Trevor's POV
Habang nag-uusap kami tungkol kay Daddy ay may narinig kaming sumigaw mula sa labas. Sinilip namin ito mula sa terrace nina Jayson. Laking gulat namin ng tinutukan ng baril ang isang lalaki ng isa pang lalaki na may kasamang batang babae at di kalayuan ay makikita mo ang mga zombie na hinahanap ang ingay na yun. Marahil ay sumigaw ang batang babae sa kanyang nasaksihan.
Hindi maaari. Wala pa silang malay na lumalapit na sa kanila ang mga zombie.
•••••*•••••
Third person's POV
"Pakiusap, kahit ang anak ko lang ang kunin niyo," pakiusap ng lalaki na tinututukan ng baril.
"Pasensya na pero... maaaring infected na rin kayo. Maaaring ilang minuto na lang ay kagaya na kayo nila," sagot ng lalaki habang may kaba sa dibdib niya. Gusto niya lang talagang makasiguro na ligtas sa loob ang kanyang mag-ina. Kaya hangga't maaari ay walang maaaring makapasok sa loob ng bahay nila.
"Pakiusap... Wala pang nakakakagat sa anak ko,"
Napatingin naman ang lalaki sa kamay ng ama ng batang babae. Mayroon itong tela na ipinulupot sa bandang taas na bahagi na nakagat para hindi kumalat ang virus mula sa mga zombie.
"Pasensya na pero... hindi pwede.. Patawarin mo ako," sabay pinaputukan ito sa bandang tiyan. Pagkatapos ay isinarado na ang pinto.
"Daddy!" sigaw ng batang babae.
"Anak, hindi na rin ako magtatagal... Tumago ka sa halaman doon para hindi ka nila makita. Palapit na sila ng palapit,"
"Daddy!" Tanging Daddy lang ang lumalabas sa bibig ng batang babae dahil na rin sa paghikbi. Masasabi mong lima o hanggang anim na taon gulang pa lamang ito.
"Go ahead. Nandito na sila," itinulak ng bahagya ng lalaki ang anak niya. "Sundin mo ako!" sigaw pa nito.
Nagtago na ang bata at nakikita niya ang bawat pagkilos ng zombie palapit sa Daddy niya.
"Sige, kainin niyo na ako," kasabay nun ay ang paglagot ng hininga ng lalaki. Tinakpan ng bata ang bibig niya para hindi makagawa ng ingay. Sinabi rin kasi ng Daddy niya na huwag mag-iingay kapag malapit sila sa'yo. Unti-unti ng dinumog ng mga zombie ang daddy niya. Wala itong magawa dahil maaaring magaya siya sa mga ito. Nakita niya ang pagbabago ng anyo ng daddy niya... Naiisip niya ang mga sandaling buhay pa ito. Ang masasayang alaala na iniwan nito.
Umurong ang bata ng may nagbaling sa kanyan ng tingin at di sinasadyang nabunggo ang isang basurahan na talaga namang nakagawa ng ingay. Lahat napatingin sa kanya kaya sobra na lamang ang kabog ng dibdib niya.
Nanunuod lamang ang mag-anak mula sa second floor ng bahay nila.
"Hon, alam kong alam mo na totoo ang sinasabi ng lalaking iyon," saad ng ginang.
"Patawarin mo ako, hon... pero kailangan ko yung gawin," sabay buntong-hininga.
At sa di kalayuan ay nanunuod din ang magkakaibigan dahil malapit lang ito sa kanila.
•••••*•••••
Trevor's POV
"Shit! Ililigtas ko siya," nanunuod lang kami sa mga nangyayari at talagang kailangan ko ng puntahan ang bata dahil mapapahamak lang ito. Aish! Crap!
Bumaba na ako ng mabilisan at tinakbo ang kinaroroonan ng mga zombie. So, what now? Pader nga lang talaga ang pwedeng masandalan. Umakyat ako sa mga pader at pwede naman doong tumawid. Malapit na ako sa bata ang kaso paano ko siya makukuha?
Nakita ko ang pamilyang nakatingin lang sa nangyayari. Umiiyak ang mag-ina at halata namang nag-aalala ang lalaking bumaril sa tatay ng batang ito. Binalingan nila ako ng tingin at sumenyas ako na kung pwedeng humingi ako ng tela. Maaarin ko yung magamit para doon humawak ang batang ito.
Nasa itaas kasi sila, siguro bed room din iyon. Kailangan ko ng makuha ang bata. Kinakabahan ako pero hindi ko man lang ito mailabas. Nice...
Nakita ko silang umalis sa bintana. Hay! Walang gustong tumulong sa akin. Paano na 'to? Ilang minuto na rin at palapit na ng palapit ang mga zombie sa bata. Siguro kaya sila natagalan sa paghahanap sa bata dahil wala na silang marinig. Slow din pala sila minsan. May sumisitsit sa akin na di kalakasan pero narinig ito ng mga zombie. Sinundan ko ang tinitingnan nila at nakita ko ang pamilya na inaabot na sa akin ang tela. Hindi naman ako nahirapang kunin ito.
"Bata!" tawag ko ng mahina. Pero hindi pa rin nakatakas ang mahinang boses ko sa mga ito. "Faster!!!" sigaw ko. Agad ko naman itong hinila matapos niyang mahawakan ang tela. "Salamat!" pagpapasalamat ko sa kanila. Nakita ko namang nag-salute ang lalaking bumaril sa tatay ng batang hawak ko ngayon. Medyo nainis ako sa kanya. Kung sanay pinag-usapan nila ng maayos kanina ang kung anuman ang pinag-uusapan nila... sana hindi mangyayari ito.
Tinanguan ko na lang siya. Now! Kailangan ko nang tumawid. Damn! Sobrang dami nilang umaabot sa aming dalawa. Pero kahit anong pilit, sa sobrang taas ng pader na ito, hindi pa rin nila kami maabot. Siguro nasa mga limangpu sila. Delikado na kami dito... Kailangan na naming makaalis dito.
•••••*•••••
Jamilla's POV
Are you out of your mind, Trev?!? Hindi ko namalayan na umalis na pala ito sa tabi namin. Nagulat na lang ako ng nakita ko siyang umaakyat sa pader. Tsk! Kahit buhay ang kapalit, isusugal niya. Basta mailigtas lang ang taong nasa paligid niya. Hindi ako mapakali. Baka may mangyaring masama sa kanila.
"I'll go there," bago pa ako makahakbang ay hinawakan agad ako ni Jayson. "What?!" naiirita kong tanong.
"Masyadong delikado,"
"No! I will help him!" stupid you, Trev! Dinala ko ang baril at extra bullets. Tsk! Buti na lang pala naturuan ako ni Dad. Lumabas na ako at sinigawan ang mga nasa labas.
"Hey! All of you!" natuon ang atensyon nila sa akin at tumakbo papalapit. Binigyan ko sila ng signal na dalhin ang batang babae sa loob ng apartment. Tumakbo ako para makalayo at magkaroon sila ng dadaanan. Nang masiguro ko na nakapasok na sila ay saka ko naman pinagbabaril ang mga zombie-ng nakakalat. Hay! This is so fucking annoying! Paano na lang kaya kapag sa susunod pang mga araw?
•••••*•••••
To be continue....
•••••*•••••Sorry sa pagkakamali ko. Hinsi po ako magaling na author kaya pagpasensyahan.
Comment po kayo, please! Para po sana malaman ko kung ano ang mga reaksyon niyo. Please! Please!
BINABASA MO ANG
Clinton Academy
Science FictionNamatay ang Mommy ni Trevor sa isang car accident. Habang dalawang taong gulang pa lamang ang nakababata niyang kapatid. Ilang linggong hindi makausap ang Daddy niya pero nang makarecover ito ay bumalik na ang kanyang sigla pero hindi katulad ng da...