Chapter 34

49.8K 1.1K 27
                                    

Esmeralda's POV

"Esmeralda, anak, puwede bang ikaw ang tumayong representative ng Papa mo sa ocular survey doon sa Rehabilitation Center ng Sacred Heart Hospital? Medyo masama ang pakiramdam ng Papa mo at ako naman, may dadaluhang Opening Celebration sa isa pa nating bagong bukas na branch sa Cebu."

Halos hindi na pumasok sa utak ko ang ibang sinabi ni Mama dahil nagulo na iyon sa unang pangungusap pa lamang. Babalik ako ng Sacred Heart Hospital at magiging representative pa! It means, magkikita na naman kami ni Dr. Arthur! At hindi lang 'yon, mag-uusap pa nang matagal!

"Esmeralda?" untag sa akin ng Mama nang hindi ako nakasagot.

"W-why did Papa venture in a Rehabilitation Center, Ma? I mean, healthcare is not our line of interest," sa halip ay sagot ko.

Ang line ng business namin ay pag-eexport ng mga prutas at iba pa sa iba't ibang panig ng mundo. Anong pumasok sa utak ng Papa ko at biglang nag-iba ng linya?


"Have you forgotten the miracle that happened to you nine years ago in that hospital? Your father still holds it in his memory. Parang tinatanaw na niyang isang panghabang buhay na utang na loob ang pagsagip ng mga doktor doon sa buhay mo. Venturing to this big and ambitious project is your father's way of extending his support to these doctors. Ang besides, these rehabilitative patients are just like you before, after you suffered from that accident."

Hindi ako nakakibo. So ako ang dahilan kung bakit naisipan ni Papa na sumuporta kina Dr. Arthur. Napakasama ko namang anak kung hindi ko susuportahan ang desisyon ng aking Papa na tumulong. At isa pa, hindi man nagtapos sa maayos ang misyon ko sa bahay ni Dr. Arthur, hindi pa rin  mabubura ang katotohanang utang ko sa kanya ang buhay ko.

Napabuntong hininga ako. Isinantabi ko muna ang kagustuhan kong iwasan si Dr. Arthur. Business is business.

"Okay, Ma. You can count me in," pagpayag ko.

"I know you would. Alam kong hindi mo bibiguin ang Papa mo. By the way, I called Brent to come with you—"

"No need!" mabilis kong putol sa kanya.

"But he's outside, Anak, kanina pa. Hinihintay ka."

Napabuntong na naman hininga ako. Ang bilis kumilos ni Mama! Ilang beses na siyang gumagawa ng paraan upang pilit kaming ipaglapit ni Brent sa isa't isa pero lagi siyang nabibigo dahil hindi ko talaga kayang pilitin ang sarili kong magustuhan ang lalaki. Wala talaga akong maramdamang kakaiba sa kanya hanggang ngayon.

——
"Emee?!"

Natulala ang mga kapatid ni Dr. Arthur nang makita akong nakaupo sa loob ng Conference Room ng mga ito sa ospital. Doon ako umupo sa upuang nakalaan sa Papa ko. Maaga akong nagtungo doon dahil ayaw kong ipahiya ang aking Papa. Baka kung ano namang sabihin ni Dr. Arthur. Ngunit nang makarating ako doon ay wala pa palang mga tao. Mabuti na lang at sumama si Brent para naman may makausap ako.

Nang magdatingan ang mga kapatid ni Dr. Arthur ay nagulat sila nang makita ako, puwera na lang kay Dr. Achilles na nagtatakang tiningnan ang mga kapatid. Wala pa si Dr. Arthur. Narinig ko sa isa sa mga staff kanina na may tinatapos pa daw ang manggagamot na isang emergency operation.

"Guys, get your facts right. She's not Emee, she's Ms. Esmeralda Suarez, Don Emmanuel's daughter," pagtatama ni Dr. Achilles sa mga kapatid saka ako binati, "Good morning, Miss Suarez," binati niya rin si Brent, "and good morning to you too, Mr. Peralta."

"Good morning din, Dr. Achilles," matipid ko ring bati.

"What the f*ck—" Hindi natuloy ni Dr. Archimedes ang gustong sabihin nang sikuhin siya nang malakas ni Dr. Alexander.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon