Chapter 2: Zombie Vs. People

119 7 0
                                    

Third Person's POV

Nag-uusap ang tatlong guro malapit sa gate kung saan sila nagtuturo-Clinton Academy.

Dalawang babae at isang lalaki. Pinag-uusapan nila ang kaibigan nila na kapwa guro rin. Si Mr. Greensmith, ang ama ni Trevor at Althea.

Nitong mga nakaraang araw kasi, palagi na itong busy pero hindi tungkol sa mga marka at estudyante niya. Naguguluhan man ang mga ito sa ikinikilos ng kaibigan, hinihintay na lang nila na ito na mismo ang magsalita para hindi sila lumagpas sa limit.

Isa sa ugali ni Mr. Greensmith ay ang ayaw na pinapakaelaman.

Habang nag-uusap ang mga ito, napukaw ng atensyon ni Mrs. Lopez ang isang lalaki sa labas ng gate. Nagtataka ito kung bakit parang wala sa sarili kaya nilapitan niya ito.

Binuksan nila ang gate at tinangka pang alalayan ni Mrs. Lopez ito pero agad namang lumapit ang dalawa pang guro para tumulong.

"Maaari ba naming malaman kung anong nangyari?"

Hindi sinagot ng lalaki ang tanong nila dahil bumagsak ito. Laking gulat nila na may dugo sa kanyang likuran.May eyebags ang lalaki at maputla ang kanyang labi. Bakas sa mukha niya na parang nauuhaw. Sa tingin nila ito'y isang may pinag-aralan dahil sa suot nito.

Tumayong muli ang lalaki ng wala sa sarili.

"Mister, are you okay?"

Marami na ring lumapit sa kanila na ibang staff. Walang makikitang estudyante dahil oras ng klase.

"Anong problema dito?" tanong ng punung-guro.

Lumapit kay Mrs. Lopez ang lalaki at kinagat ito. Nakita nila kung paano magpumiglas ang guro. Hindi ito ordinaryong kagat lang. Naligo sa sariling dugo ang guro at sinimulan na ring kagatin ng lalaki ang iba pa samantalang ang mga nakakagat niya ang nagiging kagaya niya. Gutom na gutom... Walang kasagutan sa mga nangyayari. Hindi matukoy kung anong nilalang ito.

•••••*•••••

Trevor's POV

"We need to get out of here, Jamilla! Run!" sigaw ko. Fuck! Ano ang mga ito? Anong nangyayari? Shit!

"Where are we going?"

"Just run! Dumiretso tayo sa parking lot!"

"But, si Jayson! I need to warn him!" akmang babalik siya ng hinawakan ko siya. Fuck! At sino namang Jayson yun? Boyfriend niya? Fuck! Gigilitan ko siya.

"What?!?" Halatang naiirita siya. Sorry pero buhay natin ang nakataya dito. Kailangan ko siyang iaalis dito.

"Hey guys!" napukaw ang atensyon namin sa sumigaw... "Trevor, hayaan mo siya! Stupid!"

Binitawan ko si Jamilla. Tsk! Maka-stupid naman 'to.

Samantha Stanford...

"Mic test... Ahem... Ahem... Attention all students and teachers. Mangyari pong huwag mag-p-panic kung may mangyayaring mang masama. Mayroong nagkakagulo sa labas at hindi pa namin alam kung ano ang dahilan kung bakit nangangagat ang bawat tao doon. Pinapayu--- Ahhhh!!! Arrghhh!!! Ahh! Help!!!!!!" nawala na lang bigla ang nagsasalita.

•••••*•••••

Third person's POV

Ang lahat ay natahimik at hindi man lang magrehistro sa kanila ang mga sinabi ng announcer.

Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at halos kaluskos lang ng mga dahon mula sa mga puno at huni lang ng mga ibon ang maririnig.

•••••*•••••

Trevor's POV

Fuck! Ano ba talagang nagyayari? Nakarinig ako ng isang chalk na gumulong mula sa teacher's table na malapit sa amin. Hindi ko namalayan na tumigil din pala ang lahat. Dahan-dahan lang ang pagkakagulong ng chalk at sa pagbagsak nito ay kasabay ng pagtakbo nila. Shit!

"Jamilla!" hinigit ko siya dahil alam kung mababangga siya ng mga tumatakbo.

"Fuck!" she cursed. "Thank you,"

"Always welcome,"

Sinabi ng huwag mag-p-panic eh.

"Hey, you two. Sa rooftop!" tumango na lang kami. Crap! Nauna nang tumakbo si Samantha at sumunod kami.

Napatigil kami sa pagtakbo pagdating sa taas. Fuck! Mayroon na agad dito?

"Zombie... Don't move... Don't make any noise.." Samantha said.

Nagkatinginan lang kami ni Jamilla at sinunod ang sinabi ni Samantha.

"I observed them already. They didn't see us but they can hear us... I called to my Dad and he told me that we should wait him there," sabay turo sa mataas na bahagi ng rooftop.

"How can we get there if this fucking bastard blocked our way?"

"Move... I can handle this," kinuha ko ang isang baseball bat na nakakalat dito. Hindi niya pa rin kami naririnig. This guy is a football player. Hmm... Masaktan kaya siya kung papaluin ko siya nito? Fuck! Tangina! Alam ko.. Alam na alam ko... (sarcasm)

"Pst! Hey you!" lumipat naman ang tingin niya sa akin. Halata kasing naghahanap siya ng biktima. Hindi magkamayaw sa pagtingin kung saan-saan. Wala silang patutunguhan kung wala siyang naririnig.

Bakit kaya nangyayari 'to? Marami na kayang ganito sa labas?

Tumakbo papunta sa akin ang nilalang na ito. Ganun din ang ginawa ko sabay hampas.

"Ahhh!" *boogshh* Shit! Tumalsik sa akin ang dugo niya. Crap! Sa mukha pa talaga. Akala ko tapos na dahil nakahandusay na siya pero gumalaw parin ito patayo. Shit! Pugutan ko kaya ito ng ulo. Malakas ang isang 'to.

"Trev! Throw him!" sigaw ni Jamilla. Right... Mataas nga ang building na ito. Shit! Lumalaban pa ito. Nagawa ko rin na itapon siya mula sa kinatatayuan namin at nagsimula na muling tumakbo.

Malapit na kami sa mataas ng bahagi ng rooftop na ito pero... Crap! Ang dami nilang humahabol. Yung iba naglalakad lang at yung iba walang pakialam. Siguro hindi pa sila aware.

*phone call*

"Fuck!" tsk! Ang hilig ng babaeng ito na magmura. Parang hindi babae.

"Jamilla, stop cursing. Just continue... Ako na ang bahala dito,"

Tumakbo na ulit sila at nilabanan ko na naman ang mga ito. Tsk! Sayang ang ganda nito. Siya ang champion ng Ms. Intramurals namin. Ngayon uhaw na uhaw na siya sa dugo. Bampira lang? Fuck! Nakakapagbiro pa ako.

Hinampas ko siya at ang iba pa. Habang tumatagal paunti-unti na silang nauubos. Bakit ang tagal naman ng Dad ni Samantha? Pagod na rin ako.

"Fuck! Trevor, daddy is not coming! May nilalabanan din sila!" Saad ni Samantha. Samantha Stanford's Dad is a commander. Kilalang-kilala siya dahil ang husay niya.

"So, what now?" Wala nang umaatake sa akin dahil hindi na nila kami naririnig. Napagdesisyunan muna naming umakyat sa taas.

"By the way, --- Trev, sa likod mo!!!" Crap! Sumigaw si Jamilla.

"Bakit ka sumigaw?!?" Sigaw ko na nagtatanong. Nataranta na silang dalawa.

"Jamilla, may nakita akong pwede nating gamitin para labanan ang mga yan... Wait for us, Trevor,"

"Bilisan niyo!" Arghh!! Matatapos pa ba 'to?

••••••••••••

To be continue...

••••••••••••

Please comment po kayo ng reactions niyo. Vote na rin po kayo... Keep reading guys...

Clinton AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon