PROLOGUE
Ang bagal ng usad ng trapiko sa bahagi ng South Luzon Expressway at hindi na malaman ni Clarissa kung ano ang gagawin.Nag-iisa siyang nagmamaneho ng kanyang Honda Jazz na kotse at alas onse na ng gabi nang muling umandar ang mga sasakyan.
Sinikap niyang paligayahin ang kanyang mga kapatid na naiwan sa Batangas dahil alam niyang sabik na sabik ang mga ito sa muli niyang pagbabalik sa sa probinsyang kanyang kinalalakihan.
Nang sapitin niya ang nakagisnan niyang bahay ay nagulat pa siya nang makitang nakaabang sa tarangkahan ang ang tiyuhin niyang si Mang Jose na agad niyang sinalubong nang ihinto niya ang minamaneho niyang sasakyan.
"Wala riyan ang anak kong si Gina at ang kapatid mo,Clarissa.Dinala namin sa ospital si Kara isang taon na nakakaraan dahil nasa Stage 4 na ang sakit niya.Acute Myelogenous Leukemia daw,sabi ng doktor."
"Ho!"Ang lakas ng kanyang pagkabigla."Saan hong ospital?"
"Sa N. L. Villa Memorial Medical Center namin dinala.Ang mabuti pa'y iwan mo muna sa akin yung mga dala mong pasalubong at ihahatid na kita roon."
Lukob ng matinding takot at kaba,walang kibong ipinasakay ang kanyang mabait na tiyuhin at hanggang doon,abot-abot ang dasal niya.
Sapo ang kanyang mukhang napahagulgol siya ng malakas nang mapag-isip-isip ang mga naging pagkukulang ng kanyang ina.Mga pagkukulang na sa sandaling ito ay hindi niya alam kung kung paano niya ito malulunasan.
Ah,ang kanyang ina.Ang kanyang ina ang gusto niyang sisihin sa mga pangyayaring ito.Kung hindi ito nag-asawa uli,hindi nila sana abutin ang ganito na madalas silang bugbugin ng kanilang amain.Kung hindi ito sumama sa asawa nitong si Juancho,masaya sana silang nabubuhay kapiling ang kanyang ina at ang kapatid niyang si Kara.
Sinapit din nila sa wakas ang N. L. Villa Memorial Medical Center pagkatapos ng kalahating oras na biyahe.Halos hindi pa gaanong napahinto ang kanyang kotse ay palundag na siayng lumabas at halos takbuhin niya ang information room.
Sa emergency room siya itinuro ng nurse na nakatoka roon.Ewan niya kung bakit parang kinakabahan ito ngunit halos hindi mahilam ang kanyang luha habang papalapit siya sa emergency room.
At ang una niyang nakita nang bumangad siya sa pinto ay ang humahagulgol na si Gina.Nakayakap na ito sa isang nakahimlay na pasyente na tila nakatulog ng mahabang panahon habang nakipaglaban ito kay Kamatayan.
"Ate! Wala na si Kara!"
Napailing na napaatras siya.Pakiramdam niya,pinagsakluban siya ng langit at lupa nang mga oras din iyon.
Hindi puwedeng mangyari ang sinabi ni Gina,sa loob-loob niya.Malakas na malakas si Kara.Walang sakit si Kara.At magdiriwang sana ito ng ika-18 taong kaarawan sa susunod na linggo,Mayo 10.
Ngunit si Kara ay tuluyan nang kinatay ng karit ni Kamatayan.Ang maputla nitong mukha ay nagbabadya ng isang masakit na katotohanan.
Isang todong sigaw ang pinakawalan niya.
"Kara!"
Yakap ng mahigpit ang kanyang kapatid ay para siyang bata na napahagulgol.