Chapter 4: Fight Together

95 2 1
                                    

Trevor's Point of View

"Kailangan natin ng masasakyan," saad ko.

"There," turo naman ni Sam.

"Hmm... Cool," manghang sabi ni Jacob sa dalawang motor. Wala man lang bang kotse dito? Nagkibit-balikat na lang ako. Nakagamit narin naman ako niyan eh.

"So, let's g---" naputol ang sasabihin ni Jayson ng dahil na naman kay Sam.

"Run!" Sam said. Nasa likod na pala namin ang tatlong zombie. Buti na lang at naramdaman agad ito ni Sam kundi katulad na rin namin sila ngayon.

Dumiretso na kami sa dalawang motor at pinaandar ito. Naunang umalis sina Jayson, Sam at Jacob.

"Protect her. Kung may mangyayari man sa akin na ma---" Jacob said.

"I always will. Don't say that, bro. We will fight together,"

Umalis na sila at ako ang nagpapatakbo tapos nasa likod ko naman si Althea at si Jamilla ang nasa pinakalikod. Kanina pa siya tahimik.

Biglang may humarang sa amin na isang zombie. Agad itong binaril ni Jamilla.

"It's too close," saad niya.

"I'm sorry," pagpapaumanhin ko.

"Kuya, be careful," pinaandar ko na agad ito ng mabilis.

*cring*

"Huh? Sino naman kaya 'to?" narinig kong sabi ni Jamilla. Pagkatapos ay sinagot na niya ito.

"Okay... Okay... Yes... Be careful... Kayo din... Bye,"

"Sino yun?" tanong ko. Nakatulog na ata sa likod ko si Althea.

"Sina Sam at Jayson. Malayo-layo rin ang kina Sam dito, hindi ba?"

"Oo. Buti na lang pala nakapunta na tayo noon sa birthday party niya,"

"Alam mo ba kaya ka niya inimbitahan ng personal noon samantalang kami nagpautos pa siya?"

"Kasi... Kaibigan natin siya?"

"Stupid! Hindi natin siya kaibigan,"

"Ahehehe... Oo. Pero bakit nga ba?"

"Seriously! Napakamanhid mo naman. She is fucking inlove with you at kailangan ko pang sabihin sa'yo ang nararamdaman niya? Tsk!"

"She is inlove with me? How? How did you know?"

"I just observed it lately,"

"Pero, iba ang mahal ko," malaya na kaming nakakadaan ngayon dahil wala ng zombie na nakakalat at kailangan ko ring pumunta sa gas station para in case na maubos na ang gas nito.

"Whatever!" ang taray. Hay! Kung pwede nga lang sabihin ang totoo. Baka masira lang ang lahat. Ang pagkakaibigan namin.

•••••*•••••

"Jamilla, okay ka lang ba dito?" tanong ko. She already refilling the tank of the motor. Iiwan namin sana siya dito sa labas ng gas station at kukuha lang ako ng pwede naming gamitin.

"Yes, of course,"

Pumasok na kaming dalawa ni Althea sa loob.

"Wait for me... I will check if there's someone here, okay?" sabi ko ng pabulong. Gabi na rin at papatay-patay ang ilaw dito sa loob ng isang grocery store. Tumango lamang siya.

Kumuha ako ng isang de lata na sardinas at ibinato palayo sa amin. Naninigurado lang ako, baka mamaya umatake na lang bigla-bigla ang mga ito ng hindi namin alam. Tama ang hinala ko. May tumakbong isang zombie papalapit sa de latang ibinato ko. Nagpalinga-linga ulit ito dahil akala niya'y may makakain siya doon. Pinalapit ko ng dahan-dahan ni Althea. Nang makalapit na ito ay itinutok ko ang baril sa zombie na may silencer. Baka mayron pang zombie dito. Pinutok ko ang baril ng payapa. Naghanap pa ako ng pwedeng magbigay ingay para matiyak na wala ng natitirang zombie dito sa loob. Itinumba ko ang isang estante na puno ng detergent powder. Shit! May limang zombie doon sa likod. Isa-isa ko ulit silang pinaputukan. Nang masiguro na naming wala ng zombie ay agad kaming kumuha ng malalagyan ng mga pagkain. Para na rin kaming nagnanakaw. Nakakita si Althea ng isang bag na talaga namang marami ang pwedeng ilagay. Nakangiti niya itong ibinigay sa akin.

Clinton AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon