Chapter 37

53.2K 1.1K 178
                                    

Arthur's POV

"Can I talk to you if you don't mind?"

Nabitin sa ere ang pagsimsim ko ng alak nang marinig ang boses ni Joey sa aking tabi. Agad na ibinaba ko ang kopita ng alak sa bar counter at napatingin sa direksyon niya. Hindi nga ako nagkakamali, si Joey nga ang kumakausap sa akin.

Balak ko sanang itago ang alak upang hindi niya makita ngunit para saan pa? Nakita na niya ako. Kaya sinasadya kong magpakalunod sa alak nang dis oras ng gabi dahil alam kong tulog na ang mga bata at hindi nila ako makikita. Pero bakit gising pa ang batang 'to sa mga oras na ito? At nakahalukipkip pang nakaharap sa akin. Dinaig pa ang nanay ko.

"It's late. Why don't we talk tomorrow?" tugon ko sa kanya.

"No, I want to talk to you now! As in now!" matigas niyang sagot.

Lihim akong napapangiti sa katigasan ng ulo ng anak ko. Para akong humaharap sa sarili ko noong teenage years ko. Kahit baliktarin ang mundo, hindi maipagkakailang anak ko siya.

"What do you want?"  tanong ko.

Sumampa siya sa bar stool at umupo saka humalukipkip. Seryoso ang kanyang anyo. Saka ko lang napansin na tumatangkad na si Joey. Kapantay na niya ang mga balikat ko.

"Can I talk to you seriously and honestly? And I want you to listen to me and don't you ever argue with me, is that possible?" muli niyang saad.

Napasandal ako sa sandalan ng stool at humalukipkip rin. Ito ang unang pagkakataon simula noong mamatay ang kanyang ina na kinausap niya ako nang ganito. She barely talk to me intently. Whenever I tried reaching out to her, she's always giving me a glaring look. It's as if I am off limits to her personal space.

Anong nakain ng batang 'to at biglang gustong makipag-usap nang masinsinan sa akin?

"I am all ears," sagot ko.

Tumikhim pa siya bago nagsalita.
"I want you to rape Emee."

Muntik na akong malaglag sa upuan sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig ko? Sinubukan kong magpakahinahon. Baka mali lang ang dinig ko. Hindi magagawang sabihin sa akin 'yon ni Joey.


"Say what?" mahinahon kong tanong sa kanya.

"You heard me right, Dad. Rape Emee or better yet, marry her! Do something to make her stay in this house!"

Napamaang ako sa pinagsasasabi ni Joey. Kinse años na dalagita ba talaga ang kausap ko? What on earth happened to the kids of this generation?

"Do you understand what you're trying to make me do, Joey?"

Tila nainis pa siya sa isinagot ko.

"Dont play like you're an innocent man, Dad, because I wont buy that crap! We both know you and Emee had something going on between the two of you. I saw you kissed on our Family Day and I always caught you going to her room at night!"

Nanlaki ang mga mata ko. Ang salitang gulat ay kulang para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Para akong tinamaan ng kidlat at nakuryente sa mga salitang lumalabas sa bibig ng anak ko. Hindi ako makapag-react habang nakatingin sa nang-aakusang mukha ni Joey. Naalala ko tuloy ang aking Mama noong nahuli niya akong nagdala ng babae sa loob ng kwarto ko noong teenager pa lamang ako.

"I don't want to hear your explanation, Dad, because I perfectly understand. You were attracted to Emee and that's reasonable because she's very nice and pretty. I dont care if she's a nanny. That is a decent job. Me, Sookie and Ella have seriously talked about this and we have arrived to a conclusion that we want her to be our new Mommy. You have our full support," patuloy niya pa na tila pinapalakas ang loob ko.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon