presentation dahil magbabase din ang mga instructors sa kung gaano kaganda at kapresentable ang gawa ng isang reporter. Hindi ako makausad sa paggawa ng reports niya dahil sa templates pa lang, hindi na kami magkasundo.

"Ano ba suggestion mo?" sa halip ay tanong ko sa kanya.

"I don't want a colorful template, it's so baduy. Put a dark, monotone template. I like it simple," aniya.


"Pero boring kasi ang topic ng report mo, Joey. It's about economics. Who would like to listen to a rise and fall of an economy, right? It would be better if you set an attractive and bright templates para naman maengganyo ang mga listeners mo na makinig sa 'yo. A boring topic with a dull theme presentation won't help. Iyon, e, suggestion ko lang naman," sabi ko sa kanya.


Natahimik siya saka nag-isip.
"It's not in my character to use a bright presentation, you know. And besides, no one would listen to me even if you put all the colors of the rainbow there! They hate my guts!"

Napatingin ako kay Joey dahil sa sinabi niya. May pinaghuhugutan ang bata base sa opinion na lumalabas sa bibig niya. Malamang ay binubully siya o iniiwasan sa school. Nakakalungkot dahil wala siyang nanay na handang makinig sa mga sentemyento niya habang lumalaki. Idagdag pang lagi silang nag-aaway ng Daddy niya. Kaya siguro maangas siya sa ibang tao.

"They would listen to you because you are a smart girl, Joey. And besides, you worked hard for this report, show them all that this is something special that they need to listen to."

"They won't. I know them," pambabalewala niya sa sinabi ko.

Tumigil ako sa pagtipa at hinarap siya.
"Huwag kang panghinaan ng loob. Magaling ka. I-prove mo 'yan sa kanila. Ang ganda-ganda mo pa. Kamukhang-kamukha mo si Dr. Arthur!"


Umingos siya. "Of course not! I look like Mommy 'no! She's the only one who loves me anyway. My Dad hates me too."


Natigilan ako sa sinabi niya lalo pa't namataan ko si Dr. Arthur na nakahalukipkip na nakasandal sa bukana ng pintuan at nakikinig sa amin. Nakatalikod si Joey sa kanya kaya hindi niya napansin ang ama.

Mukhang hindi inaasahan ni Dr. Arthur ang narinig sa bibig ng anak kaya parang natigilan din ito habang nakatingin sa likod ni Joey. Gusto ko siyang aluin, na hindi dapat siya mag-alala dahil napalaki naman niya nang tama ang mga anak niya. May mga anak lang talaga na medyo malayo ang loob sa mga magulang pero hindi ibig sabihin n'on na hindi na nila mahal ang mga magulang nila.

Minabuti kong ibalik ang atensyon sa laptop. Ilang saglit pa ay lumingon ulit ako sa may pintuan. Nalungkot ako nang makitang wala na si Dr. Arthur doon. Nasaktan kaya siya sa sinabi ni Joey? Sana naman hindi siya nagdamdam. Masyado na siyang maraming iniisip. Naaawa na ako sa kanya. Hindi madali magpatakbo ng isang malaking ospital at magpalaki ng tatlong mga anak. Kung sana'y may maitutulong ako sa kanya.

~~~~~~(•_•)~~~~~~

Arthur's POV

I couldn't get rid of Joey's hurtful words against me. Hindi ko raw siya mahal at ang Mommy lang niya ang nagmamahal sa kanya. It made me hurt. I am not a typical person who easily get emotionally affected. However, when it comes to my children, I easily get heartbroken.

Bato akong tao. Hindi ako madaling maawa, magmahal o masaktan. I even thought I have completely forgotten how to feel anything ever since Margareth died. The only people who can easily break my wall are my children. No one else. I felt like I was stabbed directly in the heart to hear that Josefina hated me. I was aware of it ever since her mom died. She blew all the blame on me...that I killed her own mother.

She was not the only one who feel a lot of pain, I was broken too. More than her. But I kept my silence and continued to act brave, pretending everything's going to be all right. Because they need me, my children and the whole hospital needs me. If I fall down, everything will break apart. I need to become stiff and strong. I couldn't let any feelings affect the strong walls I built. It has to be like that.


"Hey, bro! What's up?"

Naputol ako sa malalim na iniisip nang marinig ang mahinang pagsiko sa akin ni Archimedes, pangatlo sa nakababata kong kapatid at siyang Medical Director ngayon ng buong ospital. Ngingiti-ngiti siya habang nakatingin sa akin.

Nasa isang Board Meeting kami. Nagpaplano kaming magtayo pa ng isang center sa ospital, isang Rehabilitation Center, kung saan magfo-follow up lahat ang mga pasyente naming na-stroke, mga paralytic, mga may Cerebral Palsy at mga pasyenteng may problema sa pagkilos.

We will hire world class Physical Therapists, Occupational Therapist and expert doctors. We will import high quality and efficient machines and equipments for the said center.
Layunin ng center na tulungan ang mga pasyenteng nahirapan na sa pagkilos matapos dapuan ng matinding karamdaman o nadisgrasya at natamaan ang spinal cords na naging mitsa ng pagiging paralisado nila. Our aim is to offer the best and excellent rehabilitative care in the whole nation.

"Listen to the presentation, Dr. Arc," paggalit kong sabi sa kanya.

Natawa siya nang mahina, tila nang-aasar.
"Look who's talking! The CEO is not even paying attention too," pang-aalaska niya sa akin.

I glared at him. He chuckled amusingly. Nagtinginan lahat ng mga Board Members sa amin pati na rin ang iba pa naming mga kapatid. Sinipa ko nang malakas ang kanyang paa sa ilalim ng upuan. Tumigil na siya sa pagtawa ngunit nakangisi naman. Ang sarap sapakin ng pagmumuka ng herodes.

I used to beat up his fuckin' ass when we were still young, including Achilles. Puro kalokohan at pambababae lang kasi ang inaatupag ng dalawa. Even when they grew up, they're still hard headed and naughty. Breaking women's heart and sex are their hobbies. They think they are God's gift to women. What a pain! Nakakahiya, mga propesyunal na doktor na naturingan!

I wonder when will they get serious?
They're not just doctors, they're businessmen for fuck's sake!

"What are you thinking, Bro? Don't tell me, a girl?" patuloy na panunudyo ng kumag.


Yeah, a girl! Her name is Maria Josefina, your niece!

Hindi ako sumagot at nagkunwaring nakikinig sa presentasyon sa harapan ko. Nagre-report ang isa sa mga Senior Executives ng ospital  tungkol sa pinaplano naming pagpapatayo ng center.

"Bro, I can give you a woman if you want. No strings attached. Just to warm your bed. She's pretty, sinfully sexy and with a huge, nice ass!" hirit na naman ni Archimedes.

Sa buwesit ko ay sinuntok ko siya nang mahina sa balikat habang nakatutok ang lahat sa harapan. Nasapo niya ang nasaktang balikat at namilipit sa sakit. Napangiti ako nang lihim. Buti nga sa sira ulo!
Malalaki at matatangkad kaming mga lalaki. Hindi rin biro ang pagsasanay namin sa martial arts kaya kapag nanuntok kami, talagang nuot hanggang buto ang sakit.

"Be serious, Dr. Archimedes," seryosong bulong ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at hinimas ang nasaktang balikat. Nakita ko pa ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata niya, tanda na napuruhan siya nang malaki sa suntok ko.

Gusto kong maawa pero nagsawalang kibo ako. Namimihasa na siya. Dinadala niya ang kalokohan sa trabaho. Kasalanan ko rin ang lahat, inispoil ko ang mga kapatid ko habang lumalaki sila.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon