Chapter 12

42.6K 1K 20
                                    

Esmeralda's POV

Namamangha pa rin ako habang pinagmamasdan ang buong ospital ng Sacred Heart. Parang kailan lang nang maadmit ako roon. Parang kailan lang din nang una kong makilala si Dr. Arthur.

Nagpunta kami ni Ella sa ospital dahil nag-usap kami ni Karla na magkikita roon. Katatapos lang ng mga lessons ni Ella sa isang Special Institute for the blind. May ipinabili kasi ako kay Karla na mga gamit sa katawan na hindi basta-basta nabibili sa mall. Medyo mamahalin kasi ang mga iyon kaya hindi puwedeng makita ng iba at magtaka pa.

Bitbit ko ang isang basket na naglalaman ng niluto kong mga empanada. Gusto kong hatdan si Dr. Arthur para naman may makain siya. Minsan kasi, sa sobrang busy, nakakaligtaan na niya ang kumain. Nag-aalala na ako sa kalusugan niya. Inspired na inspired pa naman ako sa pagluluto ng mga empanada dahil alam kong siya ang kakain.

Nagningning ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na bulto ng lalaking naglalakad sa may Main Lobby ng ospital habang may kausap na dalawang mga naguguwapuhan ding mga doktor.
Base sa pagkakahawig ng mga hitsura nila, nahuhulaan ko na na mga kapatid ni Dr. Arthur ang mga lalaki. Mukhang may importanteng pinag-uusapan ang mga ito habang naglalakad.

Agad kong hinila si Ella para lumapit sa Daddy niya.
"Dr. Arthur, good afternoon!"
Abot hanggang tenga ang ngiti ko habang sinasalubong namin ang manggagamot.


Imbes na matuwa ay nagsalubong na naman ang mga kilay niya nang makita ako.
"What the hell are you doing here?" tanong niya sa medyo mataas na tono.

Natigilan ako, napahiya. Nagtinginan din ang mga kapatid niya.

"Kuya, that's not the proper way to greet a beautiful lady!" sabat ng isa sa mga kapatid niya na nahuhulaan ko na kung sino, ang playboy na si Dr. Archimedes.
Naglahad siya ng kamay sa akin.


"Hi, I'm Dr. Archimedes Alarcon, the Medical Director of this hospital. May I know your name, beautiful lady?"

Nambobola ba ito o ano? Buhaghag ang buhok at may braces ang ngipin, beautiful lady?

Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni Dr. Archimedes. Nag-aalangang tinanggap ko ang kamay niya.
"I'm Emee, yaya ni Ella. A pleasure to meet you, Sir," nahihiya kong pakilala sa sarili.


Namilog ang mga mata ko nang dalhin niya ang kamay ko sa mga labi niya saka iyon dinampian ng halik. Namula ang mga pisngi ko sa ginawa niya lalo pa at titig na titig siya sa mga mata ko. Iyon pala ang tinatawag nilang "kamandag ng mga Alarcon". Kapag wala ka talagang pananggalang ay maapektohan ka sa kakisigan at kaguwapuhan ng magkakapatid.

Agad kong binawi ang kamay saka hinarap uli si Dr. Arthur. Gwapo silang lahat pero ang kamandag niya lang talaga ang tumalab sa akin. Siya pa rin ang pinakaguwapo sa paningin ko kahit siya ang pinakamasungit at pinakamabagsik sa lahat.


"What are you doing here? Why did you bring Ella? Shouldn't you be in the house to help Manang Dalya do the chores?" sunod-sunod na tanong ni Dr. Arthur.

"Chill, Kuya..." natatawang saway na naman sa kanya ni Dr. Archimedes,
"Don't embarrass this young, pretty woman in front of us."


Ang isa niyang kapatid na si Dr. Alexander ay tahimik lang na kinuha si Ella sa akin saka kinarga. Ang alam ko, sa lahat ng mga kapatid ni Dr. Arthur, si Dr. Alexander lang ang hindi palaimik. Palibhasa ay Psychiatrist, eksperto siya sa panunuri ng mga tao.


Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon