Chapter 9: The Truth
Trevor's Point of View
Malaya kaming nakababa mula sa rooftop. Tahimik lang si Jamilla habang nagmamasid at nag-iingat ang iba. Nakuha ang atensyon namin ng may biglang sumigaw. Naging mas maingat pa kami. Marahil ay may mga tao pa dito.
"Malayo pa ba tayo?" ngayon lamang nagsalita si Jamilla. Argh! Please naman, nasasaktan ako sa mga kinikilos mo. Sana maging maayos ka dahil hindi ko kakayanin kung magtagal pa yan. Hindi sinagot ni Sam ang tanong niya. Naiinis naman si Jamilla sa inasal ni Sam.
"Sagutin mo ako kung ayaw mong basagin ko ang bungo mo!" sigaw nito. Tiningnan ko naman Mr. Stanford pero wala itong pakialam.
"Jamilla, can I talk to you?" nabaling ang tingin niya sa akin at binigyan ng masamang tingin.
"We're here," saad naman ni Sam. Binalingan ko sila ng tingin. Si Mr. Stanford at ang dalawa nitong kasama, ang tatlong bata, si Sam at Jamilla.
Naalala ko ang sinabi ni Sam na magkaibigan sina Daddy at si Mr. Stanford. Gusto kong malaman kung paano dahil akala ko ay isang ordinaryong mamamayan lang si Daddy. Ni hindi ko alam na may kaibigan itong katulad ni Mr. Stanford.
"Mr. Stanford, paano mo naging kaibigan si Daddy?" napabaling naman ang tingin nito sa akin. Isang tingin mo lamang dito ay alam mo na isa itong karespe-respeto.
"Hindi lang basta bastang kaibigan lang. Naging matalik kaming magkaibigan. Besides, magkapatid kami," nagulat ako. Paanong nangyari yun?
Natigilan kaming lahat lalo na si Sam. "Po?" Hindi ata kayang rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Tumawa lamang ito ng napakalakas at nauna nang pumasok sa loob. Totoo ba ang sinabi niya o talagang nagbibiro lamang siya?
May mga zombie namang sumalubong sa kanila. Totoo ba talaga o niloloko niya lang talaga kami? Hindi ako makapaniwala kung nagkataon.
Sumunod na silang lahat habang ako ang nasa huli. Hindi naman umiimik si Sam. Now, dalawa na silang tahimik at mukhang malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Clinton Academy
Bilim KurguNamatay ang Mommy ni Trevor sa isang car accident. Habang dalawang taong gulang pa lamang ang nakababata niyang kapatid. Ilang linggong hindi makausap ang Daddy niya pero nang makarecover ito ay bumalik na ang kanyang sigla pero hindi katulad ng da...