Trevor's POV
"Daddy! Daddy! You want some?!"
"Ilagay mo na lang diyan. May tatapusin lang ako,"
"Okay,"
"Kuya! Gusto mo?" Pinakita ang cookies sabay alok sa akin ng little sister ko.
"Sure... why not," tinikman ko ito sabay tingin sa kapatid ko.
"Ano kuya.. Masarap ba?" Lumungkot naman ang mukha niya. Ang tagal ko kasi bago ko siya nasagot. Paano ba naman kasi ang sarap ng cookies na binake niya. 8 years old palang siya pero sobrang galing niyang magluto at mag-bake.
"Alam ko na ang sagot, Kuya. Akin na yan... Uulitin ko na lang ulit. Sisiguraduhin ko ng masarap yan,"
"Ano ka ba naman. Masarap kaya. Grabe, bilib na ako sa'yo,"
"Thank you, Kuya," sabay ngiti nito sa akin. Lumabas naman sa magkabilang pisngi niya ang mga dimples niya. Napangiti rin ako.
"Si Mama? Binigyan mo na ba?" tanong ko.
"Wait lang kuya. Pupuntahan ko lang siya,"
Halata sa mga mata niya na masaya ito kahit wala na si Mommy. Naaawa ako sa kapatid ko dahil hindi man lang niya nakita si Mommy. Namatay kasi ito dahil sa isang car accident habang dalawang taon gulang pa lamang ito. Hindi matandaan ni Althea si Mommy dahil masyado pa itong bata noon.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay kung saan maraming halaman at kung saan nandoon ang libingan ni Mommy.
Nakita kung napaluha si Althea kaya nilapitan ko siya. Isa sa mga nakuha ni Althea kay Mommy ay ang pagluluto at pagbe-bake. Kaya tuwing gumagawa siya o nagluluto ng pagkain, alam kung si Mommy palagi ang naiisip niya.
"Althea," napatingin naman siya sa akin at saka tumakbo palapit. Umiiyak na naman siya.
"Shhshh.." pag-aalo ko.
"Trevor! Althea! Maglalunch na tayo,"
"Yes Dad," tugon ko.
Napatingin naman si Daddy kay Althea.
"Why are you crying, Althea?"
"Dad, I missed her so much," niyakap ni Daddy si Althea.
•••••*•••••
Tahimik kaming kumain. Matapos ang nangyari kanina, hindi na ulit sila nagsalita. Siguro kapag nakita ito ni Mommy... Malulungkot siya dahil nakikita niya ang mahal niya sa buhay na ganito.
Kamukha ni Mommy si Althea. Kaya minsan mas naaalagaan pa ito ni Daddy kesa sa akin pero wala akong hinanakit.
Alam ko naman kung gaano kamahal ni Daddy si Mommy. Inaalagaan niya ito ng mabuti. Palaging inaalala, katulad na lamang kapag nasa school kami ni Daddy. Tatanungin niya kung, "Kumain ka na?". O kaya naman, "Hon, inaantok ka na ba?"
Kaya nang namatay si Mommy, ang laki ng pinagbago ni Daddy.
Noong unang linggo pa lamang nang matapos ilibing si Mommy, halos hindi na siya kumakain. Halos hindi na lumalabas ng bahay o kaya naman sa kwarto niya. Hindi na niya rin kami naaalagaan pati ang kompanya, iba kasi ang nag-aasikaso dito noon.
Nagising na lang ako isang araw na kinakausap na niya si Althea. Pati mga maids namin nagulat.
Isang adviser rin pala si Daddy. Sa school kung saan ako pumapasok.
"Dad, sasabay po ba kayo bukas?"
"Maybe, ako na lang ang maghahatid kay Althea. Kaya mo namang magdrive hindi ba?"
"Yes, Dad. Althea, mag-bake ka pa ng cookies bukas please!"
"As you wished, Kuya," saad niya habang nakangiti.
•••••*•••••
Kinabukasan...
"Dad, I'll go now. Bye Althea. Be good girl okay?"
"Bye kuya. I love you!" Sabay halik sa akin.
"I love you too,"
•••••*•••••
Setting: Clinton Academy
Clinton Academy-tinitingala ng lahat dahil sa kahusayan ng mga nagtuturo dito pati na rin ng mga estudyante kaya pangarap ng iba na dito pumasok pero pang mayayaman lamang talaga ito. Sobrang laki kasi ng tuition fee.
Apat na taon na akong nag-aaral dito. Lahat ng building ay halatang hindi pinapabayaan. Ang nga gamit ay nakaayos at nakalagay sa kanya kanyang lalagyan. Ultimo mga libro sa library ay walang makikitang dumi. Malinis ang paligid dahil wala kang nakakalat na plastik o kung anuman. May magandang garden na aakalain mong para kang nasa isang paraiso. Malawak din dito.
Nandito ako ngayon sa gym para puntahan si couch. Magsisimula na naman ang taon kaya dapat mas galingan ko pa para sumaya naman si Daddy. Alam ko kasing hindi pa siya medyo maayos. Halata sa kanyang mga mata.
•••••*•••••
Text message...
From: Daddy
3:30 pmIkaw na ang sumundo kay Althea. May ginagawa pa ako, baka gabihin na rin ako sa pag-uwi.
Uwian na at makikita mong maraming nagkakagulo sa labas. Kanina pa ang text ni Daddy. Pero 4:00 pm na... Ngayon ko lang nabasa.
Hindi ko na maintindihan si Daddy. Pinuntahan ko siya kanina sa faculty kaso wala siya roon. Ang sabi ni Mrs. Lopez umuwi daw ng maaga.
Malapit na kaming i-dismiss ni Ms. Reyes ng may nagbukas ng pinto.
Jamilla Fulkeston-ang babaeng mahal ko.
---
As of now po yan muna.
Vote and comment po please.
BINABASA MO ANG
Clinton Academy
Science FictionNamatay ang Mommy ni Trevor sa isang car accident. Habang dalawang taong gulang pa lamang ang nakababata niyang kapatid. Ilang linggong hindi makausap ang Daddy niya pero nang makarecover ito ay bumalik na ang kanyang sigla pero hindi katulad ng da...