Chapter 8: Goodbye Jayson!
Trevor's POV
"Sabi ni Daddy, hindi na safe ang lugar namin. Shit! Nakagat ang isang kasama nila na hindi nito alam habang lumalaban ito. At... At nangyari na ang lahat, malapit na daw masira ang mansion kaya huwag na daw tayong tumuloy," saad ni Sam habang umiiyak. Tumuwag ang Daddy niya kani-kanina lang. Hindi kami makatulog dahil baka mamaya nandiyan lang sila.Parang agos ng ilog ang luha nito habang kausap ito.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong naman ni Jayson. Sinulyapan ko ang mga bata.
"Kailangan na nating makahanap ng lunas, kung saan nagmula ang lahat. Sa Clinton Academy..." determinadong saad ko.
8:00AM
Third person's POV
"Hindi kalayuan ang kotse sa mga zombie... Paano naman po tayo makakapunta doon?" tanong ni Jacob.
"Kuya, may cellphone ka ba?" tanong ni Althea kay Jayson.
Ibinigay naman ni Jayson ang cellphone na nakita niya kanina sa tinuluyan namin magdamag.
Pumunta naman si Althea sa kabilang dako, gagawin niya rin ang ginawa ng kuya niya kahapon. Hindi na siya napigilan pa ng kuya niya dahil nakalayo na ito sa kanila at delikado naman lalo kapag nakita ng mga zombie kapag hinabol pa niya ito. Ginagawa na ni Althea ang plano niya nang may biglang bumangon na zombie di-kalayuan sa tabi niya.
Nagulat si Jamilla gayun din ang iba pa lalo na si Trevor. Wala itong ibang nagawa kundi ang tumakbo at kunin si Jamilla. Kinuha niya ang isang tubo na nadaanan niya pagkatapos ay agad na inatake nang nakalapit na si Trevor. Laking gulat naman ito ng nakababata niyang kapatid.
"Let's go!" utos ni Trevor sa kapatid niya. Hindi naman makagalaw si Althea dahil na rin sa gulat. Kung hindi pa ito nailigtas ng kuya niya ay maaaring isa na rin ito sa libo-libong
gutom na gutom sa mga tao. Naisip ng bata, kailan ito matatapos? Kailan pa ito masosolusyunan? Kung kailang unti-unti na kaming nauubos? Kung kailang ubos na kami? Wala man lang bang nakakaisip na iligtas kami? Ilan lang yan sa mga tumatakbo sa utak ng bata."Althea! I said, let's go!!!" nagulantang ang bata at naibalik na rin ang kamalayang tao niya ng sumigaw ang kuya nito. Samantalang nakita niya rin ang paglapit ng isang grupo ng zombie sa kanila.
Tinuro niya nang nanginginig ang mga ito. Agad namang pinalo ng buong lakas ni Trevor ang mga papalapit sa kanila pagkatapos ay agad na tumakbo sa kinaroroonan ng mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Clinton Academy
Science FictionNamatay ang Mommy ni Trevor sa isang car accident. Habang dalawang taong gulang pa lamang ang nakababata niyang kapatid. Ilang linggong hindi makausap ang Daddy niya pero nang makarecover ito ay bumalik na ang kanyang sigla pero hindi katulad ng da...